Chapter 57: The Wedding

46 2 0
                                    

57:The Wedding





Zurich's POV

Ito na ang araw na pinakahinihintay ng lahat.Ang kasal namin ni Kim.Masayang masaya sila para sa amin lalong lalo na ang magulang ko at magulang ni Kim.

Sa nakalipas na limang buwan, naging maayos na ulit ang buhay ko.I'm not drinking anymore dahil masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon.Sa mga sinabi ng mga kaibigan ko sakin, natauhan ako.

I decided to forget her pero hanggang ngayon sya parin ang laman ng puso ko.Sya parin ang laman pero kinaya ko nang mabuhay ng wala sya.I'm now living my life kasama ang magiging pamilya ko.

I will do everything para maging mabuting ama sa magiging anak ko.I promised to myself before na magiging mabuti akong ama at magkakaroon ng buong pamilya ang anak ko.Ayokong maranasan nya kung ano man ang naranasan ko sa pamilya namin.

Umayos na ako sa pagkakatayo nang magbukas ang malaking pinto ng simbahan.Bumungad sa amin si Kim na dahan dahang naglalakad papasok ng simbahan.Nakangiti sya habang nakatingin sa lahat ng bisita hanggang sa makarating sya kay Tito at Tita.

Ikinawit nya ang dalawang braso sa kanyang mga magulang habang hinahatid sya nito patungo sakin.

Hindi ko magawang ngumiti o kaya matuwa sa nakikita ko.Hindi sya ang babaeng gusto kong pakasalan pero sya ang ina ng magiging anak namin kaya gagawin ko to for our baby.

Alam ko namang matutuwa sakin si Khaira dahil nagawa ko ang sinabi nya noon.Gusto nyang kalimutan ko ang lahat ng tungkol sa amin dahil yun din ang ginagawa nya noon.Dahil nagawa nya na, ako naman ang gagawa ng gusto nyang gawin ko.Kinalimutan ko sya, iniwasan ko syang isipin at itinuon ang atensyon ko sa mag ina ko.Naging masaya naman ako habang kasama si Kim at inaalagaan sya.

Nakalimutan ko na si Khaira ng tuluyan pero ang puso ko sya parin talaga ang laman.Wala akong magagawa dahil sya lang talaga ang mahal ko.I love her so much kaya hinayaan ko na syang mabuhay ng masaya sa America.Simula nong umalis sya hindi na ako nagsesend ng messages sa kanya.Itinigil ko na dahil yun ang magandang gawin.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, hahayaan mo syang maging masaya sa buhay na gusto nya.Hahayaan mo syang maging malaya kaya ganon ang ginawa ko.Hinayaan ko syang maging masaya at mabuhay ng payapa.Hindi ko na sya ginambala pa dahil sa buhay na meron kaming dalawa ngayon.Sa buhay namin ngayon kung saan masaya na kaming namumuhay kasama ang pamilya namin.Kung saan hiwalay kaming namumuhay at bumubuo ng mga bagong memories na hindi kasama ang isa't isa.

Kahit nakalimot na ako ng tuluyan, ang puso ko patuloy paring minamahal sya at hindi magbabago yun.Mamahalin ko sya hanggang huling hininga ko kahit hindi man kami ang nagkatuluyan hanggang dulo.

"Thank you mom, dad." natigil na ako sa pag iisip nang tuluyan nang nakalapit si Kim.

Kiniss nya sa pisngi ang mommy at daddy nya habang ako naman ay tinapik sa balikat ni Tito Roi.

Humarap ako kay Kim na nakangiti sakin ngayon.I smiled back at her at kinawit ang braso nya sa braso ko.Naglakad kami papunta sa harap ng Pari na ngayon ay nakangiting naghihintay sa amin.

This girl beside me is the one na pakakasalan ko at hindi ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon.Dahil mahal ko si Khaira, hahayaan ko sya na magkaroon ng bagong lalaki na magmamahal ng husto sa kanya, mag aalaga at yung taong hindi sya sasaktan hindi tulad ng ginawa ko.

Mas mabuti na yung nakalimutan nya ako para magmahal sya ulit ng isang lalaki na makakasama nya habang buhay.Yung lalaking hindi sya sasaktan hindi tulad ng kasinungalingan ipinakita ko sa kanya dahilan para masaktan sya ng husto nang dahil sa akin.I love you Khaira.Ikaw lang ang mamahalin ko kahit na iba ang papakasalan ko.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon