Monday. Like a typical student I woke up early to prepare for school. Wearing my clean and ironed uniform I went out to join my family for breakfast. Ate Analia is busy with her orange juice while lola is on its usual seat reading some newspaper again. That's her routine every morning.

"Good morning earthlings" I kissed their cheeks and sat on my seat.

"Mom called, she said she already wired your allowance for this week. I check mo nalang daw" ani Ate Analia.

"May pera pa ako sa wallet pero I'll just check when I have time" tugon ko dito. She nodded at me.

"Blooming ka Aviane ah, may boyfriend kana ulit?" tanong saakin ni Manang Grace.

I grimaced,"Ate! Pag blooming may boyfriend agad? Hindi ba pwedeng fresh lang talaga ako?"

Tumawa siya,"Alam ko hindi ka gumamit ng blush on pero namumula ang pisngi mo. Hindi ka din naman nag highlighter kaya natural glow yan" pakiramdam ko mas namula ako. Totoo yung sinabi niya walang kahit na ano akong linagay sa mukha ko liban nalang ang isang nude na lipstick.

"So who's the lucky guy?" panggagatong naman ni Ate. I rolled my eyes on them.

"I have no one Ate, ano ba? Magsasabi naman ako kung meron e this time wala"

"Hmmm okay if you say so" kibit balikat niya. Inirapan ko siya at pinagpatuloy nalang ang kumain.

Maaga pa nung makarating ako sa iskwelahan. Kaya imbes na tumunganga ako sa room namin ay dumiretso nalang muna ako sa main library. May iilan na din akong nakasalubong na kakilala. Just like what I always do I just give them a friendly smile.

"Hi Aviane, ganda natin ah" ngumisi saakin si Paula, isang tourism student. Isa siya sa mga common friend namin nina Dianne.

"Tsk, wala na bang iba?" Biro ko pa na siyang ikina ngisi niya lalo.

"Kaso wala ka nang boyfriend" tumawa kaming dalawa.

"Whatever Paula" inismiran ko siya nung marahan niyang haplusin yung braso ko.

"Sabi ko naman sayo si Jonas nalang e! Ayun naghihintay pa din sayo! Haba ng hair mo girl" banggit niya dun daw sa isang kaklase niyang lalaki na matagal nang may gusto saakin. Hindi ko pa yun nakikita kasi may nobyo naman ako nung mga panahong ipapakilala na saakin ni Paula yung lalaki.

"Pass muna ako girl.. ayokong mawasak na naman ito" tinuro ko yung dibdib ko kung saan naka pwesto yung puso ko.

She rolled her eyes on me,"You should go with me sometimes.Ipapakilala kita sakanya, trust me he's a nice guy"

"Basta pag isipan ko muna"

"Oh siya sige, mauna na ako.. see you around" nakipag beso beso ako sakanya.

Alas nuwebe ang unang klase ko. Alas siyete palang kaya nagdesisyon akong matulog na muna sa library o magbasa nalang ng libro. The librarian greeted me as I enter the library. I got a nice spot beside the window. Buti nalang pala talaga ay maaga ako. May nakuha akong parang cabin style na upuang pwedeng mahigaan. May limang ganito lang dito at swertehan kung mauuna ka. It's a small space but it can fit one person in a lying position. Tinanggal ko muna yung white shoes ko at umakyat sa tatlong baitang na hagdan nito. It also has two clean pillows that we can use.

Nakinig ako ng music sa cellphone ko habang nagbabasa ng libro. Advance reading is really a nice help while you're in college. Magiging sandata mo ito sa ibang pagkakataon. It is better to be ready that to look stupid in front of your classmates. Mahina kong sinabayan yung nagple play na kanta sa cellphone ko.

 And Then He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon