Chapter 21: Sheep Jacket

769 33 2
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=============}•>♥<•{=============

Solomon's P.O.V

Kanina pa ako tumatawag kay Jing but he's not answering my calls, hindi naman siguro dead battery phone nun ng ilang days, baka nagpalit ng number? Di naman siguro.

Hays, last day na ng seminar nila mom pero bukas ng umaga pa kami uuwi. Kating-kati na akong umuwi para ipagdiwang ang birthday ni Jing na kahit kaming dalawa lang para pambawi ko rin sa kaniya.

"Ayos ka lang 'nak?" Napalingon naman ako kay mama.

"Hm, excited lang umuwi bukas."

"Ilang days lang pero nami-miss mo na si Jian? Birthday niya pala niya nung nakaraan no? Edi sana hindi na kita sinama dito para nakasama mo siyang mag-celebrate."

"Siya rin kasi nagsabing sumama ako at saka siyempre pagbibigyan ko din ang aking only mom, hm?"

"Sus! O siya 9:00 na, matulog na tayo at maaga din tayo aalis bukas."

Natulog na kami pero ay hindi pa ako dinadalaw ng antok, parang may bumabagabag kasi sa akin eh, parang may gumugulo sa aking isipan.

I feel guilty na hindi ko man lang siya nasamahang mag-celebrate, nabanggit pala niya sa akin na kakausapin niya si Joaquin.

I have couple of not-so-good scenerios in my head sana hindi naman ganun ang nangyari.

Sana okay lang si Jing.

-----

Gumayak na kami ni mom para makauwi na kami ng maaga, nang makabiyahe kami ay tumigil muna kami sa mga souvenirs at grocery stores.

Binilhan ko siya ng bracelet, mahilig din sa bracelet yun eh. I picked the rainbow colored bracelet.

Nagpatuloy kami sa biyahe hanggang sa makauwi kami, inabot pa kami ng hapon dahil sa dalawang beses kaming na-traffick, tinulungan ko siyang ipasok lahat ng gamit then nagpaalam ako at bumiyahe papunta kina Jing, na-miss ko siya.

Pagkarating ko ay kumatok ako sa pinto, pinagbuksan ako ni tita. Napansin ko lang ang kalungkutan sa mukha nito.

"Solomon, buti at nandito ka na...halika pasok ka."

"Hello po, sorry po ha at nawala ako ng ilang araw."

"Naku, okay lang...gusto mo ba ng maiinom?"

"Hindi na po, tita, si Jing po?"

Umupo ito saka bumuntong hininga, muli na namang lumungkot ang mukha nito.

"Sa totoo lang, hindi siya okay pero mabuti na lang at andito ka dahil alam kong ikaw ang maaring kausapin ng maayos."

"Bakit po? Ano po bang nangyari?"

Hindi na ako nito sinagot bagkus sinenyasan na lang ako nito na pumunta sa kuwarto ni Jing, habang papunta kami ay kinukuwento ni tita ang mga nangyayari kay Jing habang wala ako.

I really felt a heavy atmosphere here, the ambiance before is not the same. Some things are predictable at masasabi kong nangyari na nga ang iniisip kong puwedeng mangyari.

"Alam mo hindi na siya kumakain, puro inom lang ng tubig at palaging umiiyak. Wala kaming magawa dahil ayaw niya kaming kausapin muna kaya kung puwede sana ay ikaw na muna ang bahala sa kaniya."

Saka nito binigay ang susi ng kuwarto ni Jing at umalis na.

"Jing?"

Kinatok ko lang ito ng kinatok para naman malaman niya nandito na ako pero wala akong nakuhang sagot sakaniya kaya no choice but to open it myself.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon