Chapter 35: She's mine

53 3 0
                                    

35:She's mine



Dalawang araw na ang nakalilipas matapos ang nangyari sa bahay.Dalawang araw na simula nang maghiwalay sina mommy at daddy at simula nun hindi na sya bumalik pa sa bahay.

Sa dalawang araw na yun, wala na akong ibang narinig at nakita kundi ang pag iyak ni mommy tuwing gabi at kung minsan pati sa umaga.She felt so much pain dahil sa nangyari at wala akong ibang magawa kundi ang yakapin lang si mommy at pilit na pinapatahan.Kahit anong gawin ko, she keeps on crying at tumitigil nalang kapag nakakatulog na dahil sa sobrang pag iyak.

Kahit ako sobrang nasasaktan at napapaiyak na rin dahil sa itsura ni mommy.Napapabayaan nya na ang sarili nya at wala nang ganang kumain.Lagi lang syang nagkukulong sa kwarto nila ni daddy.

Iba pala talaga ang nagagawa ng pagmamahal.Kaakibat nito ang sakit na maaari mong maranasan oras na sumugal ka at base sa nakikita ko sa nangyayari kay mommy, ayokong maranasan iyon dahil sobrang sakit.

Nakikita mo pa nga lang yung taong umiiyak dahil sa pagmamahal, masakit na ehh paano pa kaya kung sakin mangyari yun? Ayokong maranasan ang nararanasan ni mommy ngayon.Isipin ko palang nasasaktan na ako.Alam ko naman na hindi yun magagawa sakin ni Zurich.I gave my full trust to him and I am sure that he will not do such thing na makakasakit sakin.

"Here." napalingon ako kay Xhylo na kakarating lang.Inabot nya sakin ang ice cream na binili nya at umupo kaharap ko.

Nandito kami ngayon sa mall at namamasyal.It's Saturday at walang pasok kaya nandito kami ngayon at nililibang ang aming sarili.

Nasa bahay lang dapat ako ngayon but then, Xhylo called me and asked me out for a date.It's a friendly date, actually kaya mabilis lang akong pumayag besides sinabi nya naman sakin na may sasabihin sya kaya nya ako niyaya.

Sinimulan ko nang kainin ang ice cream na hawak ko habang si Xhylo naman ay ganon din ang ginawa. Nag ikot ikot muna kami dito sa mall kanina at naglaro bago namin naisipan ang kumain ng ice cream.

I tried my best para maging masaya sa lakad namin.Nagawa ko naman pero Hindi ko parin talaga naiwasan ang isipin sina mommy at daddy.

I let out a loud sigh...ganon talaga siguro kapag tungkol na sa pamilya ang nangyayari.

"Are you okay?" I looked at him as he asked me If I'm okay.I smiled at hindi pinahalata kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.

"Yeah! I'm okay." sagot ko.Pilit kong inalis sa isip ang problema sa bahay at tumingin kay Xhylo.

I forgot na may sasabihin pala sya kaya kami nandito.

"Diba may sasabihin ka sakin? Ano nga pala yun?" tanong ko.

"Ohh! Oo nga pala." parang nakalimutan nya sandali ang dahilan kung bakit kami nandito dahil sa naging itsura nya."Gusto ko lang sanang magpaalam sayo nang pormal, Khaira." nagulat ako sa sinabi nya.

What does he mean?

"Magpaalam? Bakit? Saan ka ba pupunta?"

"Aalis na kasi ako sa Wilford Academy.Simula sa lunes hindi na ako papasok.Thank you for being my...friend and thank you dahil pumayag kang mag date tayo ngayon as a friend syempre." mapait syang tumawa habang ako naman ay hindi makapaniwala na aalis na sya.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon