Chapter 17: Hide and Seek

823 44 2
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{==============

Jian's P.O.V

Sa loob ng dalawang linggo ay binista ako ng doktor para sa check-up and every saturday kami pumupunta ng hospital for CT Scan.

Gusto ko na talaga pumasok pero pinagbabawalan ako nina mama at papa, lalong-lalo ni si Mon.

Sa kanilang lahat para sa kaniya lang ako nakatanggap ng sermon, dinaig pa magulang ko.

Nandito lang naman si Mon sa bahay, dumiretso dito after ng uwian nila sa school at stay over daw siya.

"Kung sinabing hindi puwede, hindi puwede okay?" Ayan na naman siya.

"Sige na, miss ko na pumasok ng school."

"That's not even a valid reason para payagan kita, pa'no nalang kung may mangyari ulit? God forbid."

"Edi...para mag-comply?"

"Bibigyan ka naman ng teachers ng chance eh pero hindi muna dahil sa lagay mo ngayon."

Napabuntong hininga nalang ako dahil kahit ano pang gawin ko ay hindi ko sila mapapayag, ewan ko lang pero nakakatampo eh.

Kakatapos pang maligo ni Mon, parehas pa kami ng pantulog, hindi kami couple dahil may ka-couple na ako though naka-sando siya ng white at ako ay naka T-shirt.

Ganito lang talaga kami since maging best friend kami noon pa. Dahan-dahan akong humiga at napatitig sa kisame. Ramdam ko bigla ang paglubog ng higaan.

"Jing, sorry na kung pinagalitan ka namin, nag-aalala lang talaga kami."

"Okay."

Tulog na siguro ito kaya sobrang tahimik na habang ako ay hindi pa dinadalaw ng antok.

Inobserbahan ko lamang ang mukha ng aking best friend. Nakaunan pa ang mga kamay nito sa ulo niya kaya litaw ang maninipis na buhok sa kili-kili nito.

Naalala ko pa nung mga araw na may feelings pa ako sa kaniya pero nakaka-guilty dahil si Aqui ang laging nasa tabi ko habang siya naman ay lumayo.

Pero ngayon...nandito pa rin siya sa aking tabi, hindi ako iniiwan. Heart breaks will lead us to where we belong.

Dahan-dahan akong bumangon para sana uminom pero nakuha ang atensiyon sa mga butuin na nagkukumpulan na sa sobrang dami.

Gumaan ang aking pakiramdam dahil sa view na aking pinapanood, God is really great.

Napatingin agad ako sa gumagalaw na bituin, pft! I just mentally laugh at myself, sky patrol lang pala yun.

Kahit pa ganun ay sinubukan ko pa ring humiling ng simpleng bagay. Ngunit napukol ang atensiyon ko sa lalaking naglalakad papalayo sa aming gate.

Mas lalo ko pang ipinagtaka ay mga mga nakasabit sa aming gate.

Maingat akong bumaba para hindi magising nag mga tao dito lalo na si Mon, alam niyo na baka bungangaan na naman niya ako.

Nang makalabas at makarating ako sa gate, bumungad sa akin agad ang tatlong rosas na naka-tape at card.

'Diamonds are precious, and so are you. You are my diamond cause you are so precious to me'

Handwriting niya ito! Sure na sure ako na sa kaniya nanggaling ito! Sa sobrang galak ko ay lumabas na ako ng gate para sana habulin siya.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon