Part Nine: Saving Armie

828 36 12
                                    

ABALA si Armie sa paghuhugas ng pinagkainan niya habang nakikinig sa compilation ng mga Question and Answer videos mula sa iba't ibang beauty pageants, kasama na ang Miss Universe at Miss World, na pinapalabas sa TV ng condo nang nakatodo ang volume. Kay Piper iyon galing, at assignment niya ang panoorin iyon at i-critic ang sagot ng mga babae, at kung paano pa raw niya iyon mai-improve. Paulit-ulit lang naman ang iba sa mga tanong. At sa totoo lang, napapalastikan siya sa karamihan ng mga sagot—

"You really need to wear high heels while washing the dishes?"

Muntik na niyang mabitawan ang hinuhugasang plato. Nalingunan niya si Mac na nakasandal sa cabinet nito na nakapagitan sa salas at komedor, nakatingin sa mga paa niyang may suot-suot na five-inch heels. Alam naman niyang mukha siyang tanga sa suot niyang maluwag na walking shorts at t-shirt, pagkatapos ay naka-heels siya. Pero malay ba naman niyang uuwi ito ng maaga?

"And make-up's necessary, too?"

Napangiwi siya. "Sorry naman. Nagpa-practice lang. Sabi kasi ni Ate Piper, isipin ko daw na kadugtong na ng paa ko 'tong high-heels—"

"No need to explain. I'm glad you're really taking your training seriously."

'Glad' daw eh mukha nga itong makikipaglamay? Iniba na lamang niya ang usapan. "Uhm, kumain ka na, Kuya Mac? May natira pa sa niluto kong adobo—"

"I've had dinner, thanks. And can I lower down the TV's volume?"

"Ay, oo nga, sorry! Kaya ko hindi narinig pagdating mo, eh. Wait lang, ako na..." Naghugas siya ng kamay para mawala ang dishwashing liquid na nakakapit doon bago nagmamadaling tinungo ang salas. Nilagpasan niya si Mac sa pwesto nito nang bigla siyang madulas!

"Ay kabayong bakla!" Nakapikit na inihanda ni Armie ang sarili sa pagbagsak sa sementadong sahig. Ngunit sa halip na inaasahang pagsakit ng puwit niya kagaya ng nangyari kanina habang practice nila ni Piper ay dalawang matigas na mga bagay ang sumalo sa mga balikat at bewang niya.

Nang magmulat si Armie ng mga mata ay ang naka-kunot-noong mukha ni Mac na nakatunghay sa kanya ang una niyang nakita, bago pa niya na-realize na sinalo siya nito para hindi bumagsak sa sahig. "S-Sorry," wala sa sariling napakapit siya sa mga balikat nito para itayo ang sarili. Para siyang kumapit sa bato sa tigas ng kalamnan nito doon. Inalalayan naman siya nito para makabawi ng balanse.

Nakatayo na siyang muli ng tuwid nang matagpuan niya ang sarili na ilang pulgada lamang ang layo ng katawan niya kay Mac. Napahakbang siya patalikod. "T-Thank you, K-Kuya Mac. Pasensya na talaga," pagkasabi noon ay maingat na siyang naglakad papunta sa TV set at tumalungko sa harap ng DVD player. Habang ginagawa iyon ay ramdam na ramdam niya ang panlalambot ng mga bisig at binti niya na parang katatapos lang niyang gawin ang isanlibong push-up na minsang naging parusa sa kanila ng na-bad trip nilang tactical officer.

"If you have the power to travel back in time, what era in Philippine history would you like to go back to and why?"

Napahinto siya sa pagpindot ng 'Stop' button at hinintay ang sagot ng kandidata sa tanong.

"Thank you for your question. If I have the power to travel back in time, I would want to go back to the Spanish era so I could meet Jose Rizal. Because I think he's really cute and attractive, and to top it all, he's very, very intelligent. And that's... hot!"

"Ano daw?" Hindi-makapaniwalang bulalas ni Armie.

"What the?" Ang kasabay namang reaksyon ni Mac.

Napalingon siya kay Mac na nakatingin na rin pala sa TV screen at hindi maipinta ang mukha. "That answer's so bad I think it just seeped into my subconscious and it's going to stay there for a long, long time."

Napangiti na lang siya ng alanganin kahit hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi nito. Pero mukhang ayon naman sa ekspresyon ng mukha nito ay pareho silang inis sa naging sagot ng contestant. Tuluyan na niyang pinindot ang 'Stop' at pagkatapos ay ang 'Eject' button ng DVD player.

"If you really need to watch those videos, you can use the desktop in my room. Just call me once it asks for a password," ani Mac bago ito naupo sa sofa at nagsimulang magbasa ng ubod ng kapal na libro.

Maingat siyang tumayo habang nakatukod ang kamay sa patungan ng TV set at DVD player para kumuha ng suporta. "Okay na, Kuya Mac. May isasagot na 'ko sa assignment ko kay Ate Piper." Naglakad siya pabalik ng kusina dahil hindi pa niya tapos ang pagliligpit ng plato. Walang anu-ano'y bumaling siya muli sa direksyo ni Mac. "Kuya Mac," tawag niya rito.

"Yes?" anito na iniangat ang tingin mula sa binabasang libro.

"Uhm, hulaan ko lang, kung swimsuit competition yung pinapanood ko sa TV, hindi mo 'ko palilipatin sa kwarto mo, 'no?"

Nakita niya ang isang milimetrong pagtaas ng sulok ng bibig ni Mac sa sinabi niya. "Honestly? Yeah."

Umismid siya. "Tama nga si Ate Piper."

"About?"

"Kapag lalaki ang judge, katawan ang tinitingnan kaya favorite ang Swimsuit competition. Kapag babae ang judge, kailangan maganda yung mukha ta's matalino, kaya dapat galingan sa Q&A. Kapag bakla daw ang judge, over-all presentation." Napailing na lamang siya. Masakit na nga ang ulo niya sa dami ng kailangang isipin at aralin, dumadagdag pa itong sakit ng binti at paa niya dahil sa suot niyang high-heels kanina pang umaga. Ipinagpatuloy niya ang marahang paglakad papunta sa kusina.

"Ingat ka," narinig niyang sabi ni Mac.

"Oo, kuya. Salamat!"

Bakit parang napa-jumping jack ng thirty times ang puso niya sa sinabi ni Mac? 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

[A/N: Sa part na 'to, may nag-cameo akong character na mula sa ibang libro ko. Kilala  n'yo ba kung sino? Ang unang makahula ng tamang sagot ay mananalo ng two tickets para sa... Choz!! Hindi po ako maharlika, pasensya na. Hehe. Ang unang tamang sagot, ide-dedicate sa kanya yung next chapter! Ayun lang ang kaya ipa-prize  ng dukhang author na itetch. Hahaha...hah.  Sarreh na.  -AJ] 

The Queen of ShieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon