Nakangiti akong pumasok sa loob ng hospital. Excited kasi akong makatabi ulit si Lola. Hindi ko na alam kung kailan yung huli naming pagtatabi sa kama. I'm sure she would love the idea. I was still smiling in the hallway when I saw how the doctors and nurses run to the direction of where I'm going.
Biglang nawala ang aking mga ngiti nung makita kung saang kuwarto sila pumasok. Ate's waiting outside and was crying. Nathaniel's comforting her. I run towards my grandmother's room and tried to break in but the nurse stopped me.
"What the hell! Papasukin niyo ako, I need to see my grandmother!" pilit akong pumasok pero masyado silang malakas kaya wala akong nagawa nung maitulak ako palabas.
"Aviane, calm down" tinulak ko siya nung subukan niyang lumapit saakin.
"Lumayo ka saakin!" gigil ko siyang tinignan. Hinarap ko si Ate at saka siya tinignan ng masama.
"What is happening to Lola?""Papakainin ko na sana siya pero bigla nalang siyang nahirapang huminga. She was crying while out of breath" humagulhol siya.
Napasandal ako sa pader malapit sa pintuan nung marinig ko yun mula sakanya. The last thing I would accept is losing my grand mother. She's my best friend and my second mother. Pumikit ako at tahimik na nagdasal. Please. Please. Help my grand mother.
Mabilis akong tumayo nung marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa tabi ko. Two doctors went out. My heart started to race while looking at them.
"I'm sorry, we did everything to revive her but her heart already stopped from beating. I'm sorry" tumungo sila.
"No!" sigaw ko. Galit ko silang tinignan.
"Hindi puwede! I know you can do something! Please, balikan niyo po ang lola ko. Sige na. Please" humawak ako sa kamay nung lalaking doktor."I'm so sorry Miss but we did everything we can do" aniya.
Bumitaw ako sakanya at mabilis na pumasok sa loob. Nung makita kong natabunan na siya ng kumot niya ay mas lalo akong humagulhol. Wala akong pakealam kung may makarinig saakin na umiiyak basta ang gusto ko lang makita at mayakap ko siya.
I slowly remove the sheet covering her face and body. When her face finally revealed to me, I immediately caressed her cheeks. Kanina lang okay pa siya e. Kanina lang nginitian pa niya ako. She was so excited to see me! Magtatabi pa kami dito sa kama niya.
"L-a" my voice cracked.
"Why did you left me? Ikaw nalang yung kakampi na meron ako. Bakit, ngayon pa? Bakit ngayon pa na kailangan na kailangan kita? Lola, please come back" binaon ko yung mukha ko sa leeg niya at doon humagulhol."I'll f-ix the bills and some other stuffs" narinig kong sabi ni Ate habang humihikbi.
Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang gawin ang dapat niyang gawin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod na ako at ako na mismo ang tumigil. I was not also prepared when some people carried my grand mother in the morgue.
DALAWANG araw na akong tulala habang nakaupo sa tabi ng kabaong ni Lola. Ate and Ate Grace keep on reminding me to eat but everytime I try I always fail. Palagi ko kasing nakikita si Lola sa hapag kainan. Palagi kong naririnig yung boses niya kahit saang lugar ako pumunta dito sa loob ng bahay namin. My parents will also be here later at night. Nathaniel's been here since the first day. Umuuwi lang siya kapag maliligo siya. Hindi kami nag uusap pero alam kong palagi siyang nagtatangkang kausapin ako.
Bibisita din ang mga kaibigan ko kasama ang ibang kaklase at schoolmate ko bukas. Isang linggo kasing magtatagal ang burol niya dahil magsisidatingan pa yung iba naming kamag anak na galing sa abroad at mga probinsiya.
BINABASA MO ANG
And Then He Cheated
Teen FictionMahirap magtiwala ulit lalo na kung nasaktan kana noon. People usually doesn't want to feel the same pain they've felt before. We all got hurt. We all cry. Aviane Mery Diaz is a perfect example of trial and error. She got hurt so many times but s...