When my parents left for our future i thought it's the most painful experience that i ever had. Nagkamali pala ako. Ang mga magulang ko lumipad papunta sa Canada para magtrabaho at para mabigyan kami ng maayos na buhay ng kapatid ko.

Sampung taong gulang palang ako noon habang ang Ate Analia ko ay trese anyos palang. Kasama namin sa bahay ang lola namin at siya na din mismo ang nag alaga samin hanggang sa magdalaga na kaming dalawa. My sister has her own coffee shop and it has three branches now. Sobrang successful na siya habang ako naman ay nag aaral pa din at graduating naman na.

Sa mga taong wala ang mga magulang namin natuto kaming dalawa na maging independent. Sa lahat ng magiging desisyon naming dalawa. Wala ni isa sa parents namin ang hinihingian namin ng payo o kung ano. Our lola's presence is enough for us. Wala akong galit o kahit na ano man sa mga magulang namin. Tanging pangungulila lang ang nararamdaman naming magkapatid.

"Aviane.." nag angat ako ng tingin sa kapatid kong nakapamewang sa tabi ko.

Binato ko yung hawak kong tissue at agad na humugot muli ng panibago. I've been crying since last night. Paano ba naman kasi nag break kami nung boyfriend ko. Si Lance. Nalaman ko kasing nagkakamabutihan daw sila nung isang cheerleader sa school namin. Lance is a basketball player and he's a handsome guy. Alam ko namang madami akong kaagaw sakaniya pero pinatulan ko pa din yung panliligaw niya saakin. Ngayon pa't magtatatlong buwan na kaming magkasintahan? Tsk. Humanda talaga yun sakin bukas sa first day of class!

"Ate si Lance! Niloko niya ako with some prostitute in our school! Ang kapal ng mukha niya!" iyak ko.

Binaon ko yung mukha ko sa unan na nasa binti ko. Ibinato ko yung tissue'ng hawak ko at hindi na muling kumuha ng panibago. Meron naman 'tong shirt ko pwedeng pamunas ng luha at sipon.

Hinagod niya yung likuran ko habang tahimik lang na nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Hindi naman maganda yung babaeng yun! Hubadera lang ang gaga. Ang magaling namang gagong yun pumatol dahil lang sa katawan niya. Hindi naman niya ako ininform na mas gusto niya pala ang mga babaeng nagbebenta ng katawan!" panghihimutok ko pa. Ilang ulit kong sinuntok yung unan na hawak ko iniimagine na mukha yun ni Lance.

"He's not worthy your tears Aviane, hayaan mo na't magsama silang dalawa" ani Ate.

"Eh kasi naman Ate eh! Hindi ko alam kung anong mali saakin, maganda naman ako ah. Sexy tsaka ang haba ng buhok ko oh.. why can't they appreciate it? Why can't they stay loyal to me?" i messed with my already messed hair.

"Walang mali sa'yo.. tanga lang sila't pinapakawalan ka nila. Stop crying for some idiot okay?" inalis niya yung mga nakatabing na buhok sa mukha ko.

Ate Analia Rita is one of those woman who knows their worth. Isang beses ko palang siyang nakitang umiyak para sa isang lalaki at yun ay para sa first love niya'ng hindi ko man lang nakilala at nakita. Magkamukha kami ni Ate. Ang malaking pagkaka iba lang namin ay ang mga kulay namin. Maputi at mestiza si Ate habang ako naman ay may natural na tan at matingkad na kulay. I have this latina like beauty. Long straight and shiny hair, tan and glowing skin, and a pronounced curves. While Ate Analia has a mestiza beauty. Kapag nga pinagtabi kami ay magmukukha kaming kape't gatas pero hindi naman ako nainggit. We both have different assets and that's fine.

"The Aviane Mery Diaz that i know is not weak.." she caressed my cheek.

Suminghot ako at agad na tumakbo papunta sa vanity mirror ko para makita ang itsura ko. I look like a mess. A total mess. Puffy eyes, messy hair and a white big shirt on. Tama si Ate hindi ako dapat nagpapa apekto sa mga lalaking 'iyan! Makikita mo ang sinayang mo Lance!

"Ate tara sa mall i need to change my wardrobe.. It's about time to wear something more mature" i winked at her. Naiiling siyang nagpaalam na lalabas na daw siya't para makapag bihis na.

 And Then He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon