Chapter 7

1K 28 1
                                    

M

" Nagkita kayo ni Manang Ana?" Kat asked me.

" What for Mads?" She quickly added another question

" Eh sabi niya, dumating daw yung asawa ni Kuya Loel galing Singapore. Eh hindi pa daw pala alam ni Ate Lara na wala na kami ni Bea kaya may mga pasalubong pa para sakin, Ayun. Inabot lang ni Manang kahapon" I utter

" And I decided to give the box to her" I added

" Well that's good, but don't you think it's weird, it's been 4 freaking years pero bakit di alam ng asawa ni Kuya Loel na wala na kayo?" she asked looking like a detective, I shrugged my shoulders and decided to go grab my lunch.

" Wait, don't you think she still has feelings for you? Kaya di niya masabi na wala na kayo?"

" Siraulo, baliw ka na ba Kat?" I laugh at her

" Hoy Ate, wag kang cough syrup dyan ha tigilan mo" Deanna butted in.

" What? Anong ibig mong sabihin dun?" Kat retorted.

" Expectorant! Wag kang umasa. Wag kang hopia. Wag kang potassium!" Deanna blurted out na akala mo mga tanga ung nasa harap niya na kinakausap niya.

" Gaga, Di na ko umaasa. Besides it's been years, Deans. Tapos na yung samen ni Bea okay?" I said to her

" Pero bakit may communication pa rin kayo ng Yaya niya? Nakikibalita ka pa rin sa happenings sa buhay niya?" Tanong nila sakin

" No, Si Manang Ana ung unang kumausap sakin, Sabi niya. Kay Bea lang naman daw ako nakipag break. Hindi naman sa kanila, Saka madalang naman kame mag-usap, Nangangamusta lang naman siya madalas sakin, pero di na ko nagtatanong sa kanya about her.  Ayoko na makichismis. She has her own life while I also have my own" I answered calmly marahan silang tumango na dalawa sakin tapos nagpatuloy na kame sa pagkain ng lunch.

After naming kumaen ay bumalik na kami sa office. Nagulat pa ko dahil nandun ang kotse ni Jayvee sa may parking.  Ano namang gagawin ng pinsan ko dito?

" Well my brodie's here let's go and see him!" Deanna utter while pulling me and Kat towards the elevator paakyat sa floor namin.

Pagpasok sa office ay naabutan namin si Jayvee na nakaupo sa desk ko at habang kumakaen ng pizzza kasama sina Den at Isa.

" Mawwie!" he cried, his mouth still stuffed with food.

" Heyo Jawy.  Anong ginagawa mo dito?" pagtataka ko sabay beso sa kanya and took a bite at his pizza.

" Pinuntahan ko si Ethan sa office niya.  Alam mo naman, bestfriends since kindergarten kame nun. Eh he found out na nandito ako sa pinas kaya pinapunta ko sa office niya. Tapos I remembered na dito din ung office mo kaya here I am!" he said.

" Manggugulo lang.  Your letting Deanna stay here naman. So to be fair dapat ung favorite cousin mo din diba Mawwie?" He added and even smirk this idiot.

" As if I have a choice, saka okay na din yan para may extra runner kami" I smirked right back at him.

" Tss. User as usual" sabi niya while messing with my hair.

" Whatever.  Alis ka na nga sa desk ko. Dun ka sa couch and please no unnecessary noise okay?"

" Yeah whatever" He shrugged.

Naupo na siya sa couch katabi ni Deanna habang nagsimula naman na kaming bumalik sa trabaho, sinisilip ko sila at abala na silang dalawa manood ng movie sa phone ni Jayvee. Tawa sila ng tawa kaya for sure comedy ung pinapanood nila. Siguro ung all time favorite ni Jayvee yan na Get Hard. Si Kat naman abala sa pagsagot sa calls. Sina Isa at Ate Den ay nakasubsob sa computer. Tinignan ko ang sarili kong computer at binuksan na ang email ng company. Maraming unread messages na naman about different inquiries kaya inisa-isa ko na silang buksan at basahin. Nang matapos ako ay sunod kong binuksan ang sarili kong email.  Aside from spam messages ay wala naman ng messages na importante dun kaya nag log out na lang ako.

Second ChanceWhere stories live. Discover now