This is a work of fiction, names,characters,businesses,places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
Do not plagiarize. Please obtain permission ALWAYS.
Date started: July 23, 2019
Date finished: -Prologue
Sa larangan ng pag-ibig hindi naman masamang maging tanga at bobo. Sabi nga nila kung hindi ka nagpakatanga para sa isang tao hindi ka tunay na nagmahal.
Ilang beses man akong madapa sa maling tao heto ako't pinipilit pa ding magpalakas at umasa na sana makahanap na ako ng isang taong kayang ibalik yung pagmamahal na ibibigay ko.
I've been to many relationships but i always fail. I cry and that's it. Every battle that i've faced i only had myself. Sa ilang taon kong paghahanap sa tamang tao wala pa din akong nahanap. Dun ko lang nasimulang mapagtanto na wala pala talagang tamang tao. Ang meron lang ay tamang pagkakataon. Being in love is one of the greatest thing people will feel. Being in love is one of those proof that you're alive. That you're a human. People tend to fail but in the end they still falls in love again but not with the same person. Masakit masaktan. Masakit magago. Masakit magmahal pero mas masakit ang malamang walang nagmamahal sa'yo.
Ilang beses akong napakurap nung ilang beses kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Dun ko lang napansin na sa sobrang lalim ng iniisip ko ay natulala ako. Bumuntong hininga ako at marahang dinampot ang cellphone ko.
I received a message from him. The format and smileys are still there. Nothing change, but only his feelings. Kahit na naka unknown number siya ay alam ko na agad na siya yun.
Him:
I'm sorry for keeping you wait. Nasa labas na ako, i can see you here.
Hindi ako lumingon kahit na isang beses man lang sa labas. Ayokong makita niya na meron pa siyang epekto sakin dahil wala na. Hopefully wala na.
Tunog nang wind chime ang naging hudyat na may pumasok dito sa loob. Nakayuko ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya kahit sa malayo nalang. Ganun pa din naman siya. Guwapo at matipuno. Hindi halata sa mukha at pangangatawan niya na malapit na siyang maging 27. Yung buhok niyang laging maayos. Yung mga mata niyang lumiliwanag lalo na kapag natatamaan ng liwanag. Yung ilong niyang sobrang tangos na mas lalong tumatangos pag naka side view siya. At yung labi niyang ilang beses ko ding nahalikan.
Everything went to slow-mo. The way he brushed his hair using his fingers. The way his sweats rolled down his forehead. Habang patagal nang patagal ko siyang tinitignan ay mas lalo akong nakakaramdam ng panghihinayang at kirot. Inaalala at pilit na sinisiksik sa utak ko yung mga ala-ala naming dalawa. Nung may kaming dalawa pa. He was so consisted before. Sweet siya at napaka charming. He can make me smile every time i feel so down and i will always cherish every damn moments we had. Every laughters. Every cries. Everything is just a memory now.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong niya sakin. Buti pa siya nakakayang umasta na parang wala lang nangyari. Sana kasing tapang at lakas ko din siya.
"H-indi naman.. you're just in time" anang ko.
Nung tuluyan na siyang makaupo sa upuan sa harapan ko ay mas lalong sumikip ang dibdib ko. He looks very fine. Unlike me. Siguro ay professor pa din siya. Wala na kasi ako naging balita sakaniya nung after ng graduation namin sa college.
"Do you want to order something? My treat" ngumiti siya saakin. Yung ngiti niya ganun pa din. Yung ngiti niyang naging dahilan kung bakit ako nahulog sakaniya noon.
Umiling ako sakaniya dun lang nawala yung mga ngiti niya. Ayoko na sana siyang makita pa pero meron lang akong gustong malaman. And i've been thinking about this for the past five years.
"This won't take long.." umayos ako sa pagkakaupo. He clenched his jaw. Now he looks frustrated. "I just want to ask you this question for the last time" mas naging seryoso na siya ngayon.
I smiled sadly at him, "Why did you cheat on me?"
BINABASA MO ANG
And Then He Cheated
Dla nastolatkówMahirap magtiwala ulit lalo na kung nasaktan kana noon. People usually doesn't want to feel the same pain they've felt before. We all got hurt. We all cry. Aviane Mery Diaz is a perfect example of trial and error. She got hurt so many times but s...