Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya. Kahit naman ganun ay napansin kong mas magaling siyang mag explain ng mga lessons namin kumpara kay Mrs. Santiago na halos matulog kaming lahata dahil sa bagal at boring niyang skills. Sa mga ginagawa niya ngayon ay mas lalo siyang nagustuhan ng mga kaklase ko. Even Derrek keeps on complimenting her that I almost disagree. Pasikat!"Ma'am nakita ka namin kasama si Sir Corpuz kanina. May something ba?" Intrigang tanong nung isa kong babaeng kaklase. Ow shit I think my ears became interested on this thing.
Namula yung pisngi niya at halatang halata yun kasi maputi siya. Napakuyom ang kamao kong nasa ibabaw ng lamesa ko.
"H-uh w-ala ah.. college friends kami kaya sinamahan niya ako kanina" mas lalong namula ang mukha niya.
"Eh bagay kayo Ma'am eh! Wala bang chance yan?" sulsol pa nila. Sige lang, asarin niyo pa. Bwisit.
She just smiled at us widely,"Guwapo si Sir niyo and very sweet and gentleman. He's a boyfriend material" pashowbiz pa niyang tugon. Hindi pa lang niya dineretso.
"So meron nga ma'am?"
"Ang babata niyo pa chismosa na! Hahaha, let's just continue okay?" pang iiwas niya sa topic.
Suminghap ako at bored na tumingin sa babaeng nasa harapan namin. Even in the side angle she still looks pretty. Is she aware of that?
"Let's see each other again next meeting.. ingat sa pag uwi class" she smiled at us. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapairap. Ilang beses na ba akong umirap ngayong araw?
"Uwi na kayo agad? Hindi ba kayo nagugutom? Kain muna tayo" suhestyon ni Rosie. We all agreed to her before walking out of our room.
Nakasalubong pa namin si Nathan pero ni isang sulyap ay hindi ko ibinigay sakanya kahit na kating kati akong salubungin ang mga mata niya. I don't really get boys when after they've confessed their feelings for some girls they will start to neglect our feelings. Sabi niya gusto niya ako pero parang hindi naman niya pinapanindigan. Oo, sinabi ko sakanyang huwag siyang masyadong touchy kapag nasa school kami pero hindi ko naman sinabing iwasan at maghanap na agad siya ng iba na kaya niyang iharap at harutin sa harap ng madaming tao. That's just bullshit.
Hindi pa kami nakakalagpas sa pwesto niya kanina nung tawagin niya ako sa last name ko. Kahit na ayokong makita at lingunin siya ay kinailangan ko para ipakitang civil pa din ako sakanya.
"After all your class, come to the faculty may ibibilin ako" pinal na saad niya.
I raised an eyebrow, "Uuwi na ako after naming mag mirienda. Sabihin mo na ngayon" I didn't address him because I think it's just fine to do it.
Dahan dahan siyang tumango,"Sige bukas nalang" anito at nagmamadaling tumalikod para maglakad paalis. Umirap ako at naglakad na kasabay ang mga kaibigan ko.
"Ay, may ganun na? Anyare sainyong dalawa?" tanong ni Dianne sakin nung makaharap ko na sila sa table namin dito sa canteen. Naiwan kaming tatlong mga babae habang si Derrek naman ay umoorder.
"Wala" tanging sagot ko. Wala naman kasi talaga.
"Parang meron e, is this about that substitute teacher?" tanong sakin ni Rosie.
"Hindi, wala lang ako sa mood" tugon ko pa.
"Hmm, I doubt that. You don't look okay since this morning" puna pa ni Dianne. Wala talaga akong maitatago sa mga kaibigan ko.
"I just don't understand why he still flirts with some girls after telling me that he likes me. Hindi ba naman siya gago e" gigil na saad ko.
"Baka naman kasi magkaibigan talaga sila tsaka tanungin mo siya kung seryoso ba talaga siya sa sinabi niya sa'yo" Dianne inquired.
BINABASA MO ANG
And Then He Cheated
Teen FictionMahirap magtiwala ulit lalo na kung nasaktan kana noon. People usually doesn't want to feel the same pain they've felt before. We all got hurt. We all cry. Aviane Mery Diaz is a perfect example of trial and error. She got hurt so many times but s...