Part Four: Q&A

866 35 0
                                    

NAKAUPO sa passenger seat si Armie habang si Mac ang nasa manibela at nagda-drive ng Ford pickup truck na sasakyan nito. Lagpas alas-dos na ng umaga at napakaluwag ng kalsada. Sa bilis ng takbo nila ay nahihirapan siyang habulin ng tingin ang mga signage na magsasabi kung nasaan na sila. Basta ang alam niya ay mula sa Cavite kung saan naroroon ang academy ay nagpa-Alabang sila, at ngayon ay dumadaan na sa Skyway.

"Sir Mac," basag niya sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Iyon ang unang beses sa loob ng higit tatlumpung minutong byahe nila na nagsalita siya.

"Yes."

"Baka naman po pwedeng kwentuhan n'yo naman ako ng anumang tungkol sa 'yo, sir. Alam mo na ang kwento ng buhay ko, tapos sa 'yo wala po akong kaalam-alam. Pa'no pala kung dadalhin mo lang ako sa Maynila para ibenta yung lamang-loob ko sa sindikato?"

Sumulyap ito sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Sorry to disappoint you, pero mas gusto ng mga sindikato ang internal organs ng mga bata. Mas mataas ang chance na tinatanggap ng recipient yung organ."

"Sir Mac naman, joke lang 'yun."

"Okay."

"Pero hindi po joke yung gusto kong makaalam ng something tungkol sa 'yo."

"Really. Hindi ako interesting na tao. What do you want to know?"

Nagkibit-balikat siya. "Paano po kayo napasok sa NBI?"

"Me and my childhood friends loved watching foreign movies and TV series involving crime and suspense. I got the next best thing in being an FBI Agent by being part of the NBI."

Tumango-tango siya. Pinaglandas niya ang daliri sa dashboard. Wala sa loob na nag-trace siya ng cursive na 'Armie' doon. "Ilang taon ka na po, Sir Mac?"

"Twenty-four."

Bigla ang naging paglingon niya dito. "'Di nga, sir?"

"What are you driving at?"

"Ay, hindi po ako marunong mag-drive, sir." Nakita niya ang naging pagtaas ng sulok ng bibig ni Mac Sandejas. Pinanlakihan naman si Armie ng mga mata. Ngiti ba iyon? Iyon na ba ang ngiti nito? Parang gusto ni Armie na magpasabog ng confetti sa loob ng sasakyan. Ngumiti si Agent Mac Sandejas!

"Armie," Marahang sabi nito sa kanya na animo kumakusap ng five years old na bata, "What I meant was, ano ba'ng gusto mong sabihin, na hindi ako mukhang twenty-four?"

"Parang gano'n na nga, sir," aniya. "Mukha kayong twenty-three years old.. and 11 months," pagkasabi noon ay humagikgik siya, sabay nagpakita ng peace sign sa direksyon ni Mac.

Iling lamang ang isinagot nito sa kanya.

"Ito, sir, seryosong sagot," hirit muli ni Armie na nagtaas pa ng kamay na parang nanunumpa. "Akala ko talaga ano ka na, Sir... Mga twenty eight o twenty-nine. Thirty. Ganun. Sorry, sir. Ang seryoso mo kasi, akala ko ang tanda-tanda mo na."

Napabuga ito ng hangin sa sinabi niya. "Hindi lang naman ikaw ang unang nagsabi niyan, so I don't really mind." Tumapik-tapik ito sa manibela bago lumingon ito saglit sa kanya. "At 'wag mo na 'kong tawaging 'Sir'. Tutal kung makapagsalita ka rin naman parang walang paggalang—"

Napatuwid siya ng likod sa narinig. Humarap siya rito at sumaludo. "Cadet Second Class Armida Mananquil would like to apologize for the disrespect I have caused you, Agent Mac Sandejas, Sir!"

"Matulog ka na lang, Mananquil."

Napakagat-labi siya. Mukhang napikon na talaga ito sa kanya. "Sorry. 'Di na 'ko mag-iingay, promise." Nagbuka siya ng bibig at tiningnan siya nito ng mataman. "Last na. Pwedeng... Kuya Mac na lang tawag ko sa 'yo?"

Bumuntunghininga ito. "Call me anything you want."

Ilang minuto rin ng katahimikan ang dumaan sa kanila bago may pinindot si Mac para mag-on ang stereo ng pick-up. Pumailanlang sa loob ng pick-up nito ang kantang alam na alam niya dahil palagi niyang kinakanta sa videoke: ang kantang Cruisin' ni Huey Lewis at Gwyneth Paltrow. Napagibik siya, ngunit nang makitang sumulyap sa kanya si Mac ay napatakip siya bigla ng bibig.

You're gonna fly away, glad you're goin' my way, I love it when we're cruisin' together, tahimik na pagkanta ni Armie sa isip niya. Sa pagtatapos ng kantang 'Cruisin'' ay ang pamimigat na sa wakas ng talukap ng kanyang mga mata.

The Queen of ShieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon