Chapter 25: Big Reveal

733 33 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{=============

Third Person's P.O.V

Ang ilang linggo at nauwi sa ilang buwan, aware na ang buong school sa nangyari kay Jian. Tila naging bomba ito sa kaniyang mga guro dahil sa nangyari sa pageant ay hindi sila makapaniwalang aabot siya sa ganito.

Samu't-saring reaksiyon mula sa mga estudyante, may mga natatakot na dahil sa sindikato na ito. Iniisip nila na baka hindi na ligtas ang lugar at paaralan.

Nabahala ang buong paaralan na maaring madamay sila, the school set up the school security into maximum level.

Required pa rin na mag-attend ng school ang dalawa kahit kasama sila sa pag-iimbestiga.

Lagi na ring nagkakasama sa school si Joaquin at Solomon, hindi dahil close na close na talaga sila kundi pag-usapan ang imbestigasyon at makakuha ng update mula sa mga pulis.

Habang nagkaupo sila sa isang malaking puno ay biglang tumunog ang cellpgone ni Joaqujn

"They are calling...hello?"

Walang ideya si Solomon kung ano ang pinag-uusapan nila pero alam niyang pulis iyon at tungkol ito sa imbestigasyon.

"Ano daw sabi?"

"Pinapapunta tayo sa station nila, i think may progress na sa imbestigasyon."

"F*ck let's go."

Nagpaalam sila sa isang head teacher at sa guard upang makalabas ng achool compound.

Nang makarating sila ay nanduon din ang mga private investigators nila Solomon, nakaharap silang lahat sa laptop.

"Hindi pa namin natunton kung saan ang hostage pero nakuha namin itong video na ito mula sa isang cctv." Paliwanag ng pulis

Pinanood nila ang isang itim na van na pumarada sa isang tabi ng bahay. May babaeng bumaba dito at isang lalaki. Para bang hindi sila ang dumukot kay Jian parang iba ang kutob nila, kutob na baka hindi sila iyon.

"Sa binigay niyo pong plate number, na-locate namin sasakyan, bahay nila Mr. and Mrs. Samandre, ready na po ang mga pulisya para puntahan location nito."

Gumayak ang lahat upang mapuntahan ang location.

Gigil na gigil sa pagmamaneho si Jaoquin at gusto man niyang unahan ang mga pulis pero hindi rin puwede.

Nang makarating silang lahat, pinalibutan nila ang harap ng simpleng bahay na may kulay. Lahat ay naghanda at nakatutok ang mga baril sa harap ng gate.

Nang katukin nila ito ay bumungad ang mag-asawa mula sa video. Nagulat at natakot ang mag-asawa sa kanilang nakikita ngayon.

"A-Anong pong kailangan nila?"

"Meron po kaming warrant of arrest sa pagdukot niyo kay Jian Diego."

"Teka lang po...ano pong pinagsasasabi niyo? Wala kaming dinukot na kung sino man."

Nagsilabasan ang mga anak nito at nagsimulang umiyak, isang dalaga at dalawang maliit na bata.

"Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag."

Walang nagawa ang mag-asawa kundi ang sumama kahit labag sa kanilang loob. Binilinan nila ang anak na panganay na bantayan ang mga kapatid bago sumakay sa sasakyan ng mga pulis.

Habang nasa biyahe ay hindi mapakali si Solomon.

"Okay ka lang?"

"Parang...may mali eh...parang hindi naman nila kayang dumukot eh baka nagkamali lang tayo."

"Yun din ang pakiramdam ko, pero wala namang masama kung tatanungin natin sila hindi ba? Let's just trust the process."

Nang makarating sila ay pinakalma nila muna ang mag-asawa dahil natatakot sila sa puwedeng mangyari.

"Wala po kaming ginawang masama, maniwala po kayo sa amin..."

"Kalma lang po kayo Mrs. Samandre, kailangan lang po namin kayong tanungin dahil may naganap pong kidnapping. Sa mga nakalap naming impormasyon ang sasakyan po ninyo ang ginamit sa kidnapping."

Nagkatinginan lang ang mag-asawa, mukhang may alam sila tungkol dito.
"Yung sasakyan na tinutukoy niyo, kabibili lang namin kahapon, secondhand po kasi yun."

"Maari po ba naming malaman kung sino nagbenta sa inyo?"

"Hindi po namin nakilala eh, pero lalaki siya na matangkad at guwapo na kasing edad lang nila."

Sabay turo sa dalawa binata, biglang kinutuban si Joaquin na baka siya ang dumukot kay Jian.

Habang kinakausap pa nila ang mag-asawa ay sinubukan tawagan ni Joaquin si Ferick pero hindi ito sumasagot, matagal din itong hindi nagpakita simula nung araw na iyon sa restaurant.

Ilang minuto pa ang lumipas, biglang tumunog ang cellphone ni Joaquin tumatawag ang kaniyang ama.
No choice rin naman ito kaya sinagot niya ito.

"What?"

"Your wedding day is already planned, it's earlier than you thought, don't ruin this. I know your not ready but for the sake of the company, after the wedding, you will finish your studies, of course."

"Why are you telling me this? Aren't you busy? Nasa New York ka hindi ba?"

"Yeah and i'm also with your fiancee's father, speaking of busy, i gotta go...don't fail me this time."

"You already failed being a father."

Saka pinatay ang tawag, napabuntong hininga na lamang si Joaquin dahil frustrated na talaga ito, dumagdag pa itong ama niya.

Balak niya ring takasan ang kasal dahil kung may gusto man siyang pakasalan ay si Jian lang yun.

Papasok na sana siya ulit sa station ng may tumawag sa kaniya, pero numbers lang.

"Hello? Who's this?"

"It's me baby, Cara, ring a bell? I'm your precious fiancee."

Sa mga oras na ito ay biglang kumulo ang dugo ni Joaquin dahil sa babaeng kausap nito ngayon at ang kaniyang ama.

Nandidilim ang paningin nito na parang gusto na niyang pumatay. Ngunit himinahon na lamang ito dahil walang patutunguhan ang galit nito.

"What the f*ck do you want?"

"I know exactly what you want..."

============}•>♥<•{=============

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon