Chapter #14: Best Friend

823 41 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
============}•>♥<•{==============

Third Person's P.O.V

Natapos din ang operasyon ni Jian, nasalinan na siya ng dugo at naoperahan na rin ang kaniyang braso pero na comatose ito dahil sa ginawang operasyon.

Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagkakaroon ng malay si Jian, pangamba ang nararamdaman ng kaniyang magulang sa maaring hindi paggising nito.

Minsanan na lamang ang pagbisita ni Joaquin sa hospital dahil palaging itong pumupunta sa bar, minsan ay dahilan na nagkakaroon ng skandalo o away.

Pumasok na sa kaniyang condominium saka dumiretso sa ref para kumuha ng isang case ng alak. Pumunta siya sa paborito niyang tambayan, binuksan niya ang kaniyang Cassette at nilagay ang isang audio tape.

Don't stay awake for too long
Don't go to bed
I'll make a cup of coffee for your head
I'll get you up and going out of bed
And I promise that one day I'll feel fine
And I promise that one day I'll feel alright

Regalo pa sa kaniya ito ng kaniyang bestfriend, palagi silang nagsa-soundtrip simula nung bata sila pero natigil dahil kailangang niyang mag-aral sa States.

Magmula ng araw na sinabihan siya ni Solomon na mag desisiyon ay tila gumulo ito sa kaniyang isipan.

Ayaw niyang matapos ang relasyon nilang dalawa ni Jian pero iniisip niya ang kaligtasan nito lalo na at iniisip niyang isa siyang panganib para dito.

"Cheers, motherf*ckers!"

Nilagok niya ang laman ng alak saka ulit kumuha, malakas ang tolerance niya sa alak kaya hindi siya agad-agad tinatamaan ng kalasingan. Bawat lagok niya ay sinira niya ito saka tinatapon na tila bang walang pakialam kung may matamaan sa baba.

Ang isang case ng alak ay nauwi sa dalawa, hanggang sa maging tatlo at tuluyan na ngang naubos ang kaniyang stock.

"F*ck, no more? Why?! Hm."

Tila bang nagtatampo na parang bata ito dahil naubos agad ang alak niya, hindi na rin maikailang may tama na rin ito.

"Ah (hik*) i remembered."

Dumiretso ito sa cabinet niya, tumambad sa kaniyang harapan ang maraming imported na wines mula ibang bansa.

"Oh babies, i need you, (hik*)i need you, i need you all right now!(hik*) Haha."

Agad siyang kumuha ng tatlo saka bumalik sa puwesto nita kani-kanina. Ang mainit at mapaklang lasa nito ay tila bang ginhawa ang dulot sa kaniya.

"May alak ako ulit! Haha! Cheers again, motherf*ckers!"

Ngunit hindi pa niya nauubos ang kaniyang hawak na alak ay napatulala ito sa abalang siyudad mula sa puwesto ng kaniyang napakataas na condominuim.

Unti-unting pumasok sa kaniyang isipan ang naka-ngiti at umiiyak na mukha ni Jian.

A great pang of sadness, pain and guilt hit Jaoquin, biglang bumigat ang dibdib at paghinga niya hanggang sa tuluyan na ngang dumaloy ng sunod-sunod ang kaniyang luha.

"God, why?"

Namaos si Joaquin dahil sa dami ng alak na kaniyang nainom, halos pabulong na lamang ang kaya niyang gawin.

Tila bang nawalan na ng lakas ang kaniyang mga tuhod, napakapit na lang ito sa railings ng kaniyang balcony hanggang sa tuluyan ng lumagapak sa napakalamig na sahig.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon