M
" Ate, ayaw mo ba?" tanong ni Deanna sabay turo sa sushi gamit ang chopsticks. Umiling naman ako saka siya ngumisi at akmang kukunin na yun nang biglang paluin ni Kat ang kamay niya gamit ang chopsticks.
" Ate naman, ang sakit nun! Ano na naman ginawa ko sayo?"
"Ikaw porket di nagkakakain tong kaibigan natin, sinasagad mo naman. Kaya nagkakachance magrebelde yan eh. Kinukunsinti mo lagi." Sabi niya
" Ate kaysa naman masayang yung pagkaen, edi ako na lang kakaen diba?" pangangatwiran ni Deanna habang pilit na kinukuha ung sushi
" Maddie, kumain ka kahit konti lang." alalang sabi ni Den. Umiling lang ako saka suminghap at tumayo na mula sa mesa.
" Sinong favorite tambay niyo?!" napatingin ang lahat nang biglang pumasok si Jayvee sa office. Bigla naman siyang napatingin sa akin at napakunot ng noo.
" Hey cousin. Kumain ka na? I brought you your favorite comfort food." sabi niya sabay angat ng paper bag ng isang korean restaurant.
" She didn't even touch her sushi, Jayvee. Kanina pa namin siya pinapakain pero ayaw niya." pagsusumbong ni Kat kay Jayvee.
" Magkakasakit ka nyan eh, gusto mo bang mag-alala si Lolo sayo?" Pangongonsensya ni Jayvee sabay upo sa tabi ko dito sa couch.
" Come on. Mawwie Eat your lunch please?"
" I'm not hungry." I retorted
" It's been 3 days, Maddie" sabat ni Deanna
" How can we get some lovers kung maghuhunger strike ka, Ate di gusto ng mga tao ung super payat"
" Ikaw lang naman may gusto mambabae, friend" sabi naman ni Isa kay Deanna. Inirapan lang siya nito saka pa sila nag-asaran.
" Atleast ako aminado kong bet ko girls eh ikaw?"
" Ay! Ayan na away na to" sulsol naman ni Den sabay palakpak
" Abat personalan na pala to ha!" sabi ni Isa habang tinataas ung sleeves ng polo shirt niya.
" Sapakan na lang tayo!"
" Ay wag Dude, maghahanap pa ko ng sugar mommy mamaya baka magasgasan ka papihan ko"
Natawa ako at nagtinginan silang lahat sakin.
" Pakitawagan si Cardinal Tagle, magpapamisa tayo sa Manila Cathedral. Tumatawa na si Ate Maddie!" bulalas ni Deanna at mas lalo akong natawa. Para na kong baliw dahil tawa ako ng tawa pero maya-maya lang ay naramdaman ko na ang mainit na luhang pumapatak sa mga mata ko.
" Deans, I think we should called Mandaluyong, for this one." alalang sabi ni Kat
Napasubsob ako kay Jayvee at agad naman niya akong niyakap at inalo.
" Shh... Mawwie don't cry." He said as he caress my back to calm me down
Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang paglapit nilang lahat sa amin dito sa couch. Inabutan pa ko ni Den ng baso ng tubig.
" Alam mo, hindi maganda yang ginagawa mo, naiintindihan ka namin na nasasaktan ka. Na parang bumalik ka sa first step pero di mo kailangan parusahan at pabayaan ung sarili mo . Mads, mas mahirap kung magkakasakit ka dahil lang sa kakaisip mo sa bagy na yan." Kat said
" Oo nga Ate Maddie. Gets naman naming mahal mo parin siya pero di mo naman pwedeng pabayaan yung sarili mo. Hindi naman natin maibabalik yung tapos na eh nakaraan na yun kung magkakasakit ka mas mahirap yun, if she's really sorry, she will do everything to win you back. Kung may girlfriend man siya or whatever, titimbangin niya kung sino ba talaga yung mas mahal niya. Hindi naman pwedeng dalawa kayo at hindi kami papayag na magpakagaga at tanga ka naman ulit sa kanya because you deserve more that she can give." dagdag naman ni Isa.
YOU ARE READING
Second Chance
Fanfiction4 years after breaking up Maddie and Bea already establish a sucessful life.Bea would soon be Married to Jhoanna while Maddie was handling her own business but what would happen when Bea heard Maddie's name all over again xxx " Hello? Mads!" as soon...