Chapter 22

1K 28 2
                                    

B

I was surprised to see Kianna at the office. Akala ko ba may hangover tong lokang to?

" Kala ko di ka papasok?" tanong ko.

" Di nga dapat. But I got bored at home." aniya

" Don't worry Bei. Di ako magtatrabaho. Tatambay lang ako dito." sabi niya pa. Umiling na lang ako and sat on my desk. Pinagulong niya naman ang swivel chair niya palapit sakin.

I started working on another photo as she watched me. Pakanta- kanta pa si loka habang nanonood saken akala mo naman siya tong may ginagawa.

" Kailan yan?" she asked

" Kanina." tipid na sagot ko naman.

" Saan?"

" Sa condo?"

" Wow. May progress na ah. Kayo na ulit?" tanong niya. Umiling ako saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

" Hindi and I'm willing to wait. Sinundo ko lang siya kanina kasi nasiraan siya kagabi."

" So siya yung sinasabi mong emergency." Ngisi niya. Natawa na lang ako at di na siya pinansin.

" Siya nga no? Ay sus! Parang balik high school ah!" asar niya at binatukan pa ko.

" Aray!"

" Ikaw na talaga Bea! Ikaw na!" sabi niya pa habang patuloy akong inaasar

" Sana pahirapan ka ni Maddie. Mga tipong papakainin ka ng bubog, papalakarin sa baga, tutulay sa alambre. Hahhaha"

" Tarantado! Patayin mo na lang kaya ako?" sabi ko.

" Hoy gago. Dun nga malalaman kung seryoso ka ba talaga eh." sabi niya.

" So if she asked you to go and catch all the stars, you wont do it?"

" Kianna, I'm willing to give her the whole world. But let's be realistic here." sabi ko.

" Nililinaw ko lang." aniya sabay tapik.

" Nice shot ha. You really like taking candid shots."

" Dun mo kasi nakikita yung tunay na ganda ng picture eh." sagot ko.

Tumango na siya at pinaandar na ulit ang swivel chair niya. Kianna can be childish sometimes. Ganyan ata pag solong anak eh. Mas matured pa nga mag-isip si Franky sa kanya eh. Hinayaan ko na lang siya maglibang sa office while I do my work. I printed the photo after and wrote another letter at the back. Then I stood up and picked up my bag.

" Saan ka pupunta?" she asked

" Diyan lang sa kabilang street. Dito ka lang."

" Bili kang food ha" aniya

" Oo na." sabi ko at lumabs na sa office.

"Good afternoon Ma'am" bati ng babae when I entered their store.

" Hi. Uhm... how much for the bouquet of stargazers?"

" Ilan po ba Ma'am?"

" 2 dozen maybe?"

" That would be 2,700 po." sagot niya

" Sige I'll order one. Tapos pakilagay ulit to dun sa bouquet." sabi ko.

" Same address ba Ma'am? Sa Makati?"

" No. Sa BGC. Ito..." sabi ko and gave her the address of her condo unit.

Second ChanceWhere stories live. Discover now