NASA loob ng van si Armie kasama si Mac at ang iba pang team members ng Task Force Barbie. Nasa Terminal 3 sila ng Ninoy Aquino International Airport. In three hours ang flight nila papuntang Puerto Princesa, Palawan. Hinhintay lang nila ang go-signal na malapit na sa area sina Yasmin Ignacio at ang close-ins nito bago sila mag-takeover sa pagbabantay dito mula sa pagsakay nito ng eroplano hanggang sa makabalik ito ng Maynila pagkatapos ng pageant.
Ilang saglit pa ay nakatanggap na ng tawag si Mac mula sa close-ins ni Yasmin na nasa Parañaque area na sila.
"Alright, guys. Tomorrow, at zero nine hundred hours, the media presentation of the candidates will be done at the pool area of Palazzo Arrastia at Puerto Princesa City. Let me just reiterate the posts and roles of each one of you."
Palaging seryoso si Mac, ngunit ito na ang pagkakataon na nakita ni Armie na pinaka-seryoso ito. Ito ang simula ng dalawang linggong pagbabantay nila para masigurong ligtas ang anak ng NBI Director. Hindi niya alam kung magagawa ba niyang makatulog o makakain ng maayos sa mga susunod na raw bago ang mismong coronation night.
"Copino, Alagon, and I will be part of the security team for the candidates. Barbadillo, at Gravamen, will be among the assistants of the candidates. Salvacion will be a member of the media assigned to cover their pre-pageant activities," ani Mac na nakapwesto sa tabi ng driver at nakalingon sa kanila. Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. "And then of course we'll have Mananquil posing as one of the candidates of Miss Global Beauty. Questions?"
"Sir, kung may immediate threat, can we neutralize ASAP?" tanong ni Alagon.
"SOP for this mission is to ask for a go-ahead from the team leader."
Hindi napigilan ni Armie na sumingit. "Kuy—Sir Mac, uhm, kahit si Barbie 'yung nasa panganib?" Barbie ang codename nila para kay Yasmin Ignacio.
"You have to ask for my permission. I'll be on her watch, too, of course, so I'd be able to quickly decide on that matter once it gets my attention. I just don't want us to blow up our covers." Tiningnan sila nito isa-isa. "Any other questions?" Walan nagsalita sa kanila. "Okay, good. Now, no leads yet on anything. So we got to keep our all of our senses open to all possible suspects. Someone posing as a fan, someone from the media, or even a random person on the street. Take note of incidents, and then we'll regroup later at twenty-three hundred hours at room seventeen-o-eight of the hotel, except for Mananquil, since she'll be in the hotel room with Barbie. Let's go, team."
Pakiramdam ni Armie ay nasa loob siya ng action movie ng nagsipagtanguan silang lahat at paisa-isang maingat na bumaba ng van para sa kanya-kanya nilang itinakdang gawin para sa misyon na iyon.
--
"ARMIE, Barbie is at your five o'clock. Approach and identify yourself," narinig ni Armie ang boses ni Mac mula sa earpiece niya. Sumunod siya sa sinabi nito. Kunwari syang lumingon at nakita si "Barbie."
Mukha itong modelo na katatapos lang ng pictorial para sa isang magazine o billboard at kinailangang pumunta ng airport. Naka-dress ito ng printed na dahon-dahon at bulaklak na summer na summer ang dating. Naka-sunglasses din ito na dark, habang ang mga maleta nito ay dala ng mga babaeng kasunod nito na sa tingin niya ay siyang mga close-in nito... O mga kasambahay ba ito? Bakit ito ang nagbibitbit ng mga gamit ni Yasmin? Ganoon din ba ang magiging trabaho niya kapag siya naman ang pumalit sa mga ito? Isang alalay slash kasambahay slash aliping sagigilid?
Nagkunwari siyang nagti-text sa cellphone bago naglakad papunta sa direksyon kung saan nakatayo si Yasmin. Nang ilang hakbang na lang ang layo niya rito ay saka siya nag-angat ng tingin. "Hello, you look familiar. Candidate ka rin for Miss Global Beauty, 'di ba?" Nakangiti niyang sabi rito. "I'm Patricia Santos. You can call me Patty," aniya bago inabot ang kamay dito. Tinanggap naman nito iyon.
"Oh, hi! So you're Patty! Hi, I'm Yasmin Ignacio! Nice to finally meet you. Eleven AM din flight mo?"
Tumango siya. Napatingin siya sa mga close-in nito at ngumiti sa mga ito. Tumango sa kanya ang mga ito. Mukhang natimbre na ang itsura at pangalan niya sa mga ito base sa nakita niyang reaksyon.
"Shey, can you buy me a bottle of water, please? Naubos ko na 'tong lemon water ko, eh," ani Yasmin sa tinawag nitong 'Shey', isa sa dalawa nitong close-in matapos iyon abutan ng one hundred pesos. Sumunod naman ito pero hindi nakaligtas sa kanya ang inis na ekspresyon sa mukha nito na tumagal lang ng ilang segundo.
Muling bumaling si Yasmin sa kanya. "So, the, uhm, the others are, like, around us, right?" anito habang nakapila sa sa check-in counter ng Philippine Air Lines.
Tumango siya. "Naiintindihan kita kung kinakabahan ka." Kung may nakikinig sa kanila, iisipin siguro nito na ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa beauty pageant.
Bumuntunghininga si Yasmin. "Well, I just had to do this, you know? This is, like, against all odds! I'm twenty-five, and this is the only year that I'll be able to join the pageant since they'll acept up until twenty-six. I really, really want to win this one so I can compete internationally and represent our country!" Dumating ang close-in na inutusan nitong bumili ng tubig at iyon na din ang pinagsalin ni Yasmin sa pink na bote nito na may lumulutang na mga hiwa ng lemon sa loob. Tahimik nitong iniabot kay Yasmin ang watter bottle nito.
Tumango-tango siya bago pasimpleng tumingin sa paligid. Nakita niya agad si Gravamen, Copino, at Barbadillo sa mga pwesto ng mga ito, habang hindi naman niya matanawan kung nasaan si Mac, Alagon, at Salvacion. Kanina pa nakapa-check-in ng mga gamit ang mga ito at siya lang ang sumabay kay Yasmin.
Nang sa wakas ay nabigyan na sila ng boarding pass ay nagpaalam na si Yasmin sa mga close-in nito. Kahit gusto niyang sumaludo sa mga iyon bago tumalikod ay alam niyang hindi pwede. Nagkasya na lamang siya sa bahagyang pagyukod ng ulo para magpakita ng paggalang sa mga ito at sa trabahong ipinapasa nito sa kanila ng dalawang linggo. Napansin niya ang pagtaas ng sulok ng bibig ng tinawag ni Yasmin na 'Shey' na para bang nang-aasar o nanunuya ito, pero pinalagpas na lamang niya iyon.
"So, tell me, Patty, may boyfriend ka ba ngayon?" baling ni Yasmin sa kanya nang makalagpas sila sa airport security x-ray machine at naghahanap ng mauupuan sa boarding area.
Umiling siya.
"Uhm, girlfriend?" tanong ulit ni Yasmin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Queen of Shields
RomansaFrom being a PNPA cadet to a Beauty Pageant contestant slash undercover agent. Will Armie survive the training? Parang mas mahirap pa para sa kanya na maglakad ng naka-high heels kaysa mag-martsa sa ilalim ng nakaka-tustang init ng araw. At paano ba...