Napalunok si Armie. Sanay siyang makakita ng lalaking isang metro ang lapad ng balikat, may walong pan de sal sa tiyan, at pwede mong i-trace ang letrang V sa hugpungan ng torso at mga hita nila. Pero, hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa loob ng kwarto na dadalawa lamang sila.
Humugot siya ng will power mula sa talampakan at pinadaloy iyon papunta sa leeg niya para lang magawa niyang alisin ang tingin dito. Bigla siyang nag-push up sa sahig. "Ano, ah, nag-eexercise kasi ako. M-Magbibihis ka ba? Lalabas ako," aniya na aktong tatayo.
"'Wag na. I'll just be getting my stuff. Don't worry, next time, gabi pa lang kukunin ko na yung mga—"
"Hindi. Okay lang," mabilis niyang sabi sabay tayo. Kinailangan niyang dumaan sa tabi nito para makarating sa pinto kaya amoy na amoy niya ang shampoo at sabon na ginamit nito. Nakaka-adik ang amoy noon na masarap sanang singhut-singhutin ngunit sa halip ay pinili niyang hawakan ang seradura ng pinto at pinihit iyon. "Kwarto mo 'to, so syempre ako dapat ang mag-adjust," sabi niya rito bago nagmamadaling lumabas ng silid. Hindi na niya hinintay pa ang reaksyon nito sa sinabi niya.
Malakas ang tibok ng puso ni Armie nang maisara na niya ng tuluyan ang pinto ng kwarto. Kung bumangon na sana agad siya pagkagising, baka hindi na sana nangyari ang nakahihiyang insidente na iyon.
Napabuntunghininga siya bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng condo ni Mac. Hindi na niya iyon masyadong binigyang pansin kagabi, ngunit kagaya ng kwarto nito ay maayos iyon at malinis. 'Yung tipong hindi mabibigyan ng demerits kapag ininspeksyon ng mga officer nila sa PNPA.
Wala sa loob na lumapit siya sa kabinet na nagsisilbing divider ng salas at maliit na kitchen ng condo. Isang malaking frame ang nasa gitna noon, ngunit imbes na painting ay jersey ang nasa loob. May "Sandejas" at number 20 sa likod, at nang umikot siya sa harap noon ay nakita niya ang watawat ng Pilipinas sa kanang bahagi nito, logo ng Philippine Rugby Federation sa kaliwa, at Asian Rugby Championships Under 19 naman sa laylayan noon.
Nakapalibot sa frame ang iba't ibang trophies at medals na nakapangalan kay Mac. Merong ding naka-frame na picture nito na yakap ang oblong na bola at itinutulak ang kalaban na hanggang balikat lamang ito. May isa pang picture na buhat-buhat si Mac nang mga teammate nito, at lahat ay masayang nakangiti, kasama na roon si Mac.
Tinitigan niya ang mukha nito sa mga picture. Kung nineteen years old pa lamang ito sa picture, ibig sabihin ay magkaedad lamang sila doon ni Mac? Para kasing twenty-plus na ang edad nito doon—
Napalingon siya sa may gawi ng kwarto nang bumukas iyon at iniluwa si Mac na nakabihis ng pormal. Naka-long sleeves itong light blue, blue and white stripes na necktie, at navy blue na suit. Pinaglipat-lipat niya ng tingin ito at ang Rugby player na nasa pictures. Mas lumaki lang ang katawan nito at bahagyang nagkalaman ang mga pisngi, pero mas pipiliin niya ang Mac Sandejas ngayon na seryoso ang mukha habang papalapit sa kanya kesa sa Mac na kaedad niya at wagas makangiti na nasa larawan.
"Pareho kayo ng itsura ng bola sa football na napapanood ko sa mga pelikula, pero bakit wala kayong mga helmet saka yung malalaking shoulder pads? 'Yung pampalaki ng katawan?"
"You're talking about American Football. I played Rugby football. Wala kami nang mga protective gear na binabanggit mo."
"Ah," tumango-tangong sabi niya. Isang malaking frame na may lamang limang mga larawan na iba't ibang laki ang sunod niyang tiningnan. Kuha ang mga iyon sa mismong game. Napangiwi siya sa nakitang may mga player na hila-hila ang mga binti ni Mac. Mayroon naman na dalawa ang sumalubong dito habang yakap ang bola, mayroon naman sa aktong sisipain pa lang nito ang bola. Nasa ilalim ng bawat larawan ang mga salitang Junior Volcanoes Under 19s.
"Junior Volcanoes tawag sa inyo? Meron bang Senior Volcanoes?"
"I already had a slot sa Philippine Volcanoes, our country's National Rugby Union Team, but I had an injury. ACL. Hindi na 'ko pwedeng maglaro dahil do'n."
"Ah, talaga? Sayang naman—"
"Uhm, yeah, sorry, but I've to go. Just wait for Piper. I'll be attending a review class for the bar exams so I'll be home late. Maghanap ka na lang ng pwedeng kainin o lutuin sa fridge." Pagkasabi noon ay lumabas na ito ng pinto. Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya.
Napakamot na lamang siya ng ulo.
Inilang hakbang niya ang kitchen nito at naghanap ng pwedeng almusalin. Kabubukas pa lamang niya ng pinto ng ref nang may narinig siyang ring ng telepono. Bigla siyang napaunat ng likod at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog.
Pumunta siya sa salas at nakita ang telepono na nasa table sa gilid ng mahabang sofa.
"Uhm, hello?" aniya matapos damputin ang handset ng telepono.
"Good morning, Ma'am Armie. Si Espiritu po ito ng Security Office. Andito na sa lobby si Mister—ah, okay – Miss Piper. Paakyatin ko na ba sa unit n'yo ni Sir Mac, Ma'am?"
Unit n'yo ni Sir Mac, ulit niya sa isip ng sinabi ng gwardiya. Unit. Namin. Sa aming dalawa ni Mac. Bakit parang kinikilig ako?
"Ma'am Armie?"
"Ay, sir, yes, sir!" Natapik ni Armie ang noo sa naging sagot. "Ahm, ibig ko pong sabihin, sige po. Paakyatin n'yo na siya dito. Sinabi na sa 'kin ni... ni Mac 'yung tungkol sa kanya."
"Roger, Ma'am! Sige po, good morning ulit!"
"Good morning din, Sir. Salamat po."
Pagkababa niya ng handset ng telepono ay tinakbo niya ang kwarto para kuhanin ang kanyang tootbrush, toothpaste at sabong panligo para ipanghilamos. Nakakahiya namang humarap sa taong iyon na mukha siyang basta na lamang gumulong mula sa kama.
Nagsasabon pa siya ng mukha ng makarinig ng sunud-sunod na katok sa direksyon ng front door.
Nagmamadali siyang naghugas ng mukha. At dahil hindi siya nakapagdala ng tuwalya sa loob, iyong nakasabit na bath towel na lamang ni Mac ang ginamit niyang pangpunas ng mukha. Bahala na si Batman. Hindi naman siguro niya malalaman.
Pero... saan kayang bahagi ng katawan ni Mac dumampi yung part ng towel—
Umulit ang pagkatok ng sunud-sunod sa pinto, parang may plano nang gibain iyon sa lakas. Tinakbo na niya ang pinto at pabiglang binuksan iyon. "Sorry po—" aniya pagkabukas ng pinto.
Tumambad sa harap ni Armie ang boksingerong si Mike Tyson! Bigla niyang isinara muli ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/192506437-288-k59436.jpg)
BINABASA MO ANG
The Queen of Shields
RomanceFrom being a PNPA cadet to a Beauty Pageant contestant slash undercover agent. Will Armie survive the training? Parang mas mahirap pa para sa kanya na maglakad ng naka-high heels kaysa mag-martsa sa ilalim ng nakaka-tustang init ng araw. At paano ba...