Chapter 58: Husband and Wife

48 2 0
                                    

58:Husband and Wife



Kimberly's POV

We're here now at the reception.Nagsasaya ang lahat dahil sa aming dalawa ni Zurich.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang malaking cake habang may hawak na kutsara na may laman nun.After we ate the cake, nagpalakpakan sila at naghiyawan.

Ngumiti ako sa kanya habang sya naman ay humarap sa mga bisita habang nakahawak sa bewang ko.

Maya maya ay narinig namin ang ingay from the crowd.Pinupokpok nila ng kutsara ang mga baso nila habang sumisigaw.

"Kiss!"

"Woahooo!"

"Kiss the Bride!"

I looked at Zurich at ngumiti sa kanya.Hanggang ngayon naririnig parin namin yung tunog ng baso na pinupukpok nila.They are waiting for us to kiss each other.

Humarap naman sakin si Zurich saka hinalikan ako pero sa gilid lang ng labi.For the second time he did that again.Instead na halikan ako sa labi, sa gilid nya lang ako kiniss.

Bakit ba hindi nya ako kayang halikan sa harap nilang lahat? We did this before pero para syang nandidiri sa akin dahil ayaw nya akong halikan sa labi ko.

Nagpilit nalang ako ng ngiti habang nakaharap sa kanilang lahat.

Ilang minuto pa kaming nagstay sa harap nila habang nakatayo hanggang sa umupo na kami.

Nakaupo kaming dalawa dito sa gitna at para na kaming tanga dito dahil hindi man lang kami nag uusap.Tahimik lang sya habang nakatingin sa mga bisita namin.

Ayokong mainis pero hindi ko na matiis ehh.Sana man lang kahit pilit lang na saya ang ibigay nya okay na sa akin.Halata kasing hindi sya masaya sa status namin ngayon.

"Zurich." I called him.Lumingon naman sya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"Alam kong hindi ka naman talaga masaya ngayon pero sana naman kahit magpanggap lang na masaya kagawin mo.Kahit ngayong gabi lang." saad ko.

Hinawakan nya ang kamay ko saka ngumiti sa akin.Aware naman kasi talaga ako na pinakasalan nya lang ako because of our baby.Ako naman may kagagawan nito but it's okay dahil ito lang ang naisip kong paraan para mapasakin sya and it happened. Akin na sya ngayon.

"I'm happy, Kim.Wala lang talaga akong gana ngayon."

Natawa ako dahil sa sinabi nya.Walang gana o hindi talaga masaya? I'm sure hindi lang talaga nya matanggap na ako ang napangasawa nya at hindi ang panget na yun.Siguro nga hanggang ngayon, sya parin ang mahal nya.

"I'm not stupid, Zurich.Alam ko naman na hindi ka talaga masaya sa relasyong meron na tayo ngayon.Magkakaroon ka na ng pamilya kaya sana naman kalimutan mo na yang babae na yan.Kalimutan mo na si Khaira dahil may asawa ka na at magkakaroon na tayo ng anak." mahinahon kong saad.Lumapit ako sa kanya."...hindi mo parin ba talaga ako kayang mahalin, Zurich? I love you kaya sana mahalin mo rin ako.Ako na ang makakasama mo habang buhay kaya sana sa akin mo na ibaling ang pagmamahal mo." pinigilan ko ang maluha dahil nasa harap kami ng mga bisita.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon