Chapter 46: Missed her so much

56 3 0
                                    

46:Missed her so much





Esperanza's POV

Dalawang araw na ang nakalilipas simula nung mabaril at maoperahan si Khaira.Dalawang araw narin akong nandito at nagbabantay sa kanya kung wala sina Tito at Tita.

Sa dalawang araw na rin yun, panay ang pagkausap sakin ni Zero pero hindi ko sya pinapansin.Hindi naman ako as in galit sa kanya dahil kay Zurich ako galit.Naiinis ako kay Zero dahil kasama sya sa panloloko kay Khaira.Parang niloko nya rin ako dahil sa ginawa nila.

Pinagmasdan ko si Khaira na nakahiga sa kama dito sa ICU habang nakaupo ako sa gilid nya.Parang maiiyak na naman ako dahil sa nangyari at sa itsura nya ngayon.

Bahagya syang nakanganga dahil sa tubo sa bibig nya at Medyo naririndi na rin ako dahil sa tumutunog na machine sa gilid nya.Hindi ko akalain na mangyayari to sa kanya.Wala man lang akong nagawa para saluhan sya sa problema nya.

Siguro kong napuntahan ko kaagad sya nung sa party ni Zurich, hindi sya makukuha nung lalaki.Yeah! Nandun ako nung gabing yun pero huli na nang makarating ako.Kararating ko lang nun nang makita ko si Khaira na nakatayo sa gilid at umiiyak kaya nagmadali ako dahil alam ko kung bakit sya nagkaganon.

Narinig ko lang naman ang announcement ng daddy ni Zurich pero papunta palang ako sa kanya nun nang namatay ang ilaw.

                           ~Flashback~

Wahhhhh! Late na ako sa party buti nalang nakaabot pa ako.Hehehehehehe!

Habang naglalakad ako papasok sa bahay nila Zurich, may narinig akong nagsasalita sa loob kaya napahinto ako.

Bakit parang narinig ko ang pangalan ng isang babae at ni Zurich? Guniguni ko lang siguro yun.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad nang mapahinto na naman ako dahil sa huling sinabi nung nagsasalita.

"They are finally getting married..."

Napanganga ako dahil sa gulat.Agad akong tumakbo papasok ng gate at napahinto ulit nung makita ko kung sino ang tinutukoy.Si Zurich at isang napakagandang babae ang nakatayo sa gitna ng stage kasama ng isang lalaki na sa tingin ko ay daddy ni Zurich.

Kitang kita sa mukha nung babae ang tuwa dahil sa in-announce pero bakit? Bakit sya ikakasal dyan sa babae? Eh girlfriend nya yung kaibigan ko ehh.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon