Caela's POV
NASA terrace ako ngayon at napangiwi ako sa hapdi habang ginagamot ko ang sugat sa braso ko. Ni hindi ko naramdaman na may sugat na pala ako, siguro na-distract ako sa itsura niya kanina. Huminto ako sa aking ginagawa at inilapag ang bulak na may betadine sa lamisita.
I didn’t try to examine his face earlier but I’m sure he’s cute. Matangkad, nasa ayos ang pananamit, medyo mataas ang buhok niya na nasa bandang gitna pero nakatali naman kaya malinis tignan at doon talaga ako sobrang na-distract nang nakita kong nag-aalala ito.
May ganito pa palang lalaki ngayon?
Aaminin ko, nagkaroon ako ng interest sa kaniya. Tama na siguro ang salitang crush. Crush means paghanga naman kaya ako nagka-crush sa kaniya kasi humanga ako sa ginawa niyang pag-aalala sa akin.
Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang tumipa.
●What if #127: What if crush lang naman?●
Posted!
Napangiti ako nang biglang dumami ang likes sa bago kong post. Nag-unat ako ng braso nang bigla akong napahiyaw sa sakit nang biglang humapdi ang aking sugat sa braso.
Hindi pa pala tapos ‘to?
Busy ako sa kaka-scroll sa social media account ko at kusang huminto ang daliri ko nang makita ko ang chat ni Marie sa group chat namin.
Walang jowa si Caela
6:59 pmMarie:
Sis, nagkasugat ka daw. Malala ba?Caela:
Hindi naman malala, malayo ito sa bituka hahaha!Fatima:
Kahit kailan talaga ginagawa mong biro ang nangyayari kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eCaela:
Anong connect no’n sa sugat ko?Marie:
Wala. Naidagdag ko lang.
Ano, nagsorry ba ‘yong nakabangga sa iyo?Caela:
Oo, naman. Tsaka alam niyo, cute siya hehe.Fatima:
Ohh, mukhang may naamoy na ako aMarie:
Nangangamoy boyfriend hahaha!Caela:
Gaga! Boyfriend agad? ‘Di ba pwedeng crush muna?Marie:
Magaling ‘yan Sis, dumada-moves ka na. Hahaha!Fatima:
So anong nangyari kanina?
Nagsimula na akong magkwento at nang matapos ako ay sunod-sunod na chats ang natanggap ko.
Marie:
‘Yon na ‘yon?Fatima:
Tanga ka ba Sis?
Bakit hindi ka lumilingon sa nilalakaran mo?
Ayan tuloy nagkasugat ka.
Tsk! Tsk! Tsk!
Grabe naman maka-tanga ‘to. Akala mo, hindi naging tanga sa pag-ibig.Caela:
E, hinahanap ko nga ang inhaler koMarie:
May point ka rin naman.
Alam mo, naiimagine ko na gwapo talaga ‘yong lalaki yiiieeeCaela:
Sira hahaha!
In-off ko na ang cellphone ko nang marinig ko si Mama na sumigaw mula sa baba ng bahay namin.“Caela, anak, bantayan mo muna ‘yong sinaing ko, bibili lang ako ng ulam sandali!”
“Opo, Ma!” sigaw ko pabalik. Nakita ko si Mama na lumabas ng bahay mula dito sa terrace.
Ang Mama ko ay isang registered nurse sa isang pribadong ospital dito malapit sa amin. Ang Papa ko naman ay isang OFW bilang Engineer sa Saudi. Aaminin ko, medyo hindi ako masaya sa pamilya ko dahil kulang ako sa alaga’t pagmamahal ng magulang at hindi kami kompleto ngayon dahil nga nasa ibang bansa si Papa at kumakayod para sa amin. Si Mama naman, babad sa trabaho kaya gabi na siya nakakauwi.
Hindi ako gaya ng mga ibang kabataan ngayon na nagiging spoiled brat at minsa'y nagrerebelde dahil lang sa kawalan ng pagmamahal ng magulang. Hindi ko masisisi ang mga magulang ko dahil alam kong ginagawa nila ito para sa kinabukasan ko at ako rin ang unica hija nila.
Dinampot ko muli ang phone ko at tinignan ang mga unread messages galing sa group chat. Pinag-uusapan nila ako tungkol sa magiging soon to be boyfriend ko raw na nakabangga sa akin kanina. Kung ano-ano ang sinasabi nila roon. Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan no’n at saan ‘yon nakatira e. Psh!Sa sobrang bored ko ay bigla na lang akong sumigaw.
“Kailan na ba ako magkaka-boyfriend?” Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya nang mapansing natutulog na pala ang mga kapitbahay namin.Nakakahiya ‘yon, Caela!
Habang tinatakpan ko ang bibig ko ay nakaamoy ako ng parang nasusunog. May nasusunog ba?
Amoy nasusunog na kanin.“Ang sinaing!” sigaw ko nang napagtanto kong nasusunog na ang sinaing na pinapabantayan sa akin ni Mama kanina. Kaya natataranta akong bumaba mula sa terrace at tinignan ang sinaing. Ayon, naging tutong na.
---
Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...