20

566 14 0
                                    

Inalalayan ako ni Rosie hanggang sa kuwarto niya. Nakita kami ng mama niya at laking pasasalamat ko nung hindi siya magtanong tungkol sa pag iyak ko. We just smiled at each other and let us go.

Tahimik at tulala akong umupo sa dulo ng kama ni Rosie. I stared at my hands that are still shaking. I clenched my fist and gritted my teeth.

"Nathan's calling," Rosie informed me.

"Answer it but don't tell him that I'm here with you" tugon ko.

Hindi ko hinayaan ang sarili ko na marinig ang anumang pag uusapan nila kaya mas pinili ko nalang na dumiretso sa banyo niya para makapaglinis na ako ng katawan ko. Rosie gave me an extra sleepwear.

Walang buhay akong gumalaw at pilit na inaalala ang mga nangyari ngayong araw. Una, yung pananakot saakin ni Jason. Pangalawa, yung pagkompronta saakin ni Cristy. Pangatlo, yung nalaman kong may relasyon ang kapatid ko at ng nobyo ko. This day is too much and it's making my head spin.

I took thirty minutes inside the comfort room. I went out when I've already freshen up. Nakita ko si Rosie na halos hindi mapakali sa kama niya. Nataranta pa siya lalo nung makita akong palabas.

"A-viane!" she is panicking.

"What is it?" takang tanong ko. Kinakabahan din ako sa kung anong sasabihin niya.

"He's in your house, ang sabi niya hindi daw siya aalis dun hangga't hindi ka pumupunta. He's also drunk" aniya.

"Let him be," tanging tugon ko sakanya.
"Matutulog na din ako, tabihan mo ako ah? I need your comfort" I smiled at her.

Nagtalukbong ako ng kumot niya at pinilit ang sariling matulog. It was hard at first but I survived it.

Nagising ako sa kakaibang tunog na galing sa kung saan. Nag inat ako at dahan dahang nagmulat ng mga mata. Agad na bumungad saakin ang nag aalalang mukha ni Rosie kasama si Dianne na nakabihis na.

"What the hell?!" umayos ako ng upo at medyo linayo ang sarili sakanila. Ako nalang kasi ang hindi pa nakakaligo.

"Aviane, papasok ka ba?" nag aalalang tanong ni Dianne saakin.

"Yes," I simply said.

That's my initial plan, in order to move on fast I should still face him. Even if it hurts me so deep I must not exclude myself from the problem.

"Sa tingin ko huwag na muna," Rosie said. I gave them a 'what do you mean look'

"Everyone already knows about your relationship with Nathaniel"

"H-ow?!" sa tingin ko mas lalong sumakit ang ulo ko. This can't be happening in two consecutive days right?

"Ewan ko, I asked some common friends and they told me it came from an unknown source" malungkot na sagot ni Dianne.

Sinapo ko ang ulo ko at marahang hinilot ang sentido. I don't want to blame Jason but my gut feeling is telling me to do so. He's the only person who threaten me about spreading it.

"Two pictures of you hugging Nathan, those were clear. Kitang kita ang mukha mo," ani Rosie.

Mas lalo akong kinabahan nung ipakita niya mismo saakin yung mga larawan namin ni Nathan. It was also posted in our university files. I can't help but to read some of the comments.

For real?
Oh my gosh! Aviane, why?
Naku, sabi na e malandi yan!
Sayang silang dalawa!
Bagay pa naman sana si Sir at si Ms. Cristy!
Now I know why guys break her heart, Malandi e.

 And Then He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon