Chapter #2: Hello Stranger

2.5K 93 1
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
==============•>♥<•{============

Jian's P.O.V

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil kay Mon. Daming katanungan sa aking isip, sinasabi ng puso ko na may gusto siya sa akin pero sabi ng utak ko hindi kasi pangit ko at bakla ako, baka layuan pa nga ako kapag umamin ako sa kaniya. Ayokong i-risk ang pagkakaibigan na meron kami.

But it doesn't kill my good vibes for this day. I just did my usual morning routines, eat some almusal then pupunta na ng school.

Actually, walking distance lang yung school namin. Nagulat na lang ako na naghihintay na pala si Mon sa harap ng gate namin, ang pogi talaga niya na tipong natatakot ang mga pimples na dumapo sa mukha niya sa sobrang kinis, ang swabe din niyang tignan sa manipis na bigote niya na.

"Hey, good morning Jing!"

"Good morning din."

Sh*t! Ang bango niya mga bes! Gusto ko sanang yakapin siya pero baka mawala bigla yung bango at bumaho siya. Kinilatis ko ang kanyang pormahan, and it was blazing hot.

"G-Good Morning din, pormado ka ah at ang bango mo pa."

"Di ka pa sanay sa akin ah, wala lang naman 'to. Ako lang 'to Jing haha."

"Feel na feel mo na naman haha. Anyways, tara na."

Habang naglalakad siya at palihim akong sumusulyap sa kaniya, swerte naman ng magiging girlfriend nito. Napaisip ako, paano kaya kapag nagka-girlfriend ito, siyempre mahahati na yung time niya sa akin although hindi naman ako selfish nakakalungkot lang talaga isipin na baka dumating yung time na hindi na niya siguro ako kakailanganin.

"Matagal na tayong magkaibigan at magkasama, pero never ko pa narinig sa'yo na may nililigawan ka or what..." Sabi ko rito.

"What...do you mean?"

"I mean, gusto na tao or special someone."

"Meron, actually."

Okay, pilingero na pero pumasok sa isip ko na baka ako ng tinutukoy niya pero nagdulot ito ng kirot sa dibdib ko ngunit bigla niya ako tinitigan ng matagal, hindi siya ordinaryong titig lang. Parang nag-uusap or something, bigla itong ngumiti ng napakatamis. Pinisil nito ang ilong ko.

"Tara na nga sa school."

"S-sige."

There's a hope building inside of me, hoping na ako ang tinutukoy niya. I maybe sound really insane pero ganun ang nararamdaman ko, don't judge me. If you were on my position ganun din ang mga mararamdaman niyo.

Sabay kaming pumasok sa room at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang flag ceremony, konting polbo, pabango at lip balm dahil sa nagbabalat na ang aking bibig.

Biglang tumunog ang bell na hudyat para sa start ng flag ceremony. Nang makapunta kami sa linya namin, lagi akong nasa pang-apat na bilang sa bandang harap, liit ko kasi eh. Lagi kasing nagch-check ang adviser namin, dapat daw 'according to your height' daw.

Nang tumingin ako sa likod ay nakita ko si Mon na may kausap na ibang tao, ang ganda ng kausap niya, wagas naman maka-ngiti. Parang may kirot sa aking dibdib ang aking nasasaksihan ngayon. Bakit ba andaming mga babaeng umaaligid sa kaniya?

"Selos ka no?"

"H-Ha?"

"Hindi mo naman maikakaila eh, i can read your expressions, if i were to observe talagang nagkakaroon na sila ng closure..."

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon