Chapter 24: Searching

811 33 5
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{=============

Jian's P.O.V

Dilim.

Ang dilim.

Bakit madilim?

Samu't-saring mga alaala at mga mukha ang mga tao ang gumugulo sa aking isip na para bang sirang T.V at mas dumadagdag pa sa sakit ng aking ulo. May natitira pang amoy mula sa usok na nalanghap ko kanina.

Nasan ba ako? Ang lamig, sa papag ba ako ng kuwarto ko nakahiga? Naghanap ako ng kumot pero hindi ko man pang maigalaw ang mga kamay ko.

Pagdilat ko ay isang hindi pamilyar na kuwarto ang aking nakita, madilim at tahimik. Tanging isang ilaw lang ang nasa aking taas at ilaw mula sa maliit na bintana.

Bumibigat na aking paghinga at sobrang kaba ang aking nararamdaman. Ano bang nangyari? Bat nandito ako?

"May tao ba diyan?(cough*) Tulong!"

Blag!*

Nilapitan ako ng dalawang lalaki at pinaupo sa isang bakal na upuan. Ginapos ang aking mga paa at tuluyan ng hindi makagalaw.

Isang imahe ng babae ang aking nakita pero hindi ko maaninag kasi madilim. Kulot ang buhok at manapansin mong balingkinitan ang katawan kahit hindi ko masyadong makita.

"So you're awake...good morning."

"Sino ka? Ano bang kailangan niyo sa akin?"

Lumapit ito pero hindi lumapit sa liwanag, parang ayaw magpakita. Hindi ko sigurado pero parang pamilyar sa akin ang boses na iyon, hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig pero may isang tao ang aking pinaghihinalaan.

"You'll know, not now but soon...kung may hininga ka pa."

Wala naman akong maalalang ginawa ko o kaya matinding kasalanan.

"Please, pakawalan niyo ako, wala naman akong ginagawa."

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na lumuha dahil sa takot. Ano na naman ba ang parusa ang ibinigay Diyos sa akin?

"Hays...you're too innocent for this kind of drama, you know?"

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito, walang ibang laman ang aking isip kundi ang makawala sa lugar na ito.
Panigurado nag-aalala na sina mama at Solomon.

"(Sigh*) if your planning to escape...less chance, darling. By the way i'll head out first and all of you guard this place with your lives."

Tanging ingay lang ng heels nito ang naririnig habang papalabas ito ng lugar.

"Pakawalan niyo ako, parang awa niyo na."

Ngunit hindi ako pinansin ng mga lalaking kasama ko dito sa loob, tanging tunganga, palakad-lakad at cellphone lang ang ginagawa nila.

"Manahimik ka na lang, puwede?"

Third Person's P.O.V

Walang ibang nagawa si Jian kundi ang umiyak ng tahimik dahil sa takot. Kung anu-anong bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan sa mga oras na iyon.

Kung magiging katapusan niya ito ay gusto sana niyang magpaalam ng maayos sa mga mahal sa buhay.

Oras ay umabot ng araw, araw umabot ng linggo at nandito ngayon si Solomon sa bahay nila Jian kasama ang kanilang mga magulang at mga pulis.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon