Chapter 17: Falling

62 4 0
                                    

17:Falling





"Thank you sa paghatid." saad ko ng makababa ng kotse nya.

Akala ko kung saan kami pupunta, yun pala ihahatid nya ako dito sa bahay.Hindi pa kami nagkakausap tungkol dun sa nangyari kanina.Nananakit si Zurich? Totoo kaya yung sinabi ni Reina? Sana Mali yung iniisip ko.

Tumango lang sya ng hindi humaharap sakin.Sa harap lang sya nakatingin.Ano problema? Ayoko syang tanungin.Gusto ko magkusa sya dahil hindi ko naman alam kung magkaibigan ba kami para mangialam ako sa iniisip nya.Tatanungin ko sana kung anong meron sa kanila ni Reina kaso hindi ko kaya.Baka sigawan nya lang ako.

"Sige bye! Ingat nalang sa pagdrive." saad ko nalang dahil mukhang hindi sya magsasalita.

Tumalikod na ako at naglakad na para pumasok sa bahay pero hindi pa ako nkakalayo ng marinig ko syang magsalita.

"I'm sorry for what Reina have done..."

Bakit sya ang nagsosorry? Diba dapat si Reina?

"...I will make sure that she will never hurt you again.Wait me here tomorrow, I'll fetch you."

Matapos nyang sabihin yun, agad nyang pinaharurot ang kotse paalis.Tulala ako hanggang sa makarating sa kwarto. Ngayon ko lang ata sya narinig na nag sorry.Hindi nya kasalanan pero sya ang humingi ng tawad.Ano ba talagang meron sa kanila ni Reina? Nagkaroon ba sila ng relasyon dati kaya ganon nalang ang pagkagusto ni Reina sa kanya? Bakit di ko alam? Sabagay bakit kailangan ko pa bang malaman ehh wala naman kaming relasyon, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan kami nun ehh.Hayst!

Kinamot ko ang ulo ko at nahiga nalang sa kama.Hindi ko nalang yun iisipin dahil sumasakit na ang ulo ko.Panibagong isipin na naman ang dumating sakin.Wahhhh! Bakit ko ba pinapakealaman ang buhay ni Zurich? Parang naiinis ako sa naiisip ko na baka nagkaroon nga sila ng relasyon dati.Na baka ex ni Zurich si Reina.

Imbis na isipin yun, bumangon nalang ako at pumasok sa cr para maligo.Matapos ng ilang minuto ng pagliligo, lumabas na ako at nagbihis.Wala akong ganang kumain ngayon.Itutulog ko nalang to at para na rin mawala ang iniisip ko.

Humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.Ipinikit ko na ang mata ko at nagsimula ng matulog.Sana wala na to bukas.Hindi ko na kaya yung nararamdaman ko kapag hindi pa nawala yun sa isip ko.Ayoko na ng isipin na makakapagpasakit na naman sa ulo ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising.Nauna pa ako sa alarm clock, anu ba yan! Bumangon na ako at nag ready na para pumasok sa school.Matapos kong magbihis, bumaba na agad ako dahil sa gutom na nararamdaman ko.Gosh! Parang nanginginig na ako dahil sa gutom.Hindi na ako nakakain kagabi dahil sa pagod ko.

Pagkababa ko, si yaya miling lang ang sumalubong sakin.Wala si mommy, siguro tulog pa sya.

"Good morning, ija." bati ni yaya.

"Good morning din po."

Umupo na ako para kumain.Habang kumakain, bigla ko na namang naisip ang nangyari kahapon.Kinamot ko ang ulo ko.Bakit hindi ko pa rin makalimutan? Sumasakit lang ang ulo ko dahil sa nangyari kahapon.Lalo na yung sinabi ni Reina.

"Ohh! Okay ka lang ba?"

Napatingin ako kay yaya nang marinig ko syang magsalita.Tumango nalang ako para hindi sya mag alala.Hindi nila alam ang nangyayari sakin sa school.Wala akong sinasabi tungkol sa mga nambubully at nananakit sakin.Ayoko silang mag alala sakin at mas mabuti na yung wala silang alam.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon