Chapter 19: More Tears to Cry

732 33 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{=============

Jian's P.O.V

Today is a special day for me.

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay muntik ko nang nakalimutan na birthday ko pala ngayon.

Kahit nagdulot ng kirot ang nangyari sa akin kahapon ay inisip ko nalang na 'everything has it's own reasons'. Hindi talaga ako naghahanda, ayaw ko eh para kasi akong bata though may konting miryenda then bibigyan ako nila mama at papa ng pera para aliwin sarili ko sa pagbili ng mga gusto ko.

Isang pagbati at napakahabang mensahe ang natanggap ko kaninang umaga kay Mon.

May mga bumati din sa akin sa social media accounts ko, naka-notif kasi kapag may birthdays.

Naghanda na ako sa pagpasok ko ngayon at hindi pala ako maihahatid ni Mon. Maglalakad na siguro ako may shortcut naman at doon naman ako lagi dumadaan.

Pagkatapos maligo ay nagpalit na agad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Mon calling...

"Hello Mon."

"Happy Birthday to my dearest best friend, sana humaba pa ang buhay mo. Ilayo ni God ang 'prinsesa' ko sa sakit at kapahamakan at sana tumangkad ka na rin haha."

"Haha salamat, sayang nga at wala ka dito."

Palagi ko kasing kasama si Mon sa lahat-lahat ng walwal ko kapag birthday ko.

"You want me to go there? I'll talk to mom, papayag naman 'yun eh."

"Baliw, okay lang ako...sige na, may pasok pa ako."

"Sige sige, wish you also to have the Happiest Birthday, princess."

Pinasalamatan ko nalang ito at bumaba na, pgabati agad ang aking natanggap mula kina mama at papa sabay bigay ng pera na pagkalaki-laki.

Medyo bongga ang umagahan namin ngayon haha, kasi daw ayaw ko daw ng handaan edi kahit bonggang umagahan nalang.

Pagkarating ko sa school at room ko ay binati agad ako ng mga classmates ko, nakakagaan ng loob. Pakiramdam ko kahit papaano ay maraming nakaka-appreciate ng existence ko.
Drama ko ba?

Pagpasok ko ay hindi ko mahagilap si Aqui, puntahan ko nalang siguro mamaya sa room nila.

Nagdaan ang mga oras ay sa wakas dumating na ang uwian, napaaga ang uwian namin dahil may meeting ang mga teachers.

Medyo tahimik ang paligid ko kapag wala si Mon na kakuwentuhan, ilang beses lang ako nagsalita this day pwera kapag may magtatanong or may kailangan lang.

Iniligpit ko na mga gamit saka tinungo ang kaniyang classroom nagbabakasakaling maabutan ko siya o makasalubong man lang.

"Um, excuse me po...nandito po ba si Joaquin?"

"Ay absent siya ngayon eh."

"Ganun po ba, sige po salamat."

Hmm pa'no yan? Wala pala siya.

Puntahan ko na ba sa condo niya? Alam ko naman yung address eh saka maaga pa naman. Aliwin ko nalang sarili ko kasama si Aqui.

Maaga akong umalis sa school at nag-abang ng jeep para mapuntahan siya sa condominium niya, para i-surprise siya dahil hindi pa kami nagkita ng buong araw ngayon at dahil aminado akong miss ko na rin siya.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon