Chapter 1: Hidden Feelings

4.7K 109 5
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=============•>♥<•{=============

Jian's P.O.V

"Uy, Jing, nagawa mo ba itong assignment sa English, nakalimutan ko kasi dahil sa project."

"Eto oh, ano ba kasi ginawa mo nung umuwi ka?"

"Natulog ako, napagod ako eh."

"Napagod? Sus, tinatamad ka lang ata eh."

"Siyempre, masyadong na-pressure kahapon sa mga activities natin, ang hihirap grabe."

"Oo na, bilisan mo na diyan."

Ako nga pala si Jian Diego Jr. Si Mon Mon lang ang nagtatawag sa akin ng 'Jing' which i like it. Ayaw niya rin na may ibang nagtatawag sa akin ng nickname ko, siya kasi ang nagbigay sa akin nun. Selfish, lol.

Magkaibigan na kami since elementary days namin. Talagang pinag-usapan namin kung saan kami mag-aaral ng school, kaya ito kami ngayon, bumubuntot sa isa't-isa. We don't keep secrets sa isa't-isa but i have a secret.

I have feelings for him.

Sometimes i felt guilty for not telling him my secrets but it's a shame for my part. Alam niya ang pagkatao ko at tanggap niya iyon, mas naging komportable pa ako sa presence niya. Andito kami ngayon sa kiosk ng English Department, feeling ko nga abandonado na itong kiosk na 'to, ni isa kasi walang pumupunta dito, ako at si Mon Mon lang.

Pinapanood ko lang siya habang kumokopya siya sa notebook ko, ang guwapo niya, makinis, makapal ang kilay, itim na itim talaga mata niya at malakas ang appeal. Haist! If i were a girl even just for a day, char!

"Baka matunaw ako niyan, Jing." Sabi nito saka nagtaas-baba ng kilay.

"Pinagsasasabi mo diyan."

"Akala mo siguro hindi ko napapansin noh? Yieh! Krass niya pala ako." Nanlaki naman ang mata sa sinabi niya, what if alam na nga niya? Imposible naman siguro kasi wala naman akong pinagsabihan nun.

"Lol, bakit sana eh ang panget mo kaya."

"Ha? Ako panget? Tssk pogi ko kaya, kamukha ko nga si Sam Milby eh! Diba?" Saka nag-posing.

"Daw, oo naman talaga, nakakahiya ngang tumabi sa'yo eh, baka isipin nila kung bakit ka may kasamang mangkukulam haha."

"Uy! Hindi naman, yung mga nagsasabi ang mangkukulam."

"Hindi mo na ako kailangang i-comfort, alam ko naman talaga na pangit ako, don't worry."

"Isa! Basta kapag ako ang nagsabi, totoo, hindi ka panget."

"Oo na kahit hindi, malapit ng mag simula yung klase, tara na baka ma-late pa tayo."

"Sige, eto o yung notebook mo, salamat."

-----

Habang nagdi-discuss si ma'am ay pasimple akong sumusulyap sa gawi ni Mon na nagsusulat habang nakikinig. Every girl's dream talaga siya, halos nasa kaniya na eh kahit papaano ang suwerte ko kasi bestfriend ko siya.

Ngunit nag-iba ang mood ko ng kalabitin siya ni Yassie na katabi lamang niya ng upuan. Wala naman akong galit sa kaniya, minsan kasi pakiramdam ko may kahati na ako sa oras ni Mon.

Bagay nga sila eh, maganda siya, matalino, sexy, student leader, medyo kulang sa attitude, kumbaga mas angat ang B-sides.

Ayoko naman maging selfish pero hindi ko talaga mapigilang magselos. Itinuon ko na lang atensiyon ko sa klase namin. Nakikinig ako pero parang hindi maproseso ng utak ko ang lesson namin ngayon.

Medyo lutang ako ngayon, parang gusto ko ng umuwi at matulog na lang. Ayaw ko namang sitahin ako ng teacher namin, strikto pa naman 'yan. Biglang humangin ng malakas nahulog ang mga kurtina at biglang naitaklob kina Mon Mon at Yassie.

I just found myself laughing at them, mukhang naistorbo talaga sila. Napatingin naman sa akin yung iba naming kaklase at sumabay narin na tumawa.

Nang matapos ang klase ay sinimulan ko ng maglakad pauwi, hingal namang humabol si Mon.

"Oh? Ba't parang hingal na hingal ka?" Tanong ko.

"Malamang hinabol kita, grabe ka, hindi mo ako hinintay ah."

"Kesa namang istorbohin kita sa pakikipag-usap kay Yassie."

"Hm? Ba't parang may tampo? Nagseselos ka ba?"

"Luh? Ang babaw naman ng dahilan kung sakaling magseselos ako, saka bakit ako magseselos? Ikaw talaga." Hindi ako defensive, tunog defensive lang.

"Oo na, highblood naman 'to."

"Uwi na tayo, pagod na rin ako, may assignment pa tayo."

Halos magkalapit lang ang bahay namin, kaya madali kaming maka-access sa isa't-isa. Nandito na ako sa tapat ng bahay ng biglang tawagin ako ni Mon.

"Jing."

"Hm?"

"Salamat ha?"

"Saying 'thank you' out of the blue?"

"Kasi naging magkaibigan tayo."

"Drama mo ngayon ah, anyways, ako rin thankful ako."

Ngunit naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa pisngi ko. I was taken back by his sudden action, i was holding my cheeks.

"Good night."

-----

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon