Chapter 24

1.1K 30 5
                                    

B

"Everything here?" I asked as I checked the things inside Jayvee's van

"Yup. Okay na lahat Bei." sabi ni Jayvee

"Tara na?" anyaya ni Den.

"Duh?! kayo na lang kaya hinihintay napakabagal naman talaga oo." reklamo ni Deanna na nakadungaw mula sa last row ng upuan sa van. Natawa na lang kaming tatlo at sumakay na sa van. Nakapwesto sa pinakalikod si Isa at Deanna. Si Kat at Maddie naman ay magkatabi sa likod ng upuan ni Jayvee at kami ni Den ang nakapwesto sa shotgun seat.

"Hoy, Deans bakit nakashades ka na eh gabi pa naman?" Tanong ni Isa

"Eh bat nangingielam ka Maria Isabel? Ikaw ba nahihirapan?" sabi naman ni Deans

"Kala ata pagbaba ng van mataas na araw. " ani Kat at nagtawanan kami.

"Ate Kat, wag ka ng umepal. Gagatong pa eh." ani Deanna kay Kat

We all decide to take Jayvees car to Park n Fly. Dun kasi ay may free shuttle na papuntang airport kung saan kami maghihintay ng flight namin going to Ilocos.

"Guys, di kaya ako magexcess baggage?" tanong ni Deanna pagdating sa Park n Fly. Sa aming lahat kasi, siya lang ang nakamaleta.

"Sino ba kasing nagsabi sayong dalhin mo buong cabinet mo ha?" ani Kat

"Oo nga, Deans. Diba 3 days lang naman tayo dun?" sabi naman ni Maddie

"Aba mahirap na mga Ate noh! Buong buhay ko nakalagay dito. Di pwedeng iwan lang sa bahay."

"Wag kang papatulong magbitbit niyan ha." banta ni Isa sa kanya

"Ay girl wag kang ganyan." aniya. Hinayaan na namin sila magtalo at naglakad na papunta sa waiting area ng shuttle. We loaded all our bags when the shuttle arrived saka na sumakay para magpahatid sa terminal 3.

"Saan ba tayo una?" tanong ni Kat

"Well, Bea, Den and I decided na mauna tayo sa windmill. Maganda ang view dun so maraming makukuhang magagandang shots si Bea dun." sagot ni Jayvee

"Ate Bei, pang cover photo ha." sabi sakin ni Deanna.

"Oo naman." tango ko.

"Oryt! Winner ka talaga. Buti ka pa Ate Bei walang angal. Itong si Maria Isabel puro angal ang alam akala mo naman ang gaganda ng shots."

"Subukan mong magpapicture saken mamaya dyan sa phone mo, malilintikan ka saken." sabi ni Isa sa kanya.

"Kasi naman Deanna, lahat na lang ng angle nagpapapicture ka." sabi ni Kat.

"Malamang Ate Katrina. Collage ang gagawin eh. Malamang kailangan lahat ng angle meron."

"Collage talaga, Deans?" pigil-tawa namang sabi ni Maddie.

"Ate Bei, inaalipusta ko nitong ate girl mo oh. Wag mo na nga ligawan!" sumbong ni Deanna sakin.

"Hahahaha. Yaan mo na Deans. Yung isang memory card ng camera ni Bea nakapangalan na agad sayo. Hahahhaa!" hagalpak naman ni Den

"Ay talaga ba?! gusto ko yun. Unahin mo na sila picturan tapos ihuli mo ko para feel na feel ko Ate. Saka siyempre alam mo na kailangan ko pa magpalit ng damit para di boring yung suot ko every pictures."

"Actually, I like taking candid shots." sabi ko.

"So you guys just have fun. Kunwari walang camera. Basta enjoy lang kayo and Ill do the rest."

"Ano ba naman yan! Kala ko ba about samin to hmp" ani Deanna at nagtawanan lahat.

We arrived 2 hours earlier for our flight to Ilocos. Nakapagcheck-in na kami ng mga gamit at naghihintay na lang ng tawag sa gate. Ang flight namin is 4 am so we still have 2 boring hours to wait.

Second ChanceWhere stories live. Discover now