Naghintay pa ako ng tatlong minuto para pakalmahin yung sarili ko bago ako nagdesisyong sumunod na sa mga kaibigan kong nasa canteen. Madadaanan ko ang field kapag pupunta akong canteen kaya kahit na ayoko sanang makita ng kahit na sino ay hindi ko na yun naiwasan pa.
Lalo na nung muntik na akong matamaan nang bola. Napasigaw ako dahil sa gulat. Pati yung ibang estudyante na nakatambay dito ay napahiyaw din. I thought the ball will hit my face. I was composing myself when some freshman appeared in front of me. He's using a jersey of the soccer team. Nung kagaya kay Jason."Okay ka lang Ate?" he asked me sincerely.
Tinignan ko siya sa mukha. He looks like an anime straight from the books. May kulay brown siyang buhok. Medyo chinitong mga mata. Manipis at matangos na ilong at labing namumula dahil sa pagkaka kagat nito.
I blinked twice, "Y-eah" i lazily said.
"Mariano!" sigaw nung mga kasama niya. Lumingon lang siya ng ilang saglit bago ako liningon ulit.
"I'm Chester, nice to meet you Ate Aviane" inabot niya sakin yung kamay niya. I awkwardly smiled at him before accepting his hand.
"You know me?" nagtatakang tanong ko. His cheeks turned into pale pink. Napakamot siya sa batok niya.
"Who wouldn't know someone as beautiful as you?" he bit his lower lip. I chuckled.
"No, dont say that.. nice to meet you too" nginitian ko siya'ng muli. Ewan ko ba, naaaliw ako sakaniya.
"Mariano, lagot ka kay Kuya!" sabay kaming napalingon sa likod niya. Naghihintay na sakaniya yung mga team mates niya.
"Hanap kana ata nila, you should go may lakad din ako" tumango ako sakaniya.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya bagkus ay nanatili siyang nakatitig saakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"I saw you yesterday but i didn't have the chance to approach you because you're with your friends.. and look at us now, i'm finally talking to my crush" his smile is wide.
"Hoy Mariano, tatanggalin kana daw nila coach kapag hindi ka pa bumabalik dito!" lumapit na saamin yung isa niyang kasama.
"You should go Chester, nice to meet you again. Bye" kumaway ako sakaniya at deretsong naglakad papunta sa destinasyon ko.
Nung makarating ako sa canteen ay meron na silang naorder na pagkain para saakin. Tamad akong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Dianne.
"So kumusta maka one on one si Sir?" nagtaas baba yung kilay niya.
"Nakaka pressure" tugon ko. Sumimsim ako sa fresh orange juice na nasa harap ko.
"Ano ba'ng sinabi niya?" Rosie asked me curiously.
"He asked me about the real reason why i didn't attend his class" i shrugged my shoulders.
"Ano nama'ng sinabi mo?" Derrek joined the interrogation being made by Dianne and Rosie to me. Napairap ako.
"Sinabi ko yung totoo alangan namang magsinungaling pa ako eh alam naman niya yung rason talaga" i took a bite to my cheeseburger.
"Did he warned you?" Tumingin ako kay Dianne at tsaka dahan dahang tumango.
"First and last ko na daw to, sa susunod hindi nalang daw detention ang parusa ko" lumaylay yung balikat ko.
To be honest ngayon palang talaga ako napahiya ng ganito sa apat na taon kong nandito sa iskwelahan. My teachers before are understanding and they barely let students go to detention. Ngayon palang. Kay Sir Corpuz palang at talaga namang nakakahiya kasi ako pa talaga ang naunang parusahan nang ganun.
![](https://img.wattpad.com/cover/195405673-288-k807944.jpg)
BINABASA MO ANG
And Then He Cheated
Teen FictionMahirap magtiwala ulit lalo na kung nasaktan kana noon. People usually doesn't want to feel the same pain they've felt before. We all got hurt. We all cry. Aviane Mery Diaz is a perfect example of trial and error. She got hurt so many times but s...