Last night na nung magdagsahan ang mga tao. Mga kakilala, kaibigan at iba pang malapit sa pamilya namin. I'm wearing a black chiffon longsleeves dress and my hair is tied into a messy bun. Hindi ako naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha.Alas sais palang ay puno na ang sala namin kaya kinailangan nila Mama na buksan ang backyard namin. Nandun ngayon yung mga kalalakihan dahil andun din yung bar counter. Lumapit ako kanila Dianne at sa iba pang mga kakilala.
"Thank you for coming," I smiled at them one by one.
"Ano ka ba, Aviane. You're our friend" ngiti saakin ni Amy.
"Thank you" I genuinely smiled at them.
Isang oras ang nakalipas nung dumating na din yung bandang rinentahan namin para ngayon. Nanatili ako sa tabi ni Mama habang pinapakinggan yung mga mensahe ng mga kaibigan ni Lola. My tears came when they talked about how kind and sweet she is. Agad akong nag angat ng tingin nung may tumapik sa balikat ko. I saw Chester looking at me sadly. It was written all over his face.
"Condolence, Ate" aniya.
"Puwede ba kitang yakapin?" magalang niyang tanong. Tumango ako at sa balikat niya mas lalong bumuhos ang mga luha ko.I found a friend in him. I don't know but everytime I see his smiling face it always send me a positive effect. He's like the brother I didn't have.
"Sorry, nabasa ko yung damit mo" humiwalay ako sakanya at nahihiya siyang tinignan sa mata.
He chuckled,"Okay lang, Ate. Kahit pamunas mo na din ng sipon mo ayos lang saakin"
"Tsk, gago" he laughed.
Mugto ang mata ko nung gumising ako kinabukasan. Hindi katulad nung mga nakaraang araw ay tamad akong gumalaw. Hindi ko ininda ang oras dahil parang ayoko nang lumabas ng kuwarto ko. The moment I step out of my room I have to finally let my grand mother go. Masakit saaking gawin yun pero wala akong magagawa dahil lahat naman ng mga tao ay dadating sa puntong yun. It just so happen that she went to her home first.
Itim na dress ulit ang suot ko ngayon, hindi kagaya kahapon ay mas hapit ito sa katawan ko. It's lacy top body hugging dress. Na pinaresan ko lang ng itim na dollshoes. Naglugay lang ako at naglagay ng lipgloss bago tuluyang lumabas ng kwarto. Bawat hakbang na ginagawa ko ay ramdam ko ang pamimigat ng dibdib ko. The corner of my eyes are starting to heat.
Aligaga ang lahat pagkababa ko. Nandito na halos lahat ng mga kamag anak at kaibigan ng pamilya namin. Dianne immediately hugged me when she saw me. Pati sina Rosie at Derrek ay hindi naiwasang mapaluha lalo na nung magsimula na ang mga tradisyon kapag may patay. Si Mama at yung mga kapatid niya ay nakasuot ng mga belo. Habang kaming mga apo at pamangkin ay may itim na pin na nakasukbit sa mga damit namin.
When we started walking I felt like I'm gonna lose my consciousness. Sobrang bigat ng aking paghinga dahil na din sa pag iyak. Dianne and Rosie keeps on caressing my back while crying with me too. Mas pinili naming maglakad dahil halos lahat kami ay tila ayaw pang mamaalam sakanya. Everyone loves her, who whouldn't. She's one of the most amazing woman I have ever met. And now that she's gone I don't know how to continue my life.
Everyone's crying especially when we arrived at the cemetery. A big tent was placed near the land we bought for her. When my mom gave her last message I started to sob until I'm out of breath. Kanina pa ako pinapainom ng mga kaibigan ko. Takot na mawalan ako ng malay. My name's been announced and every step I'm taking is so heavy. I breathed harshly. Narinig yun ng lahat lalo dahil nakaharap na saakin ang mikropono.
"H-ello.." I paused when I felt my heart clenched.
"I just want to thank everybody who came here today. For the information of everybody, I grew up with my Lola that's why it's so hard for me to talk in front of you without crying. She's so kind and sweet especially to her family. She's my human diary, my best friend and my second mother. La, if you're here today I just want to say thank you so much for taking care of us while our parents are away. Thank you for always giving me the advices I needed while I'm growing up. I love you so much and till we meet again.." iyak ng iyak sila Mama nung matapos akong magsalita.
BINABASA MO ANG
And Then He Cheated
Novela JuvenilMahirap magtiwala ulit lalo na kung nasaktan kana noon. People usually doesn't want to feel the same pain they've felt before. We all got hurt. We all cry. Aviane Mery Diaz is a perfect example of trial and error. She got hurt so many times but s...