Napatakip si Armie ng bibig. Iyon ang pangalan niya! Kasama siya sa Top Five!
Smile and wave, Armida!
Dumako muli ang tingin niya kay Mac, na nakatingin sa kanya at nakangiti. Nakangiti si Mac! MAY HIMALA!
Natalisod tuloy siya pababa ng hagdan. Narinig niya ang pagsigaw ng mga kapwa niya kandidata sa likuran niya, at ang pagtahimik ng mga nanonood. Lumingon sa kanya ang host at akmang tutulungan siya ngunit sinenyasan niya ito na huwag na.
Tumayo siya nang nakangiti at kumaway sa mga nanonood. Nag-cheer ang mga ito sa kanya, may mga sumipol pa.
Nakangiti pa rin siyang naglakad papunta sa iba pang mga finalist.
Nanghina ang tuhod niya nang sabihin ng host na kung sino ang huling tinawag ay siyang unang isasalang sa Q&A segment.
Parang may mga bakal na nakakabit sa paa niya nang maglakad siya papunta sa tabi ng host sa sentro ng stage. Pinabunot siya nito ng mga nakabilot na papel mula sa isang bowl. Binasa nito ang nakasulat doon. "The question for you, Candidate Number Nineteen is this: How will you describe the color red to a man who has been blind since birth?"
Napalunok siya. Paano nga ba? "Salamat po sa inyong tanong. Gusto ko pong sagutin ang katanungang iyan sa ating sariling wika." Nakarinig siya ng hiyawan mula sa mga manonood. "Sa kung paano ko po ilalarawan ang kulay na 'pula' sa isang taong bulag simula pa lang na siya'y ipanganak... ilalarawan ko po ito sa kanya sa pamamagitan ng mga pandama na meron siya. Sasabihin ko sa kanya na ang kulay na pula ay maihahalintulad ko sa pakikinig ng rock music, o sa aksidenteng pagkagat ng siling labuyo... O yung pagkaasar sa isang taong pinautang mo na pagkatapos kapag sininigil mo siya pa 'yung galit..." Saglit siyang napatigil sa pagsagot sa dahil sa pagtawa ng mga tao sa audience. Ngumiti sya sa mga ito at nagpatuloy, "At pula rin ang kulay na ihahalintulad ko sa mga sandaling yakap ka ng taong mahal mo, na para bang sa loob ng mga bisig niya... ang pinakaligtas na bahagi ng mundo. Maraming salamat po."
Malakas na palakpakan at hiyawan ang narinig niya. Nakahinga siya ng maluwag na nairaos niya ang tanong. Mas makakapag-focus na siya ngayon sa isa pa niyang "trabaho".
Hindi na niya inintindi ang naging tanong o ang naging sagot ng ibang kandidata bago ang kay Yasmin. Inabala niya ang sarili sa pag-obserba ng mga tao sa paligid. Iniwasan muna niyang tumingin sa direksyon ni Mac. Napapahamak siya kapag napapatingin dito.
"So here's your question, Candidate Number Twenty," tanong ng host kay Yasmin nang ito na ang nakasalang sa Q&A. "What do you think are the similarities or the differences of the beauty queens of today and the ancient and medieval queens that world had in its history?"
Anudaw? Buti na lang hindi napunta sa kanya ang tanong na iyon.
"Thank you for your question. For me, what makes the beauty queens of today the same to the ancient and medieval queens is that, we are both regarded as someone that should have beauty, brains, and compassion. Of course, things were different before, where queens have a whole army to protect and fight for them, food and wine tasters during banquets to make sure they will not be poisoned, and a whole kingdom to rule until their death or dethronement. For us beauty queens of present times, we have to use the limited reign given to us to promote and fight for our advocacies, which for me, is all about helping streetchildren through education. We don't have heralds to speak for us, we do it on our own. And that difference, that kind of independence, is what makes us, beauty queens, even more beautiful. Thank you very much!"
Malakas ang naging hiyawan sa sagot na iyon ni Yasmin. Nang bumalik ito sa tabi niya ay bumulong siya dito nang, "Congrats! Ang ganda ng sagot mo!"
"Thank you, Patty! Good luck to us!"
Tumango siya.
Nang sa wakas ay matapos nang tanungin ang lahat ng mga kandidata ay pinapwesto sila ng host sa gitna. Saglit na ipinamigay ang special awards. Nakuha ni Candidate Number Seven ang Miss Friendship, Most Photogenic ang Candidate Number Thirteen, si Yasmin ang Best in Swimsuit, at isang malaking sorpresa para sa kanya ang manalong Best in Evening Gown. Pagkatapos noon ay magkakahawak-kamay na ulit silang limang finalist habang hinihintay ang desisyon ng mga judge. Kanya-kanyang sigawan ang mga tao nang kung sino ang gusto nilang manalo. At hindi niya alam kung taga-Task Force Barbie ba ang sumisigaw ng pangalan at numero niya, pero meron siyang mangilan-ngilang naririnig na chini-cheer siya.
Sunud-sunod na tinawag ang tatlong kasama nilang kandidata bilang mga runner-up... Pinakahuli sa tinawag ang Candidate Number 13 na si Carla, hanggang sa silang dalawa na lamang ni Yasmin ang naiwang magkahawak-kamay. Parang panaginip lamang ang lahat. Sa mga sandaling iyon, ang pinagdadasal niya ay sana hindi siya manalo. At sa kabila ng mga nakakasilaw na spotlight na nakatutok sa kanilang dalawa ay iniikot pa rin niya ang tingin sa audience. Hindi pa rin mapanatag ang loob niya hanggang nasa harap sila ng ganitong karaming tao—
"And the Miss Global Beauty is no other than..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
[A/N: Who do you think will win? :) -AJ]

BINABASA MO ANG
The Queen of Shields
RomanceFrom being a PNPA cadet to a Beauty Pageant contestant slash undercover agent. Will Armie survive the training? Parang mas mahirap pa para sa kanya na maglakad ng naka-high heels kaysa mag-martsa sa ilalim ng nakaka-tustang init ng araw. At paano ba...