Chapter 42: The Enemy's Revenge

50 3 0
                                    

42:The Enemy's Revenge

Zero's POV

"Arnold, yung anak natin.Nasaan sya?" paulit ulit na nagtatanong si Tita kay Tito Arnold kung nasaan si Zurich ngayon.Iyak rin sya ng iyak dahil sa pag aalala.

Nagsimulang mag alala si Tita kanina nung lumiwanag na ang paligid.Matapos bumalik ang ilaw, hindi na namin nakita si Zurich kahit sina Khaira at Kim wala rin.

Nagtaka kaming lahat dahil sa gulo ng mga upuan at lamesa sa bandang dulo ng venue at hindi namin alam kung bakit ganon.We're all thinking about what happened earlier at nagtataka kung bakit nawawala silang tatlo.

"Just shut your mouth up, Zephora! I don't know where he is! Stop worrying!" nagulat kami nang sumigaw si Tito at hinampas ang lamesa na nasa harapan namin.

Nandito kami ngayon sa sala at karamihan sa amin ay tahimik lang.Umiiyak na rin ang mommy ni Kim dahil nag alala rin ito sa anak nya.Pero si Tita Zeph hindi matahimik at gustong malaman kung nasaan ang anak nya ngayon.

"Saan ba pumunta si Zurich, pre? Hindi man lang tayo sinama." bulong sakin ni Dentrix na katabi ko.Napalingon na rin sa amin si Kiel at Aurie na naghihintay sa isasagot ko.

"Hindi ko alam! Magkakasama tayong apat kanina kaya hindi ko alam kung saan man sya ngayon.Iba ang pakiramdam ko dahil feel ko may hindi magandang nangyari kanina nung namatay ang ilaw." saad ko.Sumang ayon din si Aurie sa sinabi ko.

"Yan din ang pakiramdam ko kanina.Sa tingin ko may nangyari nang masama sa kanilang tatlo.Sino ba sa tingin nyo ang gagawa ng masama kay Zurich? Isa lang naman ang naiisip ko." sambit nya at lumapit nang husto sa amin."...sa tingin ko si Xavier ang dahilan ng pagkawala nila.Diba, may utang si Zurich sa kanya?Kilala nyo naman yun kapag tungkol na sa pera, gagawin nya ang lahat para makuha nya ang gusto nya.Hindi na ako magtataka kung dinamay nya si Khaira dahil alam nyang girlfriend yun ni Zurich.Gagamitin nya yung alas para makuha nya lahat ng gusto nya." dugtong nya.

Mukhang tama sya dahil si Xavier lang naman ang kilala namin na pwedeng dahilan ng pagkawala nila.

"Tama ka! I think I know where he is right now.Dapat na ba natin syang puntahan o sabihin natin kina Tito?" tanong ni Kiel.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon