Chapter #13: Death Bed

934 42 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=============•>♥<•{=============

Joaquin's P.O.V

"Hold on baby please...just hold on." I can feel my lips quivering in fear. Walang tigil ang buhos ng aking luha sa nangyari sa kaniya, this is all my fault!

Pinaharurot ko na ang aking kotse papuntang hospital na halos may muntik na akong masagasaan.

Sumama sa akin ang magulang niya, i recognized those guys, they work for my dad.

Wala na akong oras para pasabugin ang bungo nila because the life of my love is more important. I'm really having a hard time balancing my car because of my intense shaking.

Nang makarating kami ay agad siyang inasikaso ng mga nurse at doktor, dumiretso agad sila emergency room.

"Hindi po kayo puwede pumasok, wait here and we'll do our job."

Napaiyak na lang ang mama ni Jian sa sinapit niya, hindi ko nilisan ang pintuan kung saan nakaratay ngayon ang aking mahal.

Wala akong ibang magawa kundi ang sumalampak sa sahig at umiyak, ubos na ubos ang aking lakas. I never felt so drained before.

Hindi ko siya nagawang protektahan, tanga-tanga ko!

"Bakit?" I asked myself.

Sinubukan kong tumayo ulit pero ang isang malakas na puwersa sa aking mukha at natumba muli, halos umikot ang aking mundo sa impact.

"Anong ginagawa mo ha?! Akala ko ba mahal mo siya pero hinayaan mong may mangyari sa kaniya?!" Sumalubong sa akin ang nanggagalaiti at galit na Solomon, hindi rin maitatago ang luha niya, hindi ako agad nakasagot sa kaniya.

He's right, nilagay ko lang si Jian sa panganib.

"Tinanggap ko na mapunta siya sa'yo pero ano?! Tanga ko sa part na hinayaan ko siya sa taong panganib lang ang dulot! Mapapahamak lang siya sa'yo." Sabay duro sa akin.

"I-I'm sorry."

"Your 'sorry' is useless! Kung pagagalingin sana ng 'sorry' mo si Jing pero hindi eh!"

"Solomon, tama na." Pigil sa kaniya ng tatay ni Jian.

"Kumalma muna tayo, walang may kasalanan, ayaw ni Jian na nag-aaway ang mga taong malapit sa kaniya. Bilang magulang at mahirap din para sa amin."

"Mabuti pa ay ipagdasal na lang natin ang kaligtasan niya."

Umupo kami sa mga nakalaan na upuan sa gilid, tanging katahimikan ang bumabalot sa amin.

Agad kong nilisan ang hospital at pinuntahan ang dapat kong puntahan. Pinaharurot ko agad ang aking sasakyan at tuluyang nilisan ang lugar.

Nang makarating ako ay dumiretso agad ako sa opisina niya, nadatnan ko lang siyang prenteng naka-upo at may pinapanood sa laptop.

It's late in the evening at nandirito pa rin siya, like always. All the lights are out, tanging ilaw lang sa maliit na lamp at ilaw mula sa laptop ang meron but enough to illuminate that evil face.

Mukhang naramdaman naman niya ang aking presensiya at agad niya akong nilingon.

"Oh? What a pleasant surprise."

"You! How could you...."

Susugurin ko na sana siya nang harangin ako ng tatlong lalaki, i recognized them easily because they are the reason why he is suffering right now.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon