Chapter 38: Birthday Party

48 2 0
                                    

38:Birthday Party



Khaira's POV

ISANG LINGGO na ang lumipas simula nung araw na natuklasan ko ang kay daddy.Sa isang linggo na yun, masasabi kong may nagbago rin naman tulad ng nangyayari ngayon kay mommy.

Hindi na sya tulad nung dati na laging umiiyak at nakakulong sa kwarto nya.Ilang araw din nya yun ginagawa pero nagbago na sya.Nagulat nalang ako isang araw, nagluluto sya ng pagkain namin habang nakangiti.

Naging masaya na sya simula nun pero alam kong hindi parin nakakalimutan ni mommy yung nangyari lalo na si daddy.Alam kong pinipilit nya lang ang sarili nya na maging masaya para sakin.

Palagi syang nakikipagkwentuhan sakin at kung minsan nagmo-movie marathon pa kami.Yung saya na pinapakita nya, halata naman sa mga mata nya na hindi talaga sya ganon kasaya pero okay naman sakin dahil kahit papano, sinusubukan nyang kalimutan ang nangyari at maging masaya.

Sa isang linggo na rin yun, hindi ko nakausap at nakita si Zurich.I missed him so much pero wala pa talaga akong lakas para makita at makausap sya.Tawag sya ng tawag sakin pero tulad ng lagi kong ginagawa, hindi ko sinasagot yun maski sa mga text nya hindi ako nagre-replay.

Alasingko na ng hapon at kasalukuyan akong nakaupo at nakaharap sa salamin.Kinuha ko ang invitation card na ibinigay sakin ni Tito Arnold.

Kaarawan ngayon ni Zurich at hindi ko papalampasin to.7 pm mag uumpisa ang party kaya aayusan na ako ni mommy.Ngayong araw rin ako makikipag usap sa kanya pero pagkatapos na ng party.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko sya.Nami-miss ko na sya at gusto ko syang yakapin ng mahigpit oras na makita ko sya sa bahay nila.

Sa bahay nila gaganapin ang party at ito ang first time na makakapunta ako dun.

Nagdadalawang isip pa ako nakaraan kung dapat pa ba akong pumunta pero naisip ko si Tito Arnold.Ini-expect nyang pupunta ako at nakakahiya naman kung bibiguin ko sya and besides I want to see Zurich.Ngayong araw ko nalang ulit sya makikita.I missed his eyes lalong lalo na ang pilik mata nya.Ayaw ko rin palampasin ang pinakamasayang araw sa buhay ni Zurich.

Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito.Bumungad sakin si mommy na nakangiti habang hawak hawak ang isang dress.Oh my gosh! Ito na nga ang ayaw ko ehh.Yung a-attend ako ng party na nakadress.Hindi ako mahilig mag dress.Hindi ba pwedeng pantalon nalang at T-shirt?

"Sweetie, your dress is here!" excited na excited si mommy na suotin ko yun.

Inilapag nya sa kama ko yung dress saka lumapit sakin.May kinuha sya sa bag nya na make up at inilapag sa harap ko.

"Mommy, simplehan nyo lang po ang pag makeup sakin, please?"

"Sure, sweetie.Mas bagay nga sayo yung simple lang but before that, tanggalin natin to." hinawakan nya ang salamin ko saka tinanggal ito.Napapikit pa ako dahil sa ginawa nya.

"Hindi po ako makakita." reklamo ko dahil sa labo ng mata ko.

"Don't worry, sweetie.You will wear a contact lens para makakita ka ng maayos."

Tumango nalang ako saka hinayaan si mommy na kalikutin ang mukha ko.Inumpisahan nya na ang paglagay ng kung ano ano sa mukha ko.Panay din ang tanong ko kung ano ang mga yun.Ehh Wala naman akong alam sa mga make up ehh kaya wala akong alam sa mga nilalagay nya sakin.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon