Chapter 11

1K 25 1
                                    

M

" Woohoo!!!" sigaw nina Deanna, Isa, Den at Jayvee nang magsimula nang umandar ang bangka papunta sa unang isla. Kami naman ni Kat ay tawa lang ng tawa. Nakatayo sina Den at Jayvee sa may dulo ng bangka. Sina Deanna at Isa naman ay walang humpay sa pag vi-video at pagseselfie.

" Mga Ate's, Say hi to the camera!" sabi ni Deanna ng itapat niya sa amin ang gopro cam niya. Kumaway kami ni Kat at nagtawanan ulit.

" Kuya anong island muna tayo?" Tanong ni Isa sa bangkero.

" Camara po Ma'am. Yun ang pinakamalapit na isla mula dito sa Pundaquit." sabi ng bangkero

" Dun ba yung may Lighthouse?" sabat naman ni Deanna.

" Idiot! Sa Capones yun, Deanna" Singit ni Kat

" Wow, Ate anak ka ni Lord?! ang Judger mo" nakasimangot na sagot ni Deanna

" Ang mahalaga marating natin kung nasan yung lighthouse!"

" Pagkatapos po natin sa Camara, sunod po natin yung Capones. Dun po namin kayo idadaong mismo sa may lighthouse. Aakyatin niyo na lang po ng konti." sabi nung mas batang bangkero.

" Sa Nagsasa po kayo magcacamping no?" tanong nung mas matanda na bangkero

" Opo, Kuya" sabay sabay na sagot namin.

" Kung gusto niyo po, dalawang isla tayo ngayon tapos hatid na namin kayo sa Nagsasa tapos bukas naman po pagsundo namin sa inyo saka po tayo pumunta ng Anawangin."

" Pwede rin po ung Kuya." sabi ni Den

15 minutes ang biyahe mula sa laot sa Pundaquit papunta ng Camara Island. Papalapit pa lang kami dun ay namangha na agad ako sa sobrang gandang isla. Napakatingkad ng pagkaasul ng tubig at napaka puti ng buhangin. May mga rock formation din na nagpaganda lalo sa isla. Nagtalunan agad sina Den, Jayvee at Isa sa tubig kahit medyo malalim pa ang pwesto ng bangka. Kami naman nila Kat ay naghintay na huminto talaga ang bangka bago kami nagsibaba.

" Uh, Kuya baka pwede pong papicturan kame ng mga kabigan ko remembrance lang po" sabi ni Deanna sabay abot ng camera sa bangkero. Pumwesto na kami sa may shore at nagpakuha na ng maraming picture kay kuyang bangkero.

" Guys! Tara na langoy tayo" yaya ni Den saka pa siya tumakbo pabalik sa tubig. Sumunod naman kami sa kanila at nagsilangoy na kami papunta sa kabilang side ng isla.may grupo pa nga kaming nadaanan na nakakumpol sa parang kweba dito sa isla. Binati namin sila at bumati rin naman sila pabalik sa amin.

" First island pa lang pero napakaganda na, what more dun sa mga susunod pa diba?" sabi ni Kat.

" Oo nga, yung Nagsasa daw maganda kasi pwede natin akyatin ung Mt. Pundaquit dun tas pwede tayong magcliff diving." sabi ni Den.

" Cliff diving?! shit guys gusto kong gawin yun!" sabi ni Isa.

" Lahat tayo tatalon ha" sabi ni Jayvee. Sumang-ayon ang lahat saka pa kami nagkwentuhan. Lumipas ang kalahating oras ay tinawag na kami ng batang bangkero. Oras na pala para pumunta sa susunod na Isla.

Sumakay na ulit kami sa bangka at muli naming tinahak ang dagat. Masarap sa balat ang hangin. Ramdam din ang hampas ng bangka sa alon na lalong nagpabilis sa tibok ng mga puso namin.

Dumating kami sa Capones island, maya-maya lamang. Magkalapit lang kasi halos ang dalawag isla kaya mabilis lang ang biyahe. Marami ang nakadaong na bangka dun at madaming ring mga naliligo. Agad naming niyaya ang batang bangkero para dalhin kame sa Light House. Pumayag naman siya kaya imbes na maligo kami ay umakyat na muna kami ng bundok para puntahan ung Light house na tourist attraction dito sa islang ito.

Second ChanceWhere stories live. Discover now