Chapter 23: Pain to Pain

711 32 1
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{=============

Jian's P.O.V

Nag-aya itong si Ferick ng lunch na treat daw niya, ayoko naman isiping date iyon, oo na asyumera na ako. In fairness ha, iba rin ang mga nalalaman ni tissue boy.

Binigay niya sa akin yung location ng restaurant na sinasabi niya at maghintay na lang daw ako. Busy ako kakatipa ng cellphone habang naghihintay sa loob nang biglang may magsalita sa aking likuran.

"Jian."

Nakaramdam na lamang ako ng pagdaloy ng kuryente sa aking buong katawan ng marinig ko ang boses na iyon.

'Wag kang lilingon, Jian, please. Mukhang maiiyak na naman ata ako. Nasa'n na ba kasi si Ferick?'

"Please Jian, can we talk?"

Sambit ni Aqui kasabay nang paghatak sa braso ko.

"Oh, s-sige."

Pautal-utal kong sagot nang lingunin ko siya.

'Ano ba Jian? Hindi mo na dapat siya kinakausap 'di ba? Pinagtabuyan ka niya, 'di ba? Tapos na kung anong meron kayo.'

"First of all i want to say sorry for every word that i said and i don't mean it okay? Walang namamagitan sa amin ni Cara. You're the only one I wanted to spend my life with, i will explain everything."

"H-Ha?"

"Gustong-gusto na kitang makasama...just...hear me out." Napabuntong hininga na lang ako.

"Pinakinggan mo ba ako nung ako ang may gustong sabihin? Aqui, pagod na akong umiyak kahit hindi pa tayo nagkakakilala ay palagi na akong ganito, iyakin, talunan. Isa ka sa mga naging sandalan ko tuwing may problema ako. Dumating na sa punto na tatanungin ko ang sarili ko kung saan ako nagkulang kung bakit ako nahuhusgahan ng ibang tao at kung bakit naipaparamdam sa akin na hindi ako worthy."

Hindi ko kayang magalit sa kaniya, bumabalik na naman siya sa sistema ko. I love him too much na tipong wala ng natira pa sa aking sarili.

Nagsimula na kaming makakuha ng atensiyon at nagsimula na rin akong umiyak sa harapan niya. Kailan ba ako titigil kakaiyak?

"I just thought that y-you still love me."

"Aaminin ko! Oo, mahal pa rin kita. Nakakapag-boost ba ng ego mo na tanga-tangahan pa rin ako sa'yo hanggang ngayon? Na kahit nagawa mo akong iwan para makasama mo si Cara ay ito pa rin ako't patuloy pa ring nauuhaw sa pagmamahal mo?"

"Look, hindi ko gustong iwan ka. I have no choice. Everything's a mess. Gulong-gulo ako nang mga panahong 'yon."

"No choice is still a choice, you DO always have a choice, Aqui."

"I'm sorry...."

Kailan ba ako tatahan? Kailan ba mapapagod kakalabas ng luha ang aking mga mata? Nagsimulang nanamang mag-unahan muli ang mga likido mula sa aking mga mata.

"Noong mga panahon na lugmok talaga ako nagapasalamat ako dahil binuo mo ulit ako, pero wala eh...back from the start ako eh, durog na durog."

Sumasakit na rin lalamunan at dibdib ko sa mga pigil kong hikbi, parang anytime sasabog ako dito.

"Oo, mahal pa rin kita pero...hindi ko na alam Aqui. I came to a point of realization na...panahon na rin siguro para sumaya ako sana ganun ka rin kay Cara, wag mo siyang sasaktan at papaiyakin, okay?"

Pansamantala akong huminto at huminga ng malalim.

"Siya nga pala, nakilala ko si Ferick and he is a good guy and he makes me happy. Sinabi ko lang para hindi ka mag-alala dahil kilala kita bilang isang concern na tao."

Ngunit mas kapansin-pansin ang reaksiyon nito. Bakas sa mukha niya ang inis at galit nang marinig ang pangalan ni Ferick.

"Si F-Ferick? What does that even mean? Eh ako nagsabi sa kan-."

Hindi na naituloy ni Aqui ang sasabihin niya sa biglaang paglitaw ni Ferick. Nabigla ako, magkakilala sila?

"Magkakilala kayo?"

Naguguluhang tanong ko sa kanila, nakakaramdam nanaman ako ng sakit sa ulo.

"Oo."
"I'm sorry."

Sabay nilang sagot. Akmang lalapitan ako ni Ferick pero agad akong umatras at lumayo.

"U-Um, s-sorry ah pero puwede ko bang malaman kung anong nangyayari?"

Wag naman sana...please.

"Kaibigan ko si Ferick and-..."

"Aqui, please let-..."

"Ferick let him finish, wala naman sigurong m-masama kung ano man ang malalaman ko?"

"Kaibigan ko si Ferick, he's my 'friend' from other school and nagkita ulit kami a few months ago when he came back here. I asked him to follow you and take care of you. At hindi ko alam na unti-unti ka na palang dinidiskartehan ng g*gong 'to at ginagamit ang pabor na hiningi ko."

Kalamado niyang pagpapaliwanag ngunit bakas sa mga mata ang apoy ng galit. Tinapunan ko nang 'di makapaniwalang tingin si Ferick.

Gusto kong magalit, pero parang hindi ko kaya.

Tama lang ba ang ginagawa ko? O naabuso na ba ako?

"S-So all this time, pinag-kakaisahan niyo akong dalawa? Nagmukha tuloy akong trophy niyo."

Bagamat basang-basa na ang mukha ko sa luha ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"I'm sorry." Ang tanging nasabi na lamang ni Ferick at napayuko. Argh! Biglang sumakit ulo ko sa mga nangyayari.

"S-Sinsubukan kong(sobs*)baguhin ang lahat ng sakit Ferick, akala ko talaga ikaw na. Mukhang nadali na naman ako sa maling akala."

Napahawak ako sa mesa sa labas ng resto upang hindi tuluyan manghina ang mga tuhod ko. Nabigla ako sa mga naging rebelasyon at naguguluhan kung iiyak ba ako o magagalit.

Halos lakad-takbo ang aking ginawa makalayo lang sa kanila. Sobra na, ayoko na, maski ako ay awang-awa na sa aking sarili.

Hindi ko alam kung saang lugar na ako dinala ng aking mga paa, nagpatuloy pa rin ako sa paglakad kahit medyo madilim at 'di na pamilyar ang lugar na aking napuntahan.

Paglingon ko sa aking likod at may pumusitsit na usok direkta sa aking mukha. Tila bang nakalanghap ako ng nakakahilong amoy, sinubukan kong pigilan ang pagkahilo pero tuluyan na akong nanghina.

Ano bang nangyayari?

Bumagsak sa malamig na semento na tanging sapatos lamang ang aking nakikita sa aking harapan.

Aqui...

---------------

"How was it?"

Sabay buga ng makapal na usok mula sa sigarilyo.

"So easy babe, way easier than i thought."

"Good, things are getting at hand, love, kailangan na nating tapusin ito."

"We need fo dispose him as soon as possible. After that, isusunod 'yang Joaquin na yan once i have that power, we can live happily. Walang makakahadlang sa gusto natin Ferick."

Saka hinalikan ito, isang patagong relasyon ang meron sa dalawang ito na pareho ang mithiin. Ang maging makapangyarihang tao.

"Sure babe..."

============}•>♥<•{=============
Anothe Update Guys!(つ≧▽≦)つ Hope you all like itʕっ•ᴥ•ʔっ

Thank for reading this, it means a lot to me( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon