Chapter 12: Blood On The Crown

969 47 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=================}•>♥<•{==================

Jian's P.O.V

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Inhale.

Inhale...

Inhale...

"Huy, relax ka lang sis, basta alalahanin mo lang lahat ng itinuro ko sa'yo, smile ka lang at ang mata sa audience then panaka-naka lang sa judges." Paalala sa akin ng aking make up artist habang pinapahiran ako ng banana powder na halos ipang ligo ko na.

"Paano kung matapilok ako? Tapos makalimutan ko lahat? Mas okay ng matalo kesa matapilok dito, andaming nanonood."

"Sa totoo lang, hindi ko inexpect na ganito karami ang manonood, grabe."

Nakaupo ako ngayon dito sa harap ng salamin na may mga ilaw sa gilid kung saan nakapuwesto kami ni Marcel, andami niyang mga gamit na dala. Ganito pala kapag make up artist ka, mahirap din.

Nag-send ako ng text kay Aqui pero hindi ako nakatanggap ng anumang reply. Sumilip din ako ng bahagya sa mga audience na napakarami pero hindi ko siya nakita pero nakita ko sina mama at papa kumaway pa sila sa akin nang makita nila ako, kumaway lang din ako saka bumalik sa upuan. Inayos ko ng kaunti itong high-waist na pantalon ko dahil production number ang mauuna, then next is casual, swimsuit at evening gown.

Napabuntong-hininga na lang ako, sana naman makarating siya.

Ganito pala yung feeling ng nakaayos, i didn't expect na ganito ang kalalabasan ng aking mukha kapag naayusan. Aminin ko, medyo feel na feel ko yung buhok kong mahaba at straight ngayon dahil feeling ko kapag nakikita ko sa salamin ay parang buhok ko talaga siya.

"Anong nararamdaman mo ngayon sa make up mo?" Bigoang tanong ni Marcel.

"Magaan siya parang bang pakiramdam ko walang nailagay.

"Alam mo kung bakit? Kasi manipis lang ang mga nilagay ko. Kasi hindi mo na kailangan ng masyadong make-up, may iba't-ibang perception ang tao pero para sa akin maganda ka na."

"Salamat h-..." Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin ng biglang may humalik sa akin pisngi. Paglingon ay nasilayan ko agad ang ngiti ng aking mahal.

Ang cheesy.

"Uy, buti nakarating ka, kala ko hindi ka makakapunta.

"Pwede ba iyon? Siyempre kailangan kong suportahan ang baby ko sa laban niya." Sabay kuro ng bahagya sa pisngi ko.

"Sana all."

Pansin ko lang na ang pormado ni Aqui ngayon pero hindi ko na iyon inusisa pa, mayaman siya eh kaya ganiyan manamit.

"Nagtext ako kanina pero hindi ka nagreply." Ewan ko ba pero biglang nag-iba ang ekspresiyon niya, tila ba kinakabahan na ewan. Hmm guni-guni ko lang siguro yun, medyo dim kasi ang ilaw dito sa backstage.

"Naka silent kasi phone ko eh and i was driving, gugustuhin mo ba namang maaksidente ako?" He said which is understandable.

"Malamang oo, char! Hindi siyempre."

Ngumuso lang ito, manly siya pero parang bata kung magpa-cute. Hinalikan ko agad siya.

"Sarap, isa pa."

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon