Madaming tao sa library nung dumating kami ni Dianne. Mabuti nalang ay nakapag reserve na nang upuan at table yung mga kasama namin. Amy, one of my member waved at us. Tinuro niya yung dalawang monobloc chair sa gitna nilang apat.

"Sorry ngayon lang kami" i smiled at them.

"Okay lang Aviane, naentertain naman kami kanina" sabi ni Amy saamin.

"What kind of entertainment? How?" kuryusong tanong ni Dianne sakanya.
"Grabe hindi kayo maniniwala dito, si Lorna at Mersy nag away kanina dito.. dahil daw kay Ruby"

"Eh bakit naman daw?" i eagerly asked wanting to hear more.

"Kinalat daw ni Ruby yung nude pictures ni Mersy pero ang tinuro niyang nagpakalat nito ay si Lorna. Siyempre nagalit si Mersy kay Lorna kaya umabot sa sabunutan yung kanina.. hindi man lang umawat yung impaktang yun! Kawawa yung magkaibigan" wala talagang nagagawang matino yung babaeng yun!

"If i were Mersy and Lorna, imbes na mag away kami? Pagtutulungan pa namin si Ruby para matuto naman yung malanding yun!" Dianne rolled her eyes.

"Ewan ko ba dun, balita ko pa nga ay malaki daw ang inggit nun kay Aviane kaya ginawa niya ang lahat para maagaw si Lance" dagdag pa ni Amy.

"She will never be Aviane kahit agawin na niyang lahat ng lalaki dito.. hindi niya mapapantayan o mahihigitan si Aviane no" Dianne started to bragged about my beauty and everything. Habang ako naman ay tahimik lang na nanlulumo dahil sa kakapalan ng mukha niya.

"Mismo! Tignan mo naman oh, pakaganda!" napalakas yung pag palakpak ni Amy kaya nasita kami ng librarian.

"Mabait tsaka matalino! Saan ka pa?!" segunda naman nung isa ko pang kagrupo.

"Tama na yan guys, start na tayo sa pagplano.." i silence them and started talking about my plan.

Nakinig sila saakin at paminsan minsa'y nagtatanong o di kaya nama'y nagsa suggest ng kanilang mga ideya. We all agreed na sa lansangan nalang kami titingin ng pasyente o yung mga may karamdaman na hindi kayang bayaran ang gastusin sa hospital. We will offer a free check up for one month and see if there will be a progress on their health. Nasa saamin na din kung bibigyan namin ng something na pwedeng makatulong sakanila kahit kunti.

"Gagawa ako ng gc mamaya.. i'll add you later tapos dun nalang din natin pag usapan yung mga hindi natin naidiscuss"

"Sige una na kami Aviane, Dianne" paalam nila. We only nodded our heads.

Inayos ko yung laman ng bag ko at nag reapply ng lipstick bago ko hinarap si Dianne na abala din sa paglalagay ng pulang lipstick niya.

"Nagtext si Derrek nood daw tayo ng try outs sa gym.." ang laki niya ng ngiti niya saakin.

Sinalubong kami ng malalakas na hiyawan galing sa mga estudyante sa loob. Dahil dun ay mas binilisan namin ang paglalakad ni Dianne. Rosie even texted us that she already reserved a seat for us. Sa bleachers daw pero sa malapit sa upuan ng mga magtra try out at yung mga dating players dati that includes Derrek as their varsity player.

Halos lahat siguro ng college students ay nandito para makapanood ng game. Hindi pa naman nag uumpisa yung totoong game pero may kanya kanya na silang gusto. Nakita ko si Derrek na nakangiting kausap ang isang lalaking nakatalikod saamin. Siguro ay yung coach nila. Dumiretso kami sa lugar kung saan nakapwesto si Rosie. Hindi niya kami agad napansin kasi nakayuko ito at may kinakalikot sa cellphone niya.

"Ang daming magtra try out ngayon ah! Wow" Dianne amazingly roamed her eyes inside.

"Nandiyan na pala kayo" dun lang nag angat samin ng tingin si Rosie. "Puro freshman at second year, wala ata sa third year" dagdag niya.

 And Then He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon