2

562 11 0
                                    


Sa buhay nang tao may mga tanong na hindi na kailangan pa ng sagot. Kunting tingin mo lang dito ay sigurado ka na kung ano ba ang naging mali. At kung bakit naging ganito at ganiyan. Lahat tayo may kaniya kaniyang problema at kaniya kaniyang paraan kung paano ito lalagpasan. Mahina ka man o malakas. Matapang ka man o takot. We all face battles in life.

Ako yung tipo nang taong naniniwala pa ding may dadating na isang taong magmumulat sa'ting hindi man totoo ang fairy tales pero totoo naman ang true love. When you find your true love, don't let them go. Kahit na gaano na kayo nasasaktan. Huwag mo itong pakawalan. Because you will lose something in just a blink of an eye.

Nagmamadali akong maglakad papunta sa first subject namin. Sigurado akong nagsimula na yung welcoming remarks nila sa mga bagong estudyante. I always attend but this time i ditched it. Hindi ko nga lang din alam kung nakasunod ba sakin yung mga kaibigan ko. Basta ang alam ko tumakbo ako habang umiiyak.

Naghanap ako ng tamang puwesto at agad na pinatong yung noo ko sa desk at doon na umiyak. Akala ko tapos na akong umiyak. Pero bakit nung malaman ko at marinig ko mismo sa bibig niya ang mga dahilan niya kung bakit niya ako hiniwalayan ay parang bumalik lahat nang sakit saakin. Minahal ko naman talaga yung lalaking yun e. I wouldn't cry if i never loved him. Bakit ba ang bilis nilang isawalang bahala nalang yung pagmamahal ko? Ilang beses na akong naloloko pero bakit ang hirap pigilan ang sarili kong maghanap ulit ng bagong mamahalin?

Biglang umingay dito sa loob. Hudyat na pumasok na din yung iba naming kaklase. Maybe they saw me that's why they became silent for a while. Nakaramdam ako ng ilang presensya sa paligid ko. Kahit naman hindi ako mag angat ng tingin ay alam ko na agad kung sino yung mga yun.

"You should have seen it Aviane.. sinuntok ni Derrek sa panga yung gago mong ex" rinig kong pagku kuwento ni Dianne.

Nag angat ako ng tingin habang sumisinghot. Inayos ni Derrek at Rosie yung buhok ko at tsaka pinunasan gamit ang panyo naman ni Dianne.

"T-alaga? Gaano kalakas?" natawa silang tatlo.

"Sobrang lakas. Napalabas nga kaming tatlo dun e.. " natatawang tugon niya.

"At tsaka hinahanap ka nung taga engineering, remember Jason? Yung nagsayaw sayo nung last year?" tanong naman saakin ni Rosie.

I nodded, "Oo, nasa kaniya naman yung number ko.."

"You know what i think you should stop dating for the meantime.. masyado nang durog yan oh" nginuso ni Derrek yung dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Let her explore Derrek! Hindi naman siya tumatanda ng paatras. Tsaka ngayon lang yan, bukas o sa makalawa naka move na 'yang kaibigan natin" sulsol naman ni Dianne.

"Basta sinabihan ko na kayo ah.. sa susunod na umiyak ka pa hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo, sainyo" tinuro niya kaming tatlo. Dianne just rolled her eyes while Rosie and I just remained silent.

"Anyway balita ko may bagong teacher, sobrang guwapo daw and the best thing here is that he will be our teacher this semester!" sinagi ako ng siko ni Dianne.

"Really? Anong pangalan? Nasa schedule ba natin?" hindi ko alam kung bakit bigla akong naging curious sa bago naming guro.

"I don't know.. mga bagong teachers naman kasi 'yang nandiyan. Hindi ko alam kung nasaan siya diyan" anito. Naglabas siya ng candy at inabutan kami pero umayaw ako. I'm not in the mood.

"Sobrang guwapo daw ba talaga?" i eagerly asked her.

Tumango siya, "Yup.. rinig ko pang pinag uusapan siya ng mga ibang teachers. Single daw tsaka still young" she smiled at me.

 And Then He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon