Part Thirteen: Date, Marry, Kill?

772 33 6
                                    

Narinig ni Armie ang pag-ubo sa may kaliwa niya at nasulyapan niya si Salvacion na nagpipigil ng tawa. Gusto niya sana itong irapan ngunit sa halip ay ngumiti siya kay Yasmin. "Lalaki po ang gusto ko." Lalaking-lalaki, actually, anang isip niya.

"Okay! You know what, when I'm bored out in the public, I play this game called 'Date, Marry, Kill'. Basically what I do is look at a guy, then decide if I want to go out on a date with him, marry him, or kill him. Like that! Easy-peasy right?"

Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Hindi niya inaasahan ang malakas na personalidad ni Yasmin. Buong akala niya ay mahinhin itong babae at hindi makabasag pinggan. At mukhang nagkamali siya ng assessment dito.

"Game! Let's start with that hottie na naka-white shirt and skinhead. Her reminds me of Derek Ramsey. I say I'd date him! I like sporty, buff guys! All of my exes played a sport of some kind. You? Date, marry, or kill?"

Sinakyan na lamang niya ang gusto nito. "Hmm. I'd kill him."

"Whaaat? Why?"

"Gwapo ta's maganda katawan? Siguradong maraming pinaiyak na babae 'yan."

"Really?!"

Tumango siya. Napakibit-balikat na lamang si Yasmin. Pagkatapos ay muling umikot ang mga mata nito sa lalaking naroroon sa waiting area. "How about that long-hair guy near the window? Yung may professional looking camera na nagpi-picture? I'd date him too! I'm not really into artsy people, but he's too cute to kill, too boring to marry."

Gusto na niyang sabihin kay Yasmin na nakikinig ang buong team sa usapan nila, pero hindi naman niya pwedeng gawin iyon. Tanging siya lang kasi ang required na palaging naka-on ang mic ng earpiece na meron ang lahat sa kanila at nagsisilbing communication and listening device ng buong Task Force Barbie. Ang ibang members ng team ay pwedeng i-on lamang ang mic kung may sasabihin na kailangang marinig ng lahat.

Sinulyapan niya si Mac na naka-pwesto 'di kalayuan sa kanila na naka-itim na baseball cap, headset at may laptop na naka-patong sa mga hita nito. Hindi niya alam kung talagang may tina-type talaga ito o nagkukunwari lang para magmukhang busy. Natuwa kaya ito nang marinig na gusto ni Yasmin ang lalaking may sports?

"So, Patty... Date, marry, or kill si Mister Photographer?" untag ni Yasmin sa kanya.

Ikiniling niya ang ulo at nagpalipas ng ilang sandali bago sumagot. "Date lang. Hindi kami kayang buhayin ng pagpipicture-picture niya, kung 'yun talaga ang ginagawa niya sa buhay."

"I agree to that. But the way you said it is kinda harsh, ha?"

Natawa siya. "Eh, ang harsh din naman ng ginagawa natin, 'di ba? Base lang sa itsura ng lalaki nagdedesisyon tayo kung—"

Pinutol ni Yasmin ang sinasabi niya. "Sige nga, how about that guy na naka-itim na baseball cap, yung naka-headset, and may laptop sa lap niya? Date, marry or kill?"

Nakanganga siyang bumaling rito. Seryoso ba ito? Si Mac Sandejas ang itinuturo nito! Narinig niya ang muling pag-ubo ni Salvacion sa bandang kaliwa niya. Nang tingnan niyang muli si Mac ay napatigil ito sa pagtitipa sa laptop nito. At bilib siya sa self-control nito na hindi mag-angat ng tingin sa direksyon nila ni Yasmin kahit alam niyang alam nito na siya na ang pinag-uusapan nila.

"S-Seryoso ka?" tanong niya kay Yasmin.

"Yup, yup! Date, marry or kill? You go first, since ako naman nauna kanina."

"S-Seryoso ka talaga?" ulit niya.

Tumawa ito ng malakas. "Yes, , oui! I'm waiting for your answer, dali. Or is it just me who's waiting for it?" Sa kinang ng mga mata nito, mukhang alam naman nito na nakikinig ang buong team sa pinag-uusapan nila. Bakit nga ba niya naisipang maliitin ang alam sa kanila ng mismong anak ng NBI Director?

"Ahmm. A-Ano. Ahmmm." Tahimik ang lahat sa communication device nila.

"Just answer the question, Mananquil. Get it over with," ang narinig niyang seryosong boses ni Mac sa earpiece niya. Nang sulyapan niya ito ay nakita niyang kunyaring nakikipag-usap ito sa cellphone.

Napalunok siya. "Ahmm. D-Date?"

"Why just 'date' him?"

"Ahmm. M-Mukha naman siyang... M-mabait?" Pagkasabi noon ay nakarinig siya ng ilang mga pang-aasar na salita sa earpiece niya.

Muling tumawa si Yasmin ng malakas. "Oh, okay! Ako, I'd kill him."

Napanganga siya sa sagot nito. Narinig niya ang muling pag-ubo ni Salvacion sa pwesto nito. Muling natahimik ang buong Task Force Barbie sa earpiece niya. Alam niya ang hinihintay ng mga ito. Tinanong na niya si Yasmin. "K-Kill him? B-Bakit naman?"

"'Cause he's the guy my dad wants me to marry," Ngumiti ito sa kanya, pero hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon. "So if I have to kill him just so I can marry the guy I truly love, I'd do it."

Ibinuka niya ang bibig para sana mag-react sa sinabi nito ngunit sumaktong nag-announce na pwede nang pumunta sa gate number ng flight nila. Tumayo na si Yasmin at kinuha ang mga bag at gamit na h-in-and carry nito. Nang sulyapan niya si Mac ay nag-aayos na rin ito ng gamit. Ngunit ang pagtitiim bagang nito ay hindi nakaligtas sa paningin niya.

Wala sa sariling napahawak siya sagitnang bahagi ng dibdib niya. Bakit parang humahapdi iyon sa pakiramdam niya?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

[A/N: I learned about the game 'Date, Marry, Kill' in an interview done by Preen.ph kay Bea Alonzo.. She said she'd 'Marry' JLC daw.. huhuhu. Anyway,  lately ko na lang nalaman na may variation pala ng game na ito-- there's 'Kiss, Marry, Kill' and the more SPG one na  'F*ck, Marry, Kill.' Sayang lang na neto ko lang nalaman 'yung tungkol sa variations, this scene would've been better siguro. I'll probably use it in another story siguro.  -AJ]


The Queen of ShieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon