Caela's POV
“SHIT! I’M LATE!” naiinis kong sambit sa sarili ko matapos tignan ang oras sa wrist watch ko.
Late na ako sa dinner namin ng mga kaibigan ko. It’s almost 8 pm at ang usapan ay 7:30 pm. I’m freaking late!
Nagkaroon kasi ng biglaang meeting kaya ginabi na ako ng uwi. Tinext ko si Frit, kaibigan ko, na male-late ako. Iba pa naman sila kung mainip dahil susumbatan ka nila pagdating mo.
Agad na akong lumabas sa office ko at dali-daling sumakay sa elevator. Sana hindi traffic. Pumara na rin ako ng taxi pagbaba ko sa building.
Medyo paunahan ang pagpara ng taxi ngayon kasi marami ring umuuwi na empleyado pero maswerte ako dahil nakasakay rin ako agad.
“Kuya, sa Albertos po,” saad ko at mabilis namang tumango ang driver.
Nakatanggap ako ng text galing kay Fritz at sinabi niyang ako na naman ang ma-la-late dahil maaga silang dumating sa restaurant.
Shit, I’m too late!
Kung wala lang sanang meeting, baka kanina pa ako nakarating doon. Pero hindi ko naman masisisi ang pagkaroon ng meeting kasi parte na ‘yon ng trabaho ko.
After months of waiting, makikita ko na rin ang mga kaibigan ko na minahal ko ng sobra. Sila ang nagturo sa akin kung paano magmahal na naaayon sa gusto mo. Napangiti tuloy ako.
Biglang tumigil ang sinasakyan namin kaya nagtaka ako. Tinignan ko ang paligid at napatampal na lang ako sa noo ko nang malamang traffic na naman. Nakalimutan kong rush hour pala ngayon kasi biyernes at pay day pa.
Kung kaya ko lang sanang lumipad ay ginawa ko na.
Mabagal ang usad ng mga sasakyan kaya naiinis na ako sa sarili ko. Wala na akong magawa dahil gusto ko ring makarating ng mabilis kung sasakay ako ng taxi. Sadyang traffic lang talaga at minalas ako.
“Guys, sorry I’m late,” sambit ko nang makarating ako sa Albertos, isang Pizza Restaurant.
“Nako Sis, palagi ka namang late kung may get together tayo. Hindi ka pa ba nasanay?” natatawang puna ni Kris.
“Yeah at magdadahilan na naman ‘to na traffic daw, may biglaang meeting, and such,” puna naman ni Kyla.
They know me too well.
“Traffic naman talaga a?” protesta ko.
“And so? Dapat maaga kang nag-out sa trabaho mo,” sabat ni Fatima at naupo na ako sa bakanteng upuan na katabi ni Marie.
“May biglaang meeting e hehe.”
“There she goes,” iling-iling na saad ni Marie.
Pinagtulungan na nila ako.
“Girls, ang mahalaga ay nandito at kompleto tayo. ‘Wag niyo nang sumbatan pa si Caela, alam niyo namang palaging late comer ‘yan ‘di ba?” Tumango naman sila sa sinabi ni Fritz. “O siya, umorder na tayo.” Agad na silang tumawag ng waiter at nagsimulang umorder ng pagkain.
Nahihiya na ako sa kanila. E kasi naman, palagi na lang akong late kapag may get-together kami kagaya nito. Pero kahit alam kong ganyan sila, mahal pa rin nila ako. D’yan ko sila minahal nang sobra.
Dati sila pa ‘yong nag-uunahan kung ano ang gusto nilang gawing kalokohan pero ngayon ibang-iba na sila.
Si Fritz, isa na siyang abogado at may asawa na ito at isang anak. Si Kyla naman, isa nang Private Consultant sa isang kompanya. May asawa na rin siya sa long time boyfriend niya. Si Kris din, isa nang Nurse sa London at minsan lang umuuwi rito dahil nasa malayo ang trabaho niya. Kasal na siya sa isang London national niyang asawa. Si Fatima, isa nang Teacher sa isang kilalang university rito sa Pilipinas. Engage na rin ito. Si Marie naman, isa nang Engineer at masayang namumuha kasama ang kaniyang long time sweetheart.
At ako?
Isa nang Manager sa isang kilalang banko at isang Published Author na sa kilala kong blog na Monaliza's_WhatIf’s. At umaasa pa rin ako na makikita ko ang lalaking matagal ko nang hinihintay na makita sa buong buhay ko.
“Girl, iniisip mo pa rin ba si Jil?” Biglang tanong sa akin ni Marie.
Napansin siguro nilang nakatingin ako sa malayo at malalim ang iniisip.
“Sinong hindi makakalimot no’n e, palagi ngang bukambibig ni Caela 'yon e,” sambit ni Kris.
“Yes, iniisip ko pa rin siya. Pero hindi na ako umaasa na makikita ko pa siya,” I lied. Mahirap kalimutan ang taong bumuo sa summer mo.
“’Wag mo na siyang isipin, okay?” tanong sa akin ni Kyla at tumango na lang ako bilang sagot.
Yes, you heard it right.
I’m 28 years old now and I have a wonderful experience with the man I loved 10 years ago.---
Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...