Chapter 25

1K 20 0
                                    

M

" Woooooh!!!" sabay-sabay na hiyawan nina Kat, Deanna at Isa nang umandar na ang jeep ni Mang Benny. Nalaman namin na isa si Mang Benny sa mga nagmamaneho ng mga ganito sa sand dunes kaya naman naexcite kami lalo dahil isa yon sa mga pupuntahana namin.

" Ma'am, text niyo na lang po ako kung magpapasundo na po kayo."

" Sige po Mang Benny. Salamat po. " ani Bea. Pumasok na kami sa hotel at agad naman kaming inasikaso ng mga nandun. Once we were inside our rooms ay sabay-sabay kaming nahiga sa kama. Nasa ibang room sina Bea, Jayvee habang magkasama sina Isa at Den at kami naman ang nandito sa isa pang room. Magkakatapat lang ang mga kwarto namin kaya di kami mahihirapan na magkakitaan.

" Ate ayoko kumain. Gusto kong matulog." hikab na sabi ni Deanna saka pa niyakap ang unan at pumikit.

" Please mamaya na tayo maglaboy mahabag kayo sakin."

" Sige lang Deanna. We all need to rest din naman eh." sabi ko

" Deannasaurus, himbingan mo na. Baka may chance ka ng makita love life mo sa panaginip mo." asar ni Isa habang hinehele-hele pa kunwari si Deanna dito daw muna siya sa kwarto namin.

" Gusto ko magka height pa para mas tumangkad ako sayo." singhal ni Deanna

" Katok ka naman bago ka magsalita, hinayupak na to." ani Isa at hinampas pa si Deanna.

" Stop it. I'm trying to sleep here."

Humiga na rin ako sa kama at tumabi naman si Kat sa akin.

" Hoy" aniya

" Hm?"

" Kayo na ba ulit?" tanong niya. Bigla akong napadilat sa tanong niya at saka natawa.

" Wag mo kong tawanan. Alam ko yang mga ganyan eh. Ano? Umamin ka!"

" Itong kapre na to napakaingay!" reklamo ni Deanna. Binato lang naman siya ni Kat ng unan at saka minura.

" Tinatanong kita, Madeleine Yrenea." sabi niya pa.

" Hindi pa, Katrina Mae." sabi ko.

" Alam mo naman na ikaw ung unang sasabihan ko pag nagkabalikan na kame eh." sabi ko.

" Siguraduhin mo lang. Papamulto kita sa magulang mo sige." aniya. Sinimangutan ko siya at natawa na siya. Akala ko di na tatawa tong bestfriend kong to eh.

" Joke lang, Mads. Baka ako pa multuhin nila Tita. Kurutin pa pwet ko."

" Buti alam mo." sabi ko

" You know I'm just looking after you diba?"

" Alam ko naman yun. Kaya nga ginagawa ko mga sinasabi mo diba? I'm being cautious with my actions. Sadyang may times na hindi ko mapigilan ung sarili ko. You know I really love her."

" I know. Di rin naman kita pipigilan sa mga ginagawa mo. Gusto ko lang mag-ingat ka. Once was a warning. Sana itong pangalawa alam mo na mga dapat at di dapat gawin." sabi niya

" Yes, Mom. I will do what you told me to do." sagot ko naman. Piningot niya ang ilong ko at nagtawanan kaming dalawa.

" Pahug nga ako. Sobrang busy mo na kay Bea di mo na ko kinakausap." malambing na sambit niya. Umusog naman ako papalapit sa kanya saka pa siya niyakap.

" Ikaw nga din busy sa pinsan ko eh." sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata niya. She looked so guilty and I cant help but to laugh at her.

" Kitty, Deanna and I know already. You don't have to hide it."

Second ChanceWhere stories live. Discover now