Chapter 8

22 4 0
                                    

Caela's POV

“AYOS ka lang ba, insan?” tanong ni Sigmund sa akin matapos ang eksena kanina.

“Ayos lang ako. Ayaw ko lang talagang nakikita ang pagmumukha niya.”

“Alam mo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao kanina buti na lang at naalarma ang ilang bisita at nanahimik na lang. Pasensya na rin kasi wala man lang akong nagawa para pakalmahin ka,” nakayukong sambit niya at napangiti na lang ako sa inasal niya.

“Sira! Anong piangsasabi mo riyan? Para kang matanda kung magsalita a?” Tumawa ako. Idadaan ko na lang ‘to sa tawa. “Ayos lang ‘yon ‘no at saka ginawa ko lang naman ‘yon para matauhan siya.”

“Pero hanga ako sa ginawa mo kanina! ‘Yong mukha niya kanina hindi maipinta.” natatawang sambit niya. Alam kong ginagawa niya lang ito para gumaan ang atmosphere rito at masasabi kong effective nga.

“Sira ka talaga!” bulyaw ko sa kanya at binaling ang tingin ko sa mga kuya niya. “Pasensya na talaga sa nangyari kanina.”

“That’s okay but don’t do that again,” sambit ni Kuya Harris.

“Yeah, pasensya na talaga,” nakayukong sambit ko. Tinapik lang ni Kuya Tyke ang braso ko.

“Insan, nandyan na ang mga kaibigan mo!” sigaw ni Sigmund na nasa labas na pala ng bahay namin. Sinamaan naman siya ng tingin ng mga kuya niya dahil sa sobrang ingay nito. Napahagikhik na lamang ako.

“Caela!” sigaw nila sa akin at nagyakapan kami.

“Sis, nandito ba ‘yong crush mo?” Mapanuksong tanong sa akin ng mga kaibigan ko.

No’ng dumating sila ay siya ring dating ni Jil sa bahay kasama ang mga magulang niya. Ngayon nga ay nasa tapat namin sila at kumakain.

“Manahimik nga kayo!” sita ko sa kanila. “Nandyan lang siya sa tapat o,” bulong ko sabay nguso doon sa kumakaing si Jil.

“What?” pasigaw na tanong nila at bigla na lang napatangin sa amin si Jil. Napailing na lamang ko.

“Siya talaga?” Halos pabulong na tanong ni Kyla.

“Oo nga,” namumulang tugon ko. Nangangamatis na ata ako.

“Hindi ba ako namamalikmata? Bakit ang gwapo niya? Bakit ang galing mong mamili, Sis?” tanong ni Kris. Mas lalo akong namula dahil sa sinabi niya.

“Grabe kayo a! Malikmata agad? Hindi ba pwedeng gwapo lang talaga siya?” Mas lalo kong hininaan ang boses ko. Baka may makarinig pa sa amin.

“I envy you,” nakangiting sambit ni Kyla.

“Sana siya na lang ang naging boyfriend ko,” komento ni Marie habang nakatingin kay Jil. Para na ngang luluwa na ang mga mata niya sa kakatitig sa kaniya.

“Gaga! May jowa ka na oy! Hayaan na natin si Caela,” ani Fritz.

“E kasi naman, nakakainggit ka, Sis,” puna ni Marie at marahang pinalo ang binti ko.

“Hindi ko pa nga boyfriend e, naiinggit na kayo? Paano na lang kung naging kami na? Baka mamatay na kayo sa inggit,” pagbibiro ko sabay halakhak.
Napatingin naman sa akin si Jil at agad kong iniwas ang tingin ko. Narinig niya kaya ‘yon?

“Conceited mo, Sis. Baka masaktan ka lang,” puna nila.

Tinuloy namin ang kwentuhan habang kumakain sila. Nagsimula na ring humupa ang mga tao rito dahil nagsiuwian na ang iba. Nagpaalam na rin ang pamilya ni Sigmund, tuloy ay nalungkot si insan dahil baka matatagalan rin bago siya makakabalik dito.

Marami kaming napagkwentuhan at isa na roon ang pagkuha ng kurso sa college at saan kami mag-aaral. Lahat kami ag parehong pinili ang Saint Joseph University, isa sa kilalang pribadong unibersidad dito sa amin at malapit lang ito sa mall kaya makakapaggala kami.

Hindi pa ako sigurado sa kukunin kong kurso sa college dahil naguguluhan ako sa pinagpipilian ko. Kung BSN (Bachelor of Science in Medicine, Major in Nursing) o BS Management. Pareho kong gusto ang mga iyan dahil una, sa nursing malaki ang sahod kung sa ibang bansa ka madidistino at gusto ko ring sumunod sa yapak ni Mama. Sa pangalawa naman ay gusto ko maging Manager sa isang bangko at mahilig rin kasi ako magsolve ng mga math problems e. Tsaka gusto ko ring magtrabaho sa bangko.

Hinatid ko sila sa may sakayan at nagkaniya-kaniyang uwi na. Nagulat na lang ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

“Congrats,” sambit nito at napalingon naman ako. Si Jil pala.

“Ginulat mo naman ako. Salamat.” Ngumiti ako at ganoon rin siya.

Ang gwapo niyang tingnan kapag nakangiti.

Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ng topic itong pag-uusap namin o hindi na lang. Tsaka hindi ko rin alam kung anong topic ang pag-uusapan namin.

“So, saan ka na mag-aaral?” biglang tanong nito at nakahinga  naman ako nang maluwag.

“Uhm, sa SJU.”

“SJU?” nagtatakang tanong niya. Bahagya pang nakakunot ang noo niya. Cute.

Hindi niya pala alam kung saan ‘yon dahil kakalipat lang nila.

“Uhm, ‘yong university na malapit lang sa mall,” sagot ko.

“I see,” tumatangong tugon niya.

“Anong grade o year ka na?” usisa ko. Hindi ko kasi alam kung nag-aaral pa ba siya. Hindi naman niya naikwento sa akin.

“Magco-college na ako.”

“Uhm, saan ka mag-aaral?”    Nakangiting tanong ko.

Sana sa SJU na lang siya! Sana sa—

“Sa probinsiya namin.”
Bigla na lang akong nanlumo sa narinig ko.

So hindi ko na siya makikita pagkatapos ng summer?


Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon