Chapter 22: New Boyfriend?

761 34 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{=============

Jian's P.O.V

Kanina pa ako pinipilit nila mama na lumabas o mamasyal kasi puro daw ako pasok sa school saka magkukulong sa kuwarto after. Wala talaga akong ginagawa every weekends, natutulog lang siguro.

Hanggang sa sinunod ko na lang sina mama, trip kong tikman ang kape sa mga coffee shop. Yung perang ginamit ko ay yung bigay sa akin nina mama nung birthday ko.

Ilang buwan na pala ang nakararaan simula nang tuluyan akong ipagtabuyan, solid pa rin ang sakit. Pinandigan niya talaga ang pagpili kay Cara.

Hindi ko rin ma-focus ang sarili ko sa mga klase at hinahabol kong requirements, i've been crying all night, silently. Tuwing kainan ay lagi na lang akong busog o di kaya naman ay konti lang ang nakakain.

Alam na din nila mama at papa ang nangyari sa aming dalawa, galit si papa pero buti na lang at nandiyan si mama.

Hindi rin pinalampas ni Mon ang nangyari at kinausap daw niya si Aqui pero hindi ko alam kung anong ginawa niya, sana naman hindi sila nagkasakitang dalawa.

Bigla-bigla na lang talagang dumarating sa puntong tatanungin ko ang sarili ko ng kung anu-ano.

Na habang tumatagal ay nilalamon ako ng mga insecurities ko.

"Um...miss, 'yong coffee mo."

Natigil na lamang ako sa pag-iisip at akmang pag-iyak nang mapansin ko ang lalaki sa gilid ko bago ko maalala ang kape kong nananatili sa counter.

"S-Sorry."

"Oh, It's you again, ikaw 'yung umiiyak last time sa labas ng school, right? Seems like you're about to cry again." Kinilatis ko ang mukha niya pero 'di ko maalala but i do remember na may nabangga nga ako that time.

Napayuko na lamang ako sa hiya.

Hindi ko na napigilan at tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang umagos.

"Hey s-sorry, hindi ko sinasadyang paiyakin ka."

Naglakad ako palayo sa kanya kasabay ang nag-uunahang pagpatak ng mga likido sa aking mata.

Naramdaman kong sumunod siya sa akin at sumabay sa pag-lalakad.

"I really didn't mean to offend you. Sorry, ayoko sanang makialam but maybe I can help? Mas nakakagaan daw ng loob kapag sa strangers nagkuwento."

Tuloy pa rin niyang sabi kahit na tinapunan ko lang siya ng tingin bilang sagot.

"Okay lang ako pero puwede bang harangan mo ako kung okay lang? A-Ayoko sanang may makakitang umiiyak ako."

Nagpatuloy kami sa paglalakad bago naupo sa isa sa mga bench.

"Ferick."

Sabi niya kasabay nang paglahad ng kanyang kamay. Tinitigan ko lang ang kamay niya bago ko mapagtantong nagpapakilala na pala siya.

"J-Jian."

Tugon ko naman sa kamay niya.

"Really? You're too feminine to have such name but i don't mind."

"Sorry, nadamay ka pa sa pa-iyak iyak ko. Naabutan mo ang new episode ko haha."

"If you're really sorry then you should stop from crying na, mamaya mapagbintangan pa akong pinapaiyak ka."

Panguso niyang sagot, nagpapa-cute pa talaga siya haha, cute naman siya.

"Sige, mauna na ako dahil hapon na eh, thank you."

"If you need somebody to talk to, lagi lang ako do'n sa may tea shop. You can tell me about life sh*ts kung gusto mo?"

Payo niya na tila pa nahihiya at nag-aalangang ngumiti. Tanging ngiti na lamang ang naisagot ko bago tuluyang umalis.

-----

Ilaw araw pa ang nakalipas, nakatanggap ako ng friend request mula kay Ferick Ezperanzate. Ito na rin ang simula ng pagkakaroon namin ng friendship sa isa't-isa na umabot ng linggo at buwan.

Mararamdaman mo talaga yung 'friendly' na aura mula sa kaniya. Kung sino siguro ang mga kaibigan nitong iba ay baka laging masaya sila dahil sa impluwensiya niya ng pagiging jolly.

Asyumero na ba ako kung sabihin kong parang nafi-feel ko si Ferick na nagpapakita siya ng motive na gusto niya ako?

Hindi sa pagiging asyumero pero feel ko lang kapag tinititigan niya ako kapag nagkakasalubong at nagkakakwentuhan kami sa tea shop.

Klating!*

From: Ferick Esperanzate

"I can no longer keep it. I think I like you. No, I like you, Jian.

PS. Bawal kiligin baka maiyak ka ulit."

Hindi ko maintindihan pero natatakot ako. Inaamin ko na kinilig nga ako sa naging confession ni Ferick pero natatakot ako.

Mabait siya at handa siyang makinig sa lahat ng mga kuwento ko. Maging masaya man o malungkot na araw, buong atensiyon niyang pinakikinggan.

Pero natatakot na akong magmahal ulit. Hindi pa ako handa. Natatakot akong mabura ang mga natitirang alaala ko kay Aqui.

*Klating!*
(◉Active Now)
Ferick Ezperanzate

"Hey, alam kong you're still afraid to be in a relationship again, handa naman akong maghintay. I'll always be here to listen and be your human tissue HAHA."

"Baliw! I really appreciate it.(. ❛ ᴗ ❛.)"

May smile emoticon ang chat ko pero taliwas ang sinasabi ng ekspresyon ng mukha ko. Ekspresyong pinaghalong pag-aalinlangan at takot.

"Kailangan ko na atang humanap ng magaling na pintor para maipinta iyang mukha mo. Aba'y daig mo pa ang bida sa Emoji Movie."

Hindi ko namalayang pumasok sa silid ko si mama para mailagay ang mga bagong tupi kong damit. Tanging buntong hininga na lang ang naisagot ko sa kanya.

"Magkukuwento ka o ako na lang magbabasa ng chat niyo? Ikaw ha..."

Taas kilay na tanong ni mama na may halong panunukso, si mama talaga

"Ma naman."

Turan ko kasabay nang pagdampot ko sa aking laptop at wala na nga akong nagawa kung hindi ang ikuwento ang lahat kay mama.

"Gusto kong subukan ulit, ma. Pero parang mali eh, kaya ko na ba? Tama bang magmahal ako ulit?"

"Anak, alam ko kung ilang balde ang iniiyak mo para kay Jaoquin. Masakit sa akin at sa amin ng papa mo na makita kang masaktan."

Akala ko ako lang nagdudusa at nasasaktan, hindi ko man namalayan na pati mga taong malalapit sa akin nadadamay sa pinagdadaanan ko.

"Hindi naman talaga naging mali ang magmahal, nagkamali lang tayo sa taong mamahalin. Pero hindi mo rin talaga masasabing mali pati ang taong minahal mo. Aminin mo, ang taong 'yon noon ang dahilan nang paggising mo sa umaga na may ngiti sa iyong mga labi. Mga ngiting nauwi sa mga basang unan sa gabi. Oo, malungkot pero hindi ba't sa maikling sandali ng buhay mo ay naging masaya ka. 'Wag mong pigilan ang sarili mong magmahal. Alam mo rin naman kung gaano kasarap magmahal."

"Saan mo naman nakuha yang mga yan?"

"Marami kang ring matututunan kapag nanonood ka ng teleserye, anak."

"Hmm pang matatanda lang yun."

"Matanda ka diyan? Basta tatandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo. Hindi masamang buksan muli ang pinto ng puso mo para sa iba."

Huling sabi niya bago ako yakapin at lisanin ang aking silid. Siguro nga panahon na para palayain ko ang sarili ko.
=============}•>♥<•{=============

Another Update╰(^3^)╯ Hope ya'll like it(つ✧ω✧)つ

Thank you so much for reading, it means a lot to me ლ(' ❥ 'ლ)

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon