Chapter 8: Starry Night Kiss

1.4K 65 5
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
==================}•>♥<•{=================

Jian's P.O.V

I didn't expect that something is growing inside of me, within this short span of time, it feels like it's already growing.

But i still need to figure this out.

"Say 'ahh'. " Naputol ang aking pagmumuni-muni at nilingon si Aqui na halos idikit yung kutsara sa pisngi ko.

"Parang baliw 'to. Kaya kong kumain, may kamay ako oh."

"Para subo lang eh." Reklamo pa nito.

"Nakakahiya sa mga 'readers' oh."

"Sige na, para subo lang, baka iba ang ipasubo ko sa'yo sige k-Aray!"

"Bastos mo talaga. Ayan ka na naman sa kamanyakan mo."

Saka niya isinubo yung kutsara na punong-puno ng kanin at ulam. May mga nababasa akong mga kuwento na kapag nag-outing ang mga magba-barkada, puro junk foods ang dala pero itong si Aqui kanin at ulam ang dinala.

Halos gulay yung iba, pero masasarap.

"Teka nga, sino naghanda ng mga ito?"

"Ako siyempre..." Pinaningkitan ko lang ito ng mata.

"Weh? Marunong ka ba magluto?"

"Oo, i learned through Youtube tutorial, hindi lang halata..."

Tinitigan ko lang ito, papaaminin ko 'to. Tamad to eh, ang sarap nung mga ulam tapos siya daw nagluto.

"Tss, bahala ka kung ayaw mong maniwala..."

Saka nito binaba yung kutsara at tumalikod sa akin na parang nagtatampo.

Ay! Tampururot pala itong taong 'to.

"Uy! Sorry na, tampururot naman nito." Saka ko sinusundot yung likod nito ngunit bigla ako nilingon nito at hinawakan ang aking kamay.

"Wag mo nga sinusundot diyan!"

"Bakit?"

"B-Basta! You judged my cooking skills, nakakainis ka..."

"Sorry na nga, para yun lang, arte nito."

Susundutin ko sana yung nasa likod niya pero pinigilan niya ako, ngayon alam ko ng malakas kiliti niya dun.

"Isa...ang kulit naman nito, kain na nga lang tayo."

Itinigil ko muna ang kakasundot sa kaniya saka kami kumain, ngayon kaniya-kaniya ng kain, hindi na subuan.

Ngunit dahil mapilyo ako ngayon, bigla kong sinundot yung likod at napabuga ito ng kanin na kinakain niya.

Kinuhanan ko agad ng tubig si Aqui, saka ko hinagod ang likod niya. Sinamaan niya lang ako ni tingin saka uminom.

Sa sobrang tawa ko ay naibuga ko rin yung ibang kanin sa bunganga ko, ayos rin palang maging pilyo minsan.

Nag-volunteer ako na ayusin ang mga pinagkainan namin tutal nasanay ako sa bahay na ako ang nagkukusa na mag-ayos ng pinagkainan.

"AHH!"

Muntik kong mahulog yung plato dahil sa biglang pagsigaw ng buwisit na'to.

"Huy! Ano ba? Nagsisisigaw ka diyan?"

"Sayang! Naka 1 million na ako, rank number 2 na ako eh, sayang! Tss!"

Tinapos ko ang aking ginagawa saka siya nilapitan, i just mentally laughed at him. Kasi ba naman yung nilalaro niya pambata, Wormzone.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon