Chapter 14: Failed

53 2 0
                                    

14:Failed


Ang init at ang sikip sa pwesto ko ngayon.Nangangawit na rin ako dahil kanina pa ako nakabaluktot dito.Kung pwede lang pumatay ng tao ginawa ko na.Buwesit kasi! Tapos nauuntog pa ako dahil malubak sa dinadaanan namin.

"Umayos ka naman!" reklamo ni Xhylo.

Puga! Ako pa talaga ha? Ehh sya yung nakisiksik dito.

"Ikaw yung umayos dyan.Bakit kasi sumama ka pa." inis na sabi ko.

Wag lang sana kami marinig ng mga bangagan at baka mabuking talaga kami dito.Pusa! Ang init talaga at parang feel kong humubad.Nandito kasi kami sa likod ng sasakyan at sobrang lapit namin sa isa't isa ni Xhylo dahil sa sikip ng pinaglalagyan namin ngayon.

Kung hindi ba naman kasi nagpumilit tong isa edi sana hindi ako nagtitiis ngayon.Putcha! Naka salubong ko pa kasi sya sa school.Yan tuloy nagpumilit sumama dahil sinabi ko sa kanyang susundan ko sila Zurich.

"Hoy! Lumayo layo ka naman.Nararamdaman ko na yung hininga mo sa mukha ko.Ang baho kaya!" reklamo nya.

Ay! Depuga talaga tong lalaki na to.

Sya pang may ganang mag reklamo ehh sya yung sumiksik dito.

Hinampas ka sya ng pagkalakas lakas.Buwesit kasi! Kanina pa sya nagrereklamo walang kapaguran ang bibig nya.

"Aray! Bakit ka nanghahampas?!"

"Ang lakas mong magreklamo.Buwesit ka! Bakit kasi sumama ka pa ha?"

Ilang minuto na kaming nagbabiyahe kaya ilang minuto ko na ring pinagtitiisan ang kaingayan ni Xhylo.Walang ibang ginawa kundi ang dumakdak lang.Kasalanan nya naman.Kung hindi sya sumama edi sana hindi kami nahihirapan ng ganito.

Anong oras ba hihinto tong sasakyan? Parang ang layo naman masyado ng distinasyon nila.

"Gusto kong sumama ehh."

Ayst! Nakakainis naman ehh.Init na init na nga ako,nagatungan pa ng pagkainis dahil sa lalaking to.

Saan ba patungo tong sasakyan? Karamihan lubak ang dinadaanan.Hindi tuloy maiwasan nitong isa na tumahimik at panay ang aray dahil nauuntog sya.Sa totoo lang,masakit din talaga ehh.Putcha! Kanina pa kami nauuntog tapos hindi pa rin humihinto tong sasakyan.

Pag ako magkabukol makakatikim ng sapak sakin si Zurich! Humanda sya sakin!

"Bakit mo ba kasi sila gustong sundan?" tanong ni Xhylo na hindi ko makita ang mukha kong galit na ba o ano.Ang dilim kasi dito sa loob ehh.

"Basta! Narinig ko kasi silang may pupuntahan daw.Tin anong ko sila hindi naman nila sagutin kaya ayun naisip kong sundan ko nalang sila." sagot ko.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon