Chapter 53: New Life

58 3 0
                                    

53:New Life

~~~~~~~~~~~~~~ After ~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~ 5 months ~~~~~~~~~~~


"Khaira, bilisan mooo!"

Nagmadali na akong kumilos nang marinig kong sumigaw si Espe mula sa labas ng kwarto.Gosh! Ang bagal bagal ko kasi kaya nahuhuli ako lagi sa kanya.

Nang matapos na akong mag ayos, agad naman akong lumabas ng kwarto ko at bumungad sakin ang maganda kong kaibigan.She's wearing now the same uniform as mine dahil pareho naman kami ng university na pinapasukan.

"Oh my gosh! Ang ganda ganda mo, Khai! Hindi ka na tulad ng dati na baduy, HAHAHAHAHA." ang lakas ng tawa nya kaya medyo nainis naman ako.Medyo lang naman!

"Mas maganda ka!" saad ko na ikinatuwa nya.

"Yieeeee! Enebe! Alam ko naman yun.No need to tell me." nagflip pa sya ng hair nya habang pabebeng nakangiti sakin.

Umiling naman ako dahil sa iniasta nya.Hindi parin talaga nagbabago dahil ganon parin sya.Palabiro at masayang kasama.

"Tara na! Baka malate pa tayo sa school." hinawakan ko ang braso nya saka nihila sya pababa.

Nakita ko naman sina Lola, mommy, daddy at ate na kumakain na.Lumapit kami sa kanila para magpaalam.

"Good morning po." bati ni Espe.Ngumiti naman silang lahat lalong lalo na si Ate na tuwang tuwa dito kay Espe.

"Good morning, beautiful Esperanza." pang aasar ni Ate.

"Ate Mj naman ehh.Don't call me that." reklamo nya dahil ayaw nya yung tinatawag sya ng Esperanza.Ang panget daw kasi.

"Ang ganda kaya diba, baby girl?" tanong ni ate sakin kaya tumango naman ako.

"Aalis na ba kayo agad, sweetie?" tanong ni mommy.

"Opo, mommy.Doon nalang po kami sa school kakain."

"Ang aga nyo naman yata." si daddy.Tumingin pa sya sa aming dalawa ni Espe.

"Ahh Hehehehe, may gagawin pa po kasi kami sa school Tito ehh that's why maaga kami." si Esperanza ang sumagot.

"Okay!"

"Alis na po kami." hinalikan ko si mommy sa pisngi ganon din kay daddy at kay Lola.Si ate naman ay nag flying kiss lang sakin saka kami tumalikod para umalis.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon