Caela's POV
ILANG ARAW na mula noong umalis si Jil pero parang kahapon lang nangyari ‘yon. Ilang araw rin akong tahimik. Iba talaga ang epekto ng pag-aalis niya sa inaasal ko ngayon.
Nawalan ako ng kaibigan. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Lahat na lang ba ay iiwan ako? I fished my phone out of my pocket and type.
●What if #147: What if panaginip lang ito?●
Posted!
Paulit-ulit rin sa aking isipan ang huling sinabi ni Jil bago siya umalis.
Gusto rin kita, Caela.
Sinabi niya ba talaga ‘yon? Hindi ako makapaniwala. All this time nagkagusto na pala siya sa akin? Bakit hindi niya inamin agad?
Pero huli na ang lahat.
Ang araw ay naging linggo. Ang linggo ay naging buwan. Lumipas ang ilang buwang paghihintay ko kay Jil at sumapit na ang Christmas Season at ito ang inaasahan kong araw ng pagbabalik niya.
Nangako si Jil sa akin na babalik siya ngayong christmas season. Matiyaga akong naghintay, hanggang sa sumapit na nga ang araw ng pasko pero walang Jil na nagpakita sa akin.
Matapos ang pasko ay pinuntahan ko agad ang bahay nila Jil. Alam kong dito pa rin nakatira ang mga magulang niya kaya naman hindi na problema sa akin ito. Kilala naman nila ako kaya ayos lang na puntahan ko sila.
May gusto kasi akong itanong.
“Maganda umaga po. Merry Christmas sa inyo hehe. Uhm, bumalik na po ba si Jil?” tanong ko nang pagbuksan nila ako ng pinto.
“Pasok ka, hija,” sambit ni Tita Belinda, ang ina ni Jil. Pumasok ako sa bahay nila at nilibot ko ang aking paningin, baka sakaling makikita ko si Jil dito.
“Bumalik na po ba si Jil?”
I sounded desperate.
“Naku, hija, hindi umuwi rito si Jil. Noong nobyembre niya lang sinabi sa amin na hindi muna siya uuwi rito,” sagot ni Tita Belinda.
Hindi siya umuwi? Bakit?
“B-bakit po?”
"Busy raw e. Maraming gawain sa school. Management Student pa naman ang batang ‘yon.”
“I see. Uhm, kumusta na po siya? Ikinamusta niya po ba ako?”
“Aba oo naman! Palagi naman niyang ginagawa 'yon kapag tumatawag siya.”
Akala ko hindi na niya ako naalala.
“Isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuwi ang anak ko dahil kasama niya raw ngayon ang kasintahan niya.”
Agad akong napatingin kay Tita Belinda nang sabihin niya 'yon. Tama ba ang pagkakarinig ko?
“May girlfriend na si Jil?” Mahinang bulong ko.
“Oo. Nakilala niya ito sa eskwelahang pinapasukan niya,” nakangiting sambit niya. Napalakas ata ang pagkakasabi ko.
Tila gumuho ang mundo ko nang marinig ko ‘yon galing kay tita Belinda.
Akala ko gusto niya ako? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin?
Gustuhin ko mang lumuha ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang makita ni Tita Belinda na umiyak ako kaya mabilis akong nagpaalam sa kaniya. Luhaan akong umuwi sa bahay at nagmukmok sa kwarto.
Bakit ako umiiyak? Ano ba ang dahilan ko?
Ako ang pinangakuan pero sa iba tinupad.
Ang sakit lang. Umasa ako na babalik siya. Umasa ako na babalikan niya ako. Umasa ako. Umasa ako sa wala.
Sumapit ang summer at imbis na matuwa ako ay mas lalo akong nalungkot. Lahat ng naalala ko sa buong summer ay puro si Jil. Si Jil ang palagi kong kasama noong nakaraang summer kaya nakakalungkot isipin na wala siya rito.
Hindi pa rin bumabalik si Jil kahit na summer ngayon. Nagtanong ulit ako kay Tita Belinda, gaya ng tanong na palagi kong tinatanong sa kanya noon. Pero iisa lang ang sagot niya.
“Hindi pa rin siya umuuwi.”
Halos araw-araw ko nang tinatanong kay Tita ang ganoong klaseng tanong pero hindi pa rin ako napapagod. Alam kong nagsasawa na si Tita sa pagmumukha ko. Halos araw-araw ba naman ang papunta ko sa bahay nila, nagsasawa rin ‘yon sa akin. Pero hindi ako susuko. Hinding-hindi.
Pumutok ang balitang naaksidente si Jil kasama ang girlfriend niyang si Ezanne sa sinasakyan nitong motor. Nabalitaan ko rin na nagkaroon ng amnesia si Jil.
Bakit ganito ang nagyayari sa buhay ko?
Puro pasakit at masamang balita ang natatanggap ko. Ganito na ba kalupit ang tadhana sa akin?
Maalala niya pa kaya ako?
Hindi ko inaasahan ang mga nabalitaan ko. Ayaw ko itong paniwalaan. Hanggang si Tita Belinda na mismo ang nagsabi sa akin sa nangyari kay Jil at sa girlfriend niya.
Gusto ko siyang puntahan sa probinsiya nila para lang makita siya pero hindi ko magawa. May priorities akong kailangang pagtuunan ng pansin sa ngayon. Kaya hanggang iyak na lang ang nagagawa ko.
Lumipas ang dalawang taon at bumalik na raw dito si Jil kasama ang pamilya niya. Binalita 'yon sa akin ni mama.
Nung una ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila dahil baka pinapaasa lang nila ako. Pagod na akong umasa. Pero dala ng kuryusidad ay lumabas ako ng bahay at nakita ko si Jil na nakangiting nagbubuhat ng mga gamit papasok sa kanilang bahay.
Napaluha na lang ako nang sa wakas ay nakita ko na rin siya sa loob ng dalawang taon kong paghihintay. Ibang-iba ang Jil na nakilala ko noon sa Jil na nakikita ko ngayon. Malaki ang inilaki ng kaniyang katawan, tumangkad ito at nag-mature ang itsura niya.Nanlalambot ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan ko siya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naramdaman ko na lang na tinapik ni Mama ang balikat ko.
“Puntahan mo na. Matagal mo na rin siyang hinintay,” nakangiting sambit niya.
“I will,” sambit ko at mabilis na niyakap si Mama.
Umiiyak akong nilapitan siya. Pinupunasan ko na rin ang mga luha ko pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtulo.
Kainis! Ayokong umiyak sa harap niya!
“Hey,” bati ko. Lumingon siya sa akin at nakita kong kumunot ang noo niya. He gave me a questioning look. Hindi siya umimik kaya mahina akong tumawa. Pinakilala ko ang sarili ko.
“Naalala mo ba ako? Ako ‘to si Caela,” nakangiti at lumuluhang sambit ko kay Jil.
Nakita kong nagtaka siya sa nasaksihan at parang kinikuwestyon niya ako sa paraan ng pagtitig niya. Umiling ito at nagsalita na nagpaluha sa akin. Ito na ata ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kaniya.
“S-sino ka? Wala akong kilalang Caela. Pasensya na.”
Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kaniya.—
Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy
BINABASA MO ANG
Summer in Bloom [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero hindi pa siya handa sa commitment. She has the looks, the brain, the attitude and all pero walang na...