Chapter 56: The Wedding

43 3 0
                                    

56:The Wedding

Kimberly's POV

"Good morning, mommy." bati ko nang makita ko syang pumasok sa kwarto.

"Good morning, sweetheart." lumapit sya sakin and she kissed my head.

"Are you excited? Ito na ang araw na hinihintay mo, anak!" saad ni mommy habang nakahawak sa balikat ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Yes, mommy! I'm very excited." sagot ko.

Ito na ang araw na mapapasakin na ng tuluyan si Zurich.Ikakasal na ako sa kanya and I can't wait na maging official na mag asawa kaming dalawa.

"Masayang masaya ako para sayo, anak! I know you will be happy with him." saad ni mommy.

"Thank you, mommy!" I kissed her cheek saka ngumiti.

"Okay.You should fix yourself now.Nandyan na ang hair stylist and make-up artist mo." hinalikan nya ulit ako sa ulo saka tumalikod at umalis.

Pumasok naman yung dalawang mag aayos sakin kaya umupo na ako sa upuan kaharap ang salamin.

I can't stop smiling sa tuwing naiisip ko na ikakasal na ako kay Zurich.Tulad nga ng sinasabi ko, okay lang kahit wala pa syang nararamdaman sakin ang mahalaga ay akin na sya at ako ang mapapangasawa nya.I'm happy with that that's why I'm so excited.Hindi na rin naman ako naba-bother Kay Khaira because hindi na rin naman sya naaalala ng babaeng yun and there's no reason para magbalikan sila kung sakali man na magkita ulit sila because we already married kung mangyayari man yun.

Besides, nasisiguro ko naman na kung magkikita man sila ulit, wala ng dahilan para bumalik pa sa kanya si Zurich dahil ayaw nyang sirain ang pamilya na magkakaroon sya ngayon.Alam ko naman na hindi nya gagawin ang ginawa ng daddy nya.

Nagsimula na silang ayusan ako.The girl beside me started to put a foundation on my face habang yung isa naman ay nasa likod at inaayos ang buhok ko.

I looked at my phone to see what time it is now.12 noon na at mamayang 3 ng hapon magsisimula ang kasal.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang inaayusan nila ako nang biglang marinig ko ang pag bukas ng pinto.Tumigil naman sila sa pag aayos sakin kaya lumingon ako sa taong pumasok.

And there she is.My talkative friend, Merriane.

"Hi, Kim!!! Oh my gosh! This is the day na!" tili nya.

Napatakip naman ako sa tenga ko because of her voice.Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"What are you doing here, Merriane? Diba dapat nag aayos ka na rin?" tanong ko sa kanya.

"Mag aayos na rin naman ako.Gusto lang talaga kitang makita."

"Gusto mo akong makita o gusto mong manggulo dito? You see? Inaayusan na nila ako kanina but you interrupted what they're doing." singhal ko.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon