Chapter 13

907 32 2
                                    

M

Nagtatawanan kaming magkakaibigan dahil sa katangahan ni Deanna kanina sa bangka. Pano kasi nagyayabang na kaya niya din ung ginagawa ni Jayvee na tumayo sa dulo ng bangka. Nung ginawa niya, ayun bumaliktad. Nahulog tuloy sa tubig. Eh ayaw pa naman niya maligo dahil papunta na kami sa rest house.

" Maddie?" nagulat ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Napalibot ako ng tingin saka ako kinalabit ni Kat at may tinuro sa bandang kaliwa namin. Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko si Bea dun.

Napahinto kami sa paglalakad and she took it as her chance to approach us. Agad na humarang sina Jayvee at Kat sa harap ko making her stop on her tracks.

" Nice to see you here." sabi niya saka tipid na ngumiti. Tumango lang naman sila habang ako naman ay di kumikibo sa gitna ng lahat.

" What are you doing here?" tanong ni Kat

" Uh . . ."

" Are you stalking Ate Maddie?" tanong naman ni Deanna na bigla na lang sumulpot

" No! I... uhm... ano kasi.." nagkamot siya ng ulo na parang iniisip kung paano niya sasagutin ung simpleng tanong na yun.

" Babe!" napalingon kaming lahat sa babaeng tumawag sa kanya. Nang makalapit ito ay nanlaki ulit ang mga mata ko. It's her... The girl she chose over me. Napayuko ako saka napahawak sa kamay ni Kat. Lumingon naman siya sa akin at para bang naintindihan niya na agad ung gusto kong mangyari.

" Aalis na kame, Bea" sabi ni Kat.

" Sino sila. Babe?" the girl asked

" Are you guys friends with Bea? I'm Jhoanna. I'm her fiancee."

" Nope. We're not friends. We just know each other because we were batchmates before." sagot ni Kat.

" Oh okay! Nice to meet you guys. Babe, balik na tayo dun. Dad's waiting for us na."

" Sige sunod na ko." rinig kong sabi niya.

" Okay!" sabi ni Jhoanna

" Bye guys! Nice to meet you again."

Bea cleared her throat the moment Jhoanna was out of earshot.

" Maddie, pwede ka ba makausap? Kahit sandali lang?" she asked.

" Ano ba pag-uusapan niyo? Are you gonna fuck my bestfriend's head again, huh Bea?" sabi ni Kat.

" No, Kat. I just... I just have something to tell her."

" Tell her now. You don't have to talk alone diba? Go on. Speak."

" Uhm..." sabi niya

" Ano kasi... it's my kuya's death anniversary 2 weeks from now and mom wanted to invite her. Gusto lang kasi siyang makita at makausap ni Mommy."

" What for?" this time it was Jayvee

" I-I don't know. Pero you guys are all welcome to come with her naman. I know you don't trust me with her anymore kaya para lang di kayo mag-alala sa kanya, you can all come and join her. It's gonna be at Heaven's Gate Columbarium. Around 3pm."

" We'll think about it." sabi ni Kat.

" Yun lang ba?" she added.

" Y-yeah. Uhm . . . yun lang."

" Sige. Pwede ka ng bumalik dun sa fiancee mo." Kat replied emphasizing the word fiancee. May sasabihin pa sana si Bea pero biglang niyang tinikom ung bibig nya saka umalis.

" May fiancee na pala ano pang inaarte nun?"

" If I know. Ate Mads. Di niya ipapaalam na ikakasal na siya kung di pa dumating ung babaeng yun kanina." sulsol ni Deanna.

Second ChanceWhere stories live. Discover now